Prolouge

2 0 0
                                    

Ipinanganak si Chase sa mismong araw ng eclipse kung saan nilamon ng buwan ang araw at isang bumubulusok na bulalakaw ang namataan na siyang nagbibigay liwanag sa buong kalangitan

"Mistress! Isang napakagwapong bata po ang inyong anak binabati ko po kayo!"  Nagagalak na sabi ng kumadrona na siyang nagpaanak kay Alexis pumasok si Draco sa silid kung saan ang kaniyang magina at nakitang inaabot ng kumadrona sa kanyang asawa ang kanilang anak lumapit siya sa mga ito
"Mukhang magiging matagumpay ang ating anak mahal kakatapos lang ng eclipse at mayroong isang bulalakaw na napakaliwag ang nahulog mula sa kalangitan isa siyang biyaya sa atin mahal" nagagalak na sabi nito ngunit natigilan ang kumadrona
"E-eclipse? Bu-bulalakaw?!" Nauutal na sambit ng kumadrona na tila hindi makapaniwala
"Oo manang Selya Napakagandang tanawin, ngunit parang nagulat ka?" Ani Draco biglang lumiwanag ang mga mata ni manang selya

Kapag nilamon ng buwan ang araw at isang bumubulusok na bituin sa kalangitan ay magbibigay liwanag, isang bata ang isisilang magtataglay ito ng napakalakas na kapangyarihan, Kapangyarihan na kayang magbigay ng proteksiyon sa lahat o kayang magdulot ng pagkawasak, isang biyaya ang kanyang matatanggap biyayang ipinagkaloob ng mga diyos, biyayang inaasam-asam ng mga sakim na nilalang, sa oras na mapasakamay ng batang ito ang sandatang ipinagkaloob sa kanya ay siya ring pagusbong ng kasamaan na magdudulot ng pagkawasak ng sanlibutan.

"Ipagdasal niyo na hindi siya ang itinakda sa propesiya, dahil hindi madali ang magiging kapalaran niya" nanghihinang sambit ni selya

"Manang Selya hindi natin hawak ang tadhana siya man ang itinakda walang magbabago sa katotohanang anak namin siya at susuportahan namin siya sa abot ng aming makakaya, alam ko kung siya man ang itinakda ay hindi magiging madali ang pagdaraanan niya ngunit alam kong kayang niyang malampasan ang mga pagsubok na iyon naniniwala akong may dahilan ang mga diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, hindi ba mahal?" Ani alexis sabay lingon savkaniyang kabiyak

"Oo naman mahal " sabay halik sa noo nito at tinitigan ang kaniyang anak "at upang maging handa tayo sa magiging hinaharap ng ating anak ay akin siyang sasanayin upang sa gayon siya man ang itinakda ay magiging handa siya sa kung ano man ang hatid ng tadhana sa kaniya" bumaling ito kay selya"isa ka sa mga malalakas na knight ng ating bayan kung kaya't hinihiling kong tulungan mo kami manang selya"ani nito

"Tama kayo, hindi natin sigurado kung siya man ang itinakda kaya't mas mabuting tayo'y maging handa"ngumiti ito "pumapayag akong maging gabay ng munting anghel na ito"sabay haplos sa pisngi ng munting sanggol
Napabuntong hininga nalang ito....

Lux Academy : "EXCALIBUR"Where stories live. Discover now