"20 more rounds!"ani Selya
"What?!"nalulumong ani ng batang si Chase pitong taong gulang na siya simula nang umapak siya sa taong lima ay puspusan na ang ginagawang pagsasanay sa kaniya ni nana Selya at ng kaniyang ama magreklamo man siya ay wala siyang magagawa tumigil ito sa pagtakbo
"Nana selya I'm exhausted!"sabi nito
"30!" Parang binging ani nito nanlalaki ang mga mata ng batang si chase
sa di kalayuan ay nakita niya ang kaniyang ina na inaalagaan ang kaniyang kambal na kapatid nang magtama ang paningin nila ay nagsusumamo siya tumingin dito ngumiti ang kaniyang ina at umiling
"you can do it chase! "Sigaw pa nito napabuntong hininga nalang siya at pinagpatuloy ang pagtakbo sa paligid ng kanilang mansiyon kakatapos lamang niyang tapusin ang kaniyang ika-isandaan at limampung ikot sa kanilang bakuran ngunit dinagdagan ulit ito ni Nana selya na nagsisilbing kaniyang guro at gabay, sinasanay siya nito para lumakas at makapasok sa akademya
Upang makapasok sa akademya kailangan mo munang tumuntong sa edad na labing-lima at nagtataka siya dahil limang taon palang siya ay sinasanay na siya ng mga ito upang maging malakas, limang taon siya nang lumabas ang kapangyarihan niya nagulat ang kaniyang mga magulang dahil napakabata pa niya upang lumabas ang kaniyang kapangyarihan
ang normal na mga bata ay magtataon muna ng sampu bago lumabas ang kanilang mga tinataglay na kapangyarihan
"Espesyal siya dahil ipinanganak siya sa araw na iyon " ani nana Selya
"Mas mabuti na siguro ito upang masanay natin siya ng maaga" dagdag pa nito tumango lamang ang mga magulang ni Chase alam nilang kung si chase man ang itinadhana ay wala na silang magagawa, ang maaari na lang nilang gawin ay paghandaan ang hinaharap
"Dalawampu pa!" Sabi ni nana selya binilisan pa ng batang si chase ang pagtakbo pagod man ay hindi na niya ininda ito ang mahalaga ay matapos na niya ng ika-dalawang daan niyang ikot
Pagtapos ng ika-dalawang daan nitong ikot ay naglupasay ito sa damuhan hingal na hingal nag-antay muna siya ng ilang minuto upang bumalik sa normal ang kaniyang paghinga pagtapos ay bumangon na siya at nagtungo sa kagubatan sa likod ng kanilang tahanan, nagdire-diretso lamang siya hanggang sa makita niya si nana selya may hawak itong dalawang espadang kahoy
Ganito ang araw-araw na routine ni chase pagkatapos siyang paglibutin ng 200 beses sa bakuran ay didiretso siya sa gubat upang sanayin ang kaniyang kakayahan sa paghawak ng espada, bawat araw na nagsasanay siya sa paghawak ng espada ay pabigat ito ng pabigat kaya't di na siya magtataka kung bumigat nanaman ng ilang beses and espada kumpara sa dati, naalala niya nung panglabing-apat na araw ng pageensayo niya nasanay na siya nuon sa bigat ng espada niya, ngunit nagulat siya nuong araw na iyon dahil dumoble ang bigat nito "nana selya bat ambigat nito?!"
"Iyan ang iyong pagsasanay chase pagtapos ng isang taon masasanay ka rin duon aaraw-arawin natin ang pagpapabigat ng iyong sandata" nakangiting turan nito nanlulumo siya bata palang siya ay pagkabigat-bigat na kahoy na espada ang hawak niya at tinotoo nga nito ang sinabi kung dati kada dalawang linggo ang ginagawa nitong pagpapabigat sa kaniyang sandata makalipas ang isang taon ay inaaraw-araw na nito ngayon
Napabalik sa kasalukuyan si chase nang marining ang tinig ng kaniyang ama nagagalak siyang makita ito dahil madalang nalang itong makita dahil sa isa ito opisyales ng kanilang bayan naiintindihan naman niya ito dahil may mahalaga itong tungkulin
"Dad!"galak niyang sambit at nagtungo rito at nagpabuhat nangiti si Draco sa kaniyang panganay
"Kamusta ang pagsasanay chase?! " masaya nitong turan na nagpasimangot naman sa huli
"Bat ang asim ng hitsura mo?!" Ani nito
Na nagpatawa kay nana selya "nagrereklamo siya dahil daw mahirap na nga ang kaniyang pagsasanay lalo ko pang pinhihirapan"nakangising sambit nito na nagpahalakhak sa kaniyang ama
"Hmmmp!" Naiinis na sabit ni chase
"Alam mo chase para naman ito sa ikabubuti mo"nakangiting sambit ng ama "you'll know it when the right time comes pagbutihin mo anak, make us proud"dagdag pa nito na nakapagpangiti kay chase
"I love you Dad!"ani nito
"I love you too son! O sya at mayroon pa akong di natapos na gawain sa kapitolyo ikaw nang bahala nana Selya"sabi nito "chase promise me you'll behave and get stronger everyday, and be good okay?"baling nito sa anak na tumango
"Uhmm!" At nagtungo na ito pabalik ng mansiyonNakatitig lamang si chase sa papalayong pigura ng ama ng may maramdamang siyang bagay na inihagis sa likod niya agad siyang humarap at sinalo ito muntik pa siyang mabuwal dahil dumoble nanaman ang bigat na ito kahit sa hitsura nito ay parang normal lang itong wooden sword ngunit sa katunayan ito ay ginamitan ng mahika na siyang nagpapabigat rito
"Good grip! You've improved a lot chase!"nakangiting turan ni nana selya at sumugod na rito
Makalipas ang walong taon nalalapit na ang pagsusulit para sa mga bagong estudyante ng Lux Academy ang akdemya na pagmamay-ari ng pamilya ng kaniyang ina ang Lux Clan
"Hiyaaaa!"
Kalansing lamang ng mga bakal ang maririnig sa gitna ng kagubat sinusugod ng isang binatilyo ang isang babae na nasa edad 30 pataas mabilis ang naging pagkilos nito gayin din ang babae
Classssssh shiiiiiing
Tunog ng mga bakal na nagkakalansingan
Nang makakita ng pagkakataong ang binatilyo ay tinadyakan nito sa tagiliran ang babae na siyang muntikan nitong pagkabuwal ngunit muling pumostura napangisi ito"Magaling chase nagagalak na sabi nito! Ngunit yan lang ba kaya mo ?! "Mabilisan itong sumugod sa binatilyo ngayon ay nabaliktad naman ang sitwasyon ang binatilyo naman ang dumidepensa
Ngunit napangiti ang binatilyo sa tinuran nito "Blind!" Sigaw nito at isang nakakasilaw na liwanagg ang bumalot sa mga ito napatigil sa pagsugod ang babae at napapikit ang mata nang pagmulat ng kaniyang mata
"Check mate" nakangising turan ng binatilyo nasa likod na niya ito at nakatutok sakanyang leeg ang espada nito nakadampi na ang talim ng sandata nito na siya nagdulot ng pagdurogo ng kaniyang leeg walang sinuman ang nagsalitang muli na kanila at walang nagbalak na gumalawpaglipas ng ilang sandaling katahimikan
Isang palakpak ang namayani sa gitnan ng kagubatan na siyang nakapagpaling sa ulo ng dalawa
"Good job son!"nagagalak na turan nito " hindi kami nagkamali you will be great siguradong pasok ka na sa pagsusulit ng akademya! Pero pwede din namang wag ka nang sumalang sa pagsusulit dahil pagaari naman ng grandparents mo ang akademya!"dagdag pa nito na nakapagpasama sa timpla ng mukha ng binata
"Dad!" Ani nito
"Okay! Okay! Chill son di kami makikialam haha! Alam ko namang makakapasa ka sa pagsusulit at makakapasok sa akademya ng walang tulong galing samin" nakangiting turan nito "I'm so proud of you son!"
"Ahemmm! Sa tingin ko ito na ang huling pagsasanay natin chase handa ka na at alam kong madami ka pang matututunan sa akademya tandaan mo ang lahat ng turo ko sa iyo sana ay maging matagumpay ka" naiiyak na turan ni nana selya
"Maraming salamat Nana Selya!" Ani ng binata nalulungkot man dahil tapos na ang pagsasanay niya rito alam naman niyang palagi parin itong nariyan upang gabayan siya
"Tandaan mo lagi akong nandirito upang gabayan ka" nagtayo ng bahay si selya sa gitna ng gubat dahil na rin sa pagsasanay nila ni chase at ngayon ay ang mga nakababatang kapatid naman nito ang kaniyang pagtutuunan ng pansin, di katulad ni chase nakuha ng kambal ang kapangyarihan nila nang silay nasa edad na walo at sampung taon na ngayon ang kambal sa nakalipas na dalawang taon nagsanay siya kasama ng mga ito at natutuwa siya dahil mabilis matutu ang kambal at kamakailan lang ang kanilang bunso ay nakamit na rin nito ang kaniyang kapangyarihan at magsasanay na ito simula bukas kasama ang dalawa pa nitong kapatid
Isang linggo pa bago ang pagsusulit sa akademya kung kaya't pinayuhan siya ni selya na magnilay-nilay at magsanay pa rin tuwing umaga sa paghawak ng kaniyang sandata upang mas maging malakas pa siya
Alam niyang pagkatapos nito ay hindi na magiging madali ang lahat para sa kaniya
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/244145825-288-k530510.jpg)
YOU ARE READING
Lux Academy : "EXCALIBUR"
FantasiI am destined to be the greatest, a magi who wields the strongest weapon that the god's bestowed upon magis- the Excalibur. simula pagkabata pagsasanay nalang ang lagi kong inaatupag, nagsasanay ako upang maging malakas at mapabilang sa magic knight...