" Manang , nakita mo ba si mom and dad ? " tanong ko kay manang Lila .
" H-ha ? A-ah , h-hindi po , sir A-artemis " uutal - utal niyang sagot sa'kin .
" Okay po " agad akong pumunta sa'king kwarto .
Hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang ikinikilos ng aming mga kasambahay , sa tuwing ako'y paparating , hindi sila mapakali , agad silang umiiwas sa 'kin .
Inaamoy-amoy ko nga ang sarili ko kung mabaho ba'ko, tiningnan ko din ang damit ko kung nagmukha ba'kong gusgusin. Hindi ko talaga maintindihan ang kanilang kinikilos eh.
Hindi ko nalang iyon pinansin , baka natural lang yon ' dahil anak ako ng kanilang amo .
Agad akong pumasok at humiga sa kama pag pasok ko. I was so tired, my bodys aching. In'on ko ang tv at nanood nalang ng palabas. Ilang minuto ang lumipas ng may maalala ako~
Gusto kong makausap si mom and dad , dahil may itatanong ako sa kanila . hindi naman daw sila nakita ng mga kasambahay namin , kaya ako nalang ang naghanap sa kanila .
Agad akong tumayo mula sa kama, isinuot ko ang jacket ko. Inayos ko din ang pagkakasuot ng sapatos ko, nagulo kasi to kanina kasi ang likot ko sa kama. I even fixed my hair. I looked myself at the mirror. I looked presentable now, ayaw na ayaw ni mommy na nagmumukha akong gusgusin sa too ko, she always want to see me wearing presentable cloths.
Inisa - isa ko ang bawat sulok ng bahay , ngunit walang bakas na nandito sila . Asan na naman kaya sila nagpunta, umalis na naman sila ng walang paalam.
Ganyan din sila noon eh, umaalis ng walang paalam pero ket ganon, di naman nila nalilimutan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Kahit gaano man sila ka busy, gumagawa pa din sila ng paraan para mapuntahan ako. Katulad nong graduation ko, late na sila dumating non kasi nga may business pa silang pinuntahan pero kahit ganon, na aappreciate ko pa din paghihiram nila. Alam kong hindi madali para sa kanila ang hindi mabigyan ng oras ang kanilang nag-iisang anak.
" boooogsh" bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang tunog na yon, iginala ko ang aking mga mata at don ko nakita na nabangga ko pala ang mamahaling base ni mommy.
Patay ako nitoooooo!
Bumalik ulit ako sa paghahanap ngunit wala talaga sila dito eh.
Babalik na sana ako sa'king kwarto ng may maalala ako , may isang lugar pa akong hindi napuntahan . Agad akong naglakad papunta doon . Ang sakit na ng paa ko kakalakad, pano ba naman eh kanina pa'ko lakad ng lakad sa loob ng bahay pero di' ko padin nakita ang hinahanap ko. San ba kasi nagsusuot 'tong mga parents ko? Aba! Baka tinaguan na'ko. Baka takot na manghingi ulit ako ng pera. Gawain ko kasi dati yong ganon eh, nanghihingi ako ng pera tas malalaking halaga pa talaga, binibiro ko lang naman sila eh.
Naalala ko pa non kung ka kunot ang kilay nilang dalawa 'pag pera ang pinag-uusapan. Spoiled kasi ako sa kanila, nag-iisa lang akong anak eh. Unico hijo. Kaya lahat ng hinihingi ko binibigay nila.
Ganon nalang ang gulat ko pagdating ko ' ng mapansin kong may dalawang puntod dito sa ilalim ng puno . Sa pagkakaalam ko walang inilibing dito noon, pero bakit nandito tong dalawa puntod nato? Kaninong puntod ba kasi to?
Binasa ko kung kaninong puntod ito .
Hoshikawa Ashikita
Namnam AshikitaHoshikawa ? Namnam ? Pangalan ito ng parents ko dba ?
And truth hits me
Matagal na silang patay
Matagal ko na silang pinatay
Its because of my euphoria , tuwing nakakaramdam ako ng sobrang tuwa , binabaril ko ang taong nasa paligid ko . Hindi ko macontrol ang sarili ko basta-basta nalang ako nanakit ng tao kapag nakakaramdam ako ng sobrang saya kaya nga hanggat kaya kong pigilan ang sarili kong wag maging masaya, ginagawa ko. Grave kasi bumawi ang lungkot eh. Naging masaya ka lang saglit, doubleng lungkot na ang kapalit.
Kailan kaya ako magiging masaya? Yong totoong masaya ah? Andaya naman kasi eh. Nanadya ata ang panginoon. Ang laki ata ng kasalanan ko. Ayoko na ng ganito.
I want to give up pero para saan pa? Hindi naman sila mamabuhay kahit sumuko or magpakamatay pa ako eh. They already died because of this bullshit Euphoria.
Pinag-sisihan ko ang ginawa ko ngunit huli ang lahat, mag-sisi man ako'y hindi ko na mabubuhay ang magulang kong walang ibang ginawa kundi mahalin at iparamdam sa'kin kung ga'no nila ako ka mahal.
----------
Hope you like it. I have a lot of 1 shot stories to post here.@avi_bimoko