Beautiful Forest

89 4 0
                                    

Last Chapter:

"Kung ganon Ina, Ikaw ang tinutukoy ni Prinsipe Artemis na Reyna Aether?" sambit ni Prinsesa Luna.

"Ganoon na nga anak, Matapos ko talikuran ang mundo ng mga diwata nagpakasal ako sa iyong Ama, Ngunit nais mo bang malaman kung bakit Luna ang ibinigay kong pangalan saiyo?"

"Opo Ina nais ko pong malaman!" natutuwang tugon ni Luna.

"Bata pa lamang ako sa mundo naming mga diwata ay labis akong nagagalak sa t'wing magpapakita ang Buwan, para sa aki'y ito ang simbolo ng Kapayapaan at pagmamahalan, kaya naman aking ipinangako sa aking sarili na kapag ako'y nagkaroon ng isang anak na babae akin itong tatawaging Luna, Hindi ba't kay ganda ng kahulugan anak?"

"Kamangha mangha Ina, labis akong nagagalak sapagkat ito ang ibinigay mo saakin, Ngunit nalulungkot ang aking Puso kung hindi kita makakasama Ina, nabanggit sa akin ni Malaya na ikaw raw ay hindi na magtatagal anong kahulugan noon Ina?" namumugto ang mga Mata ng Prinsesa sa mga sandaling iyon.

"Oo anak sapagkat kailangan ko ng magbalik sa ilog upang dito'y magbantay at manirahan ngunit ipangako mo saakin na hindi ka malulungkot sapagkat Sa t'wing ikaw ay malungkot mas doble ang aking kalungkutan nanaisin mo ba yun anak ko?"

"Magkikita pa ba tayong Muli Ina?" Humihikbing tanong ni Luna.

"Dadating ang panahon Anak na magkakasama tayong Dalawa, "

"Prinsipe Artemis nais kong ibilin sayo ang aking Anak na si Luna gawin mo ang lahat upang H'wag nyang maranasang Masaktan at magdusa" Utos ng Reyna kay Prinsipe Artemis.

"Masusunod Kamahalan asahan nyo pong kahit buhay ko ay iaalay ko upang mapangalagaan ang Napaka gandang Prinsesa" tugon ni Prinsipe Artemis.

"Tanggapin mo ang aking Basbas Luna, Ikaw ay mamumuhay ng Payapa sa Kagubatang ito, magkakaroon ng masayang Pamilya at magiging tanyag sa paglipas ng panahon dahil sa mga kabutihan na iyong ipapamalas sa mga tao"

At lumipas nga ang mahabang panahon ..

Ang Kagubatan ay tila isang napakagandang Paraiso .. Dinarayo ng mga Turista at mga sikat na Tao sa Bansa ang Iba't Ibang Talon nito dahil sa angkin nitong kagandahan at kamangha manghang kalinisan.

Ito ay tinawag na "Luna's Paradise" na sa kasalukuyan ay pinangangalagaan ni Genesis, Ang tumatayong kataas taasang Namumuno sa Buong Syudad.

"Maligayang pagdating po sa Luna's Paradise panatilihin po natin ang Kalinisan at Katahimikan" tugon ni Genesis sa mga bagong dating na Turista.

Bago matapos ang araw na iyon, Nagtungo sandali si Genesis sa Isang talon upang mag alay ng mga Prutas at Bulaklak.

"Ina maraming salamat sa lahat ng Biyaya na ipinagkaloob mo sa amin at sa lahat ng mga taong nabubuhay rito, Aking ipinapangako na gagawin ko ang lahat upang mapangalagaan ang mga Yaman na ito at mapanatili ang ganda ng buong kagubatan, Tunay ngang kay ganda ng ipinagkaloob mo saking Ngalan sapagkat nagbibigay ito ng kapayapaan sa puso ng bawat taong bumibisita rito"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon