Millionaires (One Shot)

115 4 0
                                    

Nakikinig lang ako ng music ng biglang naisip ko, Teka, gutom na 'ko ah? Ano kayang masarap kainin? Tapos, bigla kong naisip na gumawa ng one shot story. Have you heard of "Millionaires" by The Script? Dun 'to inspired. But not the whole lyric, just the idea.

I do need some improvements in my writing. So kung may advice and suggestions kayo, feel free to comment. :)

_______________________________________

Bwiset! Bwiset talaga! Ang liit liit na nga lang ng sinusweldo, tinanggal pa sa trabaho! Putek talaga oh!

Parang ayoko pang umuwi. Anong sasabihin ko kay Sham? I've promised a good life for her. Na ituturing ko siyang reyna ko.

Pero ano?

Nangyari ba?

Kelan ko ba siya huling nabilhan ng rosas? O kaya kahit chocolate lang? Kahit nga yata Honey Bar wala eh.

Naging reyna ba siya?

Gusto ko sana sabihing "Oo." pero hindi eh. Sad to say, lagi siyang na-i-stress dahil sa mga problema namin. Lalo na sa lecheng pera na yan!

Kelan ko ba siya huling nakitang nag-ayos? Ni wala na kaming pambili ng make-up niya. Ilang beses din akong dumaan ng Watson, nagbabalak na bilhan siya. Pero bigla ko namang naaalala yung mga bayarin namin.

I'm a big loser.

Dapat nagagalit na siya sakin eh. Paasa lang ako. Hindi marunong tumupad sa pangako. She doesn't deserve me. . .

Sasakay na sana ako ng jeep, pero. . . sinonf niloko ko? Tres pesos? San makakarating yun? Baka sipain lang ako ng driver.

Kaya lumakad na lang ako.

Eh kaso umulan.

Nasabi ko na bang bwiset? Sige, uulitin ko pa. BWISET! Wala pala akong payong! Kita niyo kung gano ako katalunan? Ni payong wala.

Sumilong muna ako sa isang waiting shed. Parang tangang naghihintay na huminto ang ulan kahit alam 'kong matagal pa 'to. Shemay. Medyo basa na rin ako.

Oy teka! Yung picture!

Dali-dali kong tiningnan yung wallet kong tres lang ang laman. Whew! Buti hindi nabasá yung picture namin ni Sham. Ito na lang ang mahalaga sakin. Sa lahat ng pera o ano pa mang nilagay ko dito sa wallet ko, ito lang yung may halaga. Ito lang yung pinakaimportante. Siya lang. She's my stress-reliever. Kapag problemado ako, yayakapin niya lang ako at hahalikan, tapos okay na 'ko. Magkasama naming hinahanapan ng solusyon ang problema. She's my reason of living. Living like a millionaires . . . kahit walang wala na talaga kami.

Tama. Uuwi na ako sa bahay. Gusto ko nang makita yung asawa ko.

Nilagay ko sa isang supot ng plastik yung wallet ko at tumakbo, kahit malakas pa ang ulan.

-End-

______________________________________

Uh, bitin? Yun lang talaga yun eh. Hehe. Pasensya na. Thanks for reading, anyway.

Millionaires (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon