Chapter 2

0 0 0
                                    

Nagising ako dahil naramdaman ko na may humahaplos sa'king buhok.Iminulat ko ang mga mata ko.

"Nagising ba kita?" malumay na tanong niya.Hindi ako sumagot tinitigan ko lang siya .Alam kong nagsisinungaling lang siya alam ko na mahal niya ako na nag-aalala siya sa'kin dahil kung hindi wala dapat siya dito ngayon sa'king harapan .Napangiti na lamang ako sa naisip ko.

Kinuha ko ang kanyang kamay at hinalikan ko ang likod ng kamay nito."A-akala ko d-di na kita m-makikita ." my voice crack.Ramdam kong uminit na ang sulok ng aking mga mata at ilang sandali pa lamang ay tumulo na ang mga luha ko.

Alam ko na kapag may nakakitang iba sakin ngayon ay aakalain nilang bading ako .Sabi nga nila manhid daw ang mga lalaki dahil wala daw itong pakiramdam walang emosyon .Pero dyan sila nagkakamali kaming mga lalaki ay umiiyak din pero patago lamang ito dahil kapag umiyak kami sa harapan ng karamihan sasabihin nilang mahina kami kaya kahit nasasaktan na ang damdamin namin pilit  tinatago lang namin ito na para bang wala kaming pakialam marunong lang talaga kami magtago ng emosyon.

"Kalimutan mo na yung mga sinabi ko " ngiting sambit niya .Oh I miss her smile .Nahawa ako sa pagngiti nya kaya napangiti din ako. "Magpahinga ka muna alam kong kaka recover mo pa lang " patuloy niya.Nakikita niya na nagdadalawang isip ako kaya hinawakan niya ang mga kamay ko."Hindi ako aalis sa tabi mo promise pag gising mo nasa tabi mo pa ako." napatango na lang ako .

Pumikit ako at nagkunwaring tulog.Natatakot kasi ako na baka umalis siya na sa pag gising ko ay wala na siya alam kong ang bading pakinggan pero natatakot talaga ako.

Binasag ng tawag ang katahimikan na namumuo sa kwartong ito. Naramdaman kong tumayo siya . Alam kong nakatalikod siya kaya iminulat ko ng kaunti ang mga mata ko at kitang-kita ko na nagdadalawang -isip siya kung sasagutin ba ang tawag o hindi. Pero sa huli ay sinagot niya ito nakaharap siya sa bintana ngayon nakatalikod sa'kin .

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakikinig sa usapan nila sa phone.

"What the hell! I already told you na mamaya kana tumawag alam mo naman na nandito pa ako sa hospital ." mahina niyang sabi pero dinig ko pa din. "Sige pupunta ako diyan " pinatay na niya ang tawag dahil rinig ko ang yapak papunta sa'kin. Ilang sandali pa lamang ay isang mainit na hininga ang dumapo sa king noo.She kissed my forehead. And she whisper "I'll be back sleep well " naramdaman kong lalabas na siya ilang sandali pa lamang narinig ko ang pagbukas ng pintuan at pagkatapos isinarado din. 

I open my eyes.

Bakit parang may tinatago siya sa'kin parang may mali sa kanya .Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero nagdududa talaga ako sambit ko sa'king isip. Dahil sa frustration nagulo ko na lamang ang buhok ko. Nagpahinga na lamang at pilit ipinikit ang mga mata. Dahil siguro kaka recover ko lang kaylangan ko ng lakas ay agad akong nakatulog.

--------------------------------------------------

Someone's POV

I'm  here at my office  sitting  while drinking  some alcoholic drinks. I'm starting to get pissed  dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ako.

Minutes passed at sa wakas dumating na din ang hinihintay ko.

"Alam mo naman siguro kung ano ang pinakaayaw ko sa lahat diba? " i said coldly

"Oo alam ko "sambit niya sabay ikot sa kanyang mga mata. "Ano ang kaylangan mo at bigla kang napatawag? " tanong niya.

"Kill him or I'll  kill HIM " I said and smirked. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Alam na alam ko talaga ang kahinaan niya.

"Bigyan mo ako ng panahon " sabi niya sabay walk out. Alam ko sa mga oras na ito galit siya sa'kin dahil sa sinabi ko. At ako parang baliw dahil tumatawang mag-isa.

__QueenOfHell

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Man's RevengeWhere stories live. Discover now