Kalopsia

25 0 0
                                    

7:00 PM

Nandito pa rin ako sa may sakayan. Rush hour na para sa mga empleyado at estudyanteng katulad ko dahil oras na ng uwian. Agawan ang mga barker sa pagtatawag ng mga pasaherong tila mga langgam na nagkakagulo sa pag-aagawan ng masasakyan pauwi. Nang makasakay ako himala pa namang buo pa ang katawan ko, medyo gusot nga lang ang damit pero mukha pa rin naman akong taong uuwi. Ang astig ng driver dahil parang dream job niya ata ang magpatakbo ng karo ng patay sa bagal niya magmaneho. Nakisuyo na akong iabot ang bayad ko dahil baka makalimutan ko pa dala ng antok at pagod na nagjoin forces sa katawan ko. Habang ini-enjoy ang view ng mga sasakyang parang kasali sa F1 race sa daan, napaisip nalang ako bigla kung kamusta na kaya siya. Oras na din ng uwian niya ngayon, nagdinner muna kaya sila ng mga katrabaho niya? Siguradong pagod din siya, wag sana siyang makatulog sa byahe dahil baka malaslasan na naman siya ng bag bago pa bumaba sa uuwian.

Patuloy lang ako sa pagnamnam ng mausok at maduming hangin sa labas dahil wala naman akong magagawa sa mabagal na pagpapatakbo ng driver, inisip ko nalang na at least nag-iingat lang talaga si manong dahil ayaw niya kaming mapahamak. Nililingon ko din naman minsan yung mga tao sa loob ng jeep dahil baka ako naman yung manakawan dahil sa kakasight seeing ko. Makalipas ang labing isang kanta sa cellphone ko nakarating na ako sa dorm kung saan ako tumutuloy habang nag-aaral pa ako. Ako lang mag-isa ngayon dahil nagsi-uwian ang mga dorm mates ko sa mga bahay nila. Humiga na muna ako at naisipang magpahinga muna bago maligo, ilang minuto nalang mag-oonline na din siya...

Konti nalang...

Ayan, malapit na...

At ping!

*Jennie messaged you*

Para akong naliligalig na tupa na naghihintay ng pagrereply niya sa message ko kanina pang umaga at ngayon ito na siya! Mabilis kong binuksan ang Messenger ko para replyan ang kung ano mang sinabi niya.

"Uy nakasali ka! Nakita mo na ba? Excited na akong makita ka bukas! See yah :*"

Natawa ako dahil wala siyang kaalam alam na kung ano mang excitement ang nararamdaman niya, doble nun ang sa akin, triple pa nga ata. Matagal na din kasi nung huli kong makita si Pepper. Childhood friend ko siya pero para sa akin, siya ang aking puppy love. Cheesy pero totoo. Bata pa kami nung lumipat sila ng Manila at maiwan naman ako sa probinsya. Nitong college nalang kami uli nagkaroon ng communication. Bakit? Kasi ngayon lang ako nagkalakas ng loob na hanapin siya. Nagtatrabaho na siya ngayon, hindi na kami mga bata at alam kong 'yon pa din naman ang nararamdaman ko para sa kanya, kaya noong mabalitaan ko sa kanya na may isang event na aattend siya at nataong inofferan din ang organization namin ng ilang slots para maging representative ng event na 'yon di na ako nagdalawang isip na ilista ang pangalan ko dahil opportunity ko din 'yon para makita siya ulit after ng sobrang habang panahon at sobrang daming kahopiang naganap sa aming dalawa. Matagal na kaming nag-uusap kaya naikwento ko na din sa kanya ang tungkol doon. Ang ending tuloy, nakaabang na din siya sa paglalabas ng resulta ng mga nakasali na pupunta sa event. Ngayong alam na naming pareho kaming makakapunta sa event bukas medyo nag-aaway na yung excitement at kaba sa dibdib ko. Di ko maiwasang macurious kung gano'n pa din kaya siya? You know iba din kasi diba dahil sa chat ko lang naman siya nakakausap ngayon. Di tulad dati nung pareho kaming nasa probinsya. Nakikita ko siya ng personal, nahahawakan at minsan kasabay ko pa maligo (ng may damit pa naman).

Sinabi ko sa sarili ko na maaga akong matutulog dahil ayaw kong maipit sa byahe kinabukasan pero syempre hindi nasunod 'yon, kausap ko si Jennie e. Sinasabi niya sa akin kung gaano siya kasaya at excited na kahit paulit-ulit nalang niya 'yong binabanggit ang saya pa din sa pakiramdam na gusto niya akong makita katulad ng kung gaano ko din siya kagusto makita.

Ang babaw ng tulog ko na parang sikuhin lang ako ng lamok magigising na ako, nauna pa akong bumangon kaysa sa tumunog ang alarm ko. This is the day that I've been waiting for. Ito na 'yon! Jennie-ng Jennie na ako hahahaha! Masaya akong naligo, nag-ayos at umalis ng bahay na punong-puno ng positive energy sa katawan. Para akong lumaklak ng sandamakmak na Gatorade!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kalopsia ~ A JENLISA ONE-SHOT (COMPLETED)Where stories live. Discover now