II

3 1 0
                                    

"Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan. Daig pa rin ng liyab na 'king nararamdaman. Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo. Isang tingin ko lang sa buwan napalapit na rin sa iyo." Pag-awit ko kasabay ng pag-tugtog ng kalimba. Alam ko na may nagmamasid sakin at papalapit na siya.

"Marunong ka mag-kalimba?" Tanong niya sa'kin, ngunit may maliit na boses pa akong narinig "ang galing mo naman."

"Oo, pero tumutugtog lang ako pampakalma. Hindi naman ako magaling, marunong lang." Sagot ko sa kaniya.

Umupo siya sa tabi ko,"wala naman akong sinabing magaling ka."  Sabi ng maliit na boses. "Tumugtog ka pa nga para kumalma din ako."

"Ashlue, ano bang ginagawa mo? Bakit hindi ka mag-asikaso ng mga bisita doon." Nakikita naman nya na nag-iisa ako dito, nanggugulo.

"Alam mo, Mariane, kaya nga ako nandito para asikasuhin ka." Saka siya ngumiti sa'kin.

Haynaku. Hindi ko rin maintindihan itong lalaking ito, kahit na naririnig ko ang isip niya, hindi ko naman malaman kung ano ang nasa puso niya. Kung ganito ba talaga siya sa lahat ng babae o sa'kin lang? Hindi kita maintindihan, Ashlue. "Ewan ko sa'yo." Iyan lang ang nasabi ko.

"Sige na, tumugtog ka na ulit para kumalma na rin ako." Pagpilit niya sa'kin. "Please?" At naka-pout na naman po siya. Haynaku.

"Langit ay nakangiti, nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa ating halik." Muli akong sumabay sa pag-awit ng aking tinutugtog sa Kalimba. Sana'y tugma ang awit na ito para sa'ming dalawa.

"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan." Narinig ko na sumasabay na rin siya sa pag-awit ko.

"Nating dalawa" Hindi muna ako sumabay sa kaniya.

"Nating dalawa" Magkasabay namin inawit ang huling salita at saka na naman siya ngumiti sa'kin. Ashlue, alam ko ang nasa isip mo pero sana alam ko rin ang nasa puso mo.

"Ang talented mo talaga, Mariane. Ang galing!" Tuwang-tuwa niyang sabi at may kasama pa itong palakpak. Sobrang saya sa pakiramdam sa tuwing nakikita ko na masaya ang mga mata niya. "Kaya humahanga ako sa'yo." Rinig kong sambit ng maliit na boses ng kaniyang isipan.

"Ano iyon, Ashlue?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala. Hahahaha. Sabi ko kumain na tayo, tara." Pagsisinungaling niya. Tumayo na siya at inaabot ang kaniyang kamay sa'kin upang alalayan ako sa pagtayo. Haynaku. Bakit ba kasi ganiyan ka, Ashlue?

"Ate Mariane. Kuya Ashlue. Tara na daw sa loob, kakain na." Sigaw ni Hiro sa'min. At saka naman ito ngumiti kay Ashlue.

"Sige, susunod na kami, Hiro. Salamat." Sumigaw din pabalik ang isang ito at tumingin sa'kin. "Tayo na?"

"Sira. Hahahaha. Tara na." Tumawa lang siya at masaya na naman ang mga mata. Ganiyan siya palagi.

"Biro lang, Mariane. Tara na." Pagbawi niya sa kaniyang salita at tinulungan ako dalhin ang mga gamit ko.

Nandito nga pala kami sa isang sikat na resort sa Porac, Pampanga. Celebration ng birthday ni Hiro at bonding moments kasama ang YFC (Youth For Christ) ng aming lugar. Siyempre dahil mga bata pa ang ilan sa'min, may mga kasama din na pamilya. Matagal na silang magkakilala, sabay lumaki, samantalang ako ay bago lang dito, dayo lang kasi kami sa lugar na ito kaya ganun. Pero ayos lang kasi masaya na ako dito.

"Mariane, mangan tamu." Pag-anyaya nila sa'kin upang kumain. Hindi ako sanay magkapampangan pero kaya ko intindihin, minsan.

"Ikukuha lang kita ng upuan, Mariane." Si Ashlue ito, alam niyo naman, gentleman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under The BlueWhere stories live. Discover now