One Shot Story: I'm Sorry, Hindi ko Sinasadya

164 2 0
                                    

Simula kinder pa lamang, ay mag bestfriends na tayo. Ewan ko ba, konektado talaga tayo sa isa't isa. Total opposite naman tayong dalawa. Kaya nga eh, pati mga magulang natin ay naging matalik na magaibigan. Naging ninong at ninang pa nga sila sa binyag ng bunso mong kapatid.

Elementary. Lahat ng kalokohan, ginagawa natin. Nilalagyan ng bubble gum ang mga upun ng mga kaklase, binubuhusan ng juice ang mga bag nila pag hindi sila nakatingin, tapos nanakawin ang mga baon ng mga mayayaman nating classmates, pero ang hindi nila alam ay iyakin ka. Oo! Tama nga. Ikaw Ericka Mendoza ay isang napaka iyaking bata.

Naaalala ko pa nga nung Grade 5 tayo, nag away tayong dalawa dahil lang sa kung anong istasyon ang mas sikat. ABS CBN ba, o GMA. Siyempre tayo palang dalawa nun. Aba e ako, Abs Cbn ako boto, tapos ikaw GMA. Hahaha! Nakakataw kung alalahanin. Grabe lang. Hindi ka nagpapatalo, hanggang sa isa isa nang dumating ang mga kaklase natin. Lunchbreak kasi nun. Lahat sila nakikisali na din. Marami ang nadsasabing "Oo nga naman Ericka! Mas maganda naman talaga ang ABS CBN noh" 'ytayo?i Gian, ang debator ng school. Sumabat naman si Fretziel, "Naman Ericka, ano ba naman yang taste mo! Basta for me, ABS talaga" meron din namang sumang ayon na mas maganda ang GMA ang mas maganda pero nagpa daig ang kampon ni Lopez. ABS CBN ang nanalo. Kaya ayun nag tampo ka sa akin, sa aming lahat.

"Nandyan na si Ma'am Orsola!" Tila buhawing nagsibalikan ang mga kaklase natin sa kanya kanyang mga upuan. "Ok class, mag ki-quiz tayo, prepare one whole sheet of paper. Babalik lang ako may kukunin saglit. Don't be noisy. Understood?!" grabe naman tong si ma'am.

"Eri----" taika? Bakit wala ka? Alam mo kung ano ang ginawa ko? Hinanap kita hanggang sa liko ng mga room. Dahil nga may quiz at hindi mo dapat ma miss 'yun. Maba baba kasi ang grades mo nun eh. Hehehe pero sa Science lang naman.

Nakita kita sa may likod ng CR ng room ni Ma'am Orsola. Umiiyak ka. Naka upo habang yakap yakap mo yung dalawang tuhod mo. Grabe ka naman. Parang 'yun lang?! Kaya ayun, tinawag kita, lumingon ka naman at agad nabinawi ang tingin mo sa akin. "Anong ginagawa mo dito?" 'yan lang ang sinabi mo sa akin habang patuloy parin ang iyong paghikbi. "Sinusundo ka! Ali ka na kasi! Bakit ka ba andyan?! Ang baho baho dyan eh!" bulyaw ko naman sa'yo. Hindi ka nagpatinag. Wala kang kibo. Wala akong choice.

Chu chu ba wa ba wa...
Chu chu ba wa ba wa..
Awoooooooooooooo!!!
Dudududu washing washing

Nabigla ako nung tumawa ka. Grabe ka talaga! Dapat lang na tumawa ka! Sa effort kong sumayaw ng weird dance steps na 'yun at sabayan mo ng kanta na weird din. Hayyyy...."Halika na, Bestfriend?" hinawakan mo ang mga kamay ko at sinabi mong, "Bati na tayo" eh ang labo mo din kasi paminsan minsan. Sino bang ulol ang nagsabi sa'yo na magkagalit tayo?

Grumadweyt na tayo sa elementary. Lagi tayong nagtatawagan sa telepono. Minsan nga eh, napapgalitan ako ni mama. Naaalala ko pa, iba din yung mga hiligmo. Ako sa KPop, ikaw naman Anime. Pag ako nag open up ng topic lalong lalo na sa favourite kong 2ne1 and SNSD, tumatahimik ka lang, pero pag ikaw, siyempre.. Tumatahimik lang din ako. Alangan naman makaka relate ako sa'yo diba?

Dumating na yung time na nag highschool na tayo. First day of class nun. Hinahanap hanap kita. Gusto mag kaklase pa rin tayo. Tiningnan ko yung mga pangalan sa bawat pintuan ng room. Hmmmm. Wala ako sa room 1-1, and room 1-2. Pero nakita ko ang name mo doon sa room 1-2. Nalungkot ako bigla. Tiningnan ko ito ulit, pero wala talag eh. "Ibig sabihin, hindi tayo magiging mag kaklase?" malungkot na bulong ko sa sarili.

Pumunta ako sa tapat ng 1-3, at tama nga ang hinala ko. Nandun nga ang name ko. Sobrang lungkot ko nun. Pero wala din naman magagawa ang lungkot ko na 'yun. Kaya pumasok na ko sa room, at nakipagkilala sa mga naging katabi ko. May mga naging kaibigan ako, sila Mitchie, Gel and Chrizia. Mababait sila. Pero hindi nila mapapalitan ang pwesto mo sa puso ko. Yyuuuucckkk! Pweh! Corny ko na ba bespren? Boung magdamag ikaw lang ang iniisip ko. Kung may naging mga kaibigan ka na rin ba o ano. Pero kabaligtaran lahat ng mga iniimagine ko.

One Shot Story: I'm Sorry, Hindi Ko SinasadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon