By: Aya_Hoshino
Pumunta ako sa mansiyon ni Xander pero iba ang humarap sa akin isang sophisticated na babae.
"Hija, I'm glad your here... kamusta ka na? Masaya talaga ako ngayong nakita kita ulit."
"I'm sorry po tita kung hindi ko kayo maalala, you must be Xander's mother?"
"I understand that you have an amnesia kaya don't worry. Habang hinihintay natin si Xander tayo na lang muna ang magkwentuhan.
Alam mo hija, effective talaga yung sinabi mo sa akin na mga tips sa pagpapaganda I feel so young at alam mo ba nung sinabi mo na tumataba ako, naku kumuha agad ako ng dietician at ng gym instructor kaya eto... utang ko sayo tong figure ko ngayon."
"Talaga po?" Napakurap-kurap kong tanong.
"Oo kaya yung papa ni Xander? Naku hindi maalis ang tingin sa akin!"
Tawanan kami ng tawanan sa mama ni Xander. Napakasarap niyang kausap at ni minsan ay hindi ko naramdamang nainsulto siya sa akin o nagalit.
Ilang sandali pa ay dumating na si Xander at gulat na gulat ito ng makita ako. Sa garden kami nag-usap na dalawa.
"Bakit ka nandito Jinri?" Nakakunot-noo niyang tanong.
"I just want to ask kung bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang mahal ko?"
Nakapamulsa siya at tumitig ng husto sa akin habang nagbibitaw ng mabibigat na salita. "Malay ko ba kung yan din ang sinabi mo sa iba mo pang nobyo na mahal mo din sila."
Nasaktan ako sa sinabi niya. "Ano bang gusto mong palabasin, na play girl ako?"
Hindi kumibo si Xander.
"I honestly loved you Xander! Masaya nga ako noon kasi sa unang pagkakataon ay may minahal akong iba bukod kay Jonas at ikaw yun." Paliwanag ko sa kanya.
"Siguro nga minahal mo ko pero hanggang isip lang at hindi umabot sa puso."
"Anong ibig mong sabihin Xander?"
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tinuro ako malapit sa puso. "Kasi kung totoong nasa puso mo ako Jinri, kahit ilang beses pang mabagok ang ulo mo at magka-amnesia hindi ako mabubura diyan."
"Hindi totoo yan!"
Tumalikod na siya sa akin at para bang pilit niyang tinatago na lang yung lungkot. "Kung hindi totoo... bakit nang magising ka at mawalan ng alaala si Jonas ang inibig mo?
Alam mo kung bakit? Kasi kahit nabura na ang pangalan niya sa isip mo ay nakalagay naman siya sa puso mo."
Dahil sa mga sinabi ni Xander naalala ko tuloy ang unang araw na magpakilala sa akin ang lahat ng taong kakilala ko at si Jonas... si Jonas ang unang natipuhan ko.
"Bakit mo ko hinayaang mahalin ulit si Jonas!? Bakit hindi mo ko pinaglaban? I thought your my fiance!?" Di ko napigilang ibunton sa kanya ang sisi dahil hindi ko naman sinadyang magka-amnesia at mahulog ulit kay Jonas.
"Pano kita ipaglalaban kung nung nagsusukat ka pa lang ng damit pangkasal ay tinakbuhan mo na ako kaya pano pa tayo aabot sa kasalan?" Medyo di ko inasahan yung binibintang niya.
"Xander hindi! This is a mistake! Baka may dahilan kaya ako tumakbo palayo."
"Gusto mo ng dahilan? Kasi habang nagsusukat ka ng gown ay may tumawag sayo at nagbalita na ikakasal na si Jonas.
Alam mo kung ano ang masakit? Nang malaman mong wala na talaga kayong pag-asa ni Jonas ay mas ginusto mo pang magpatiwakal kesa makasal sa akin.
Kahit 2nd best lang ako matatanggap ko naman eh! Pero mas pinili mo ang kamatayan kesa sa akin."
Napamaang ako sa mga nalaman ko. Now everything makes sense, nauna akong magpapakasal bago ko nalamang magpapakasal na rin si Jonas. "Pero sabi nina mama hindi ako nagpatiwakal!"
"Aksidente? Matatawag mo bang aksidente ang pagpunta sa bundok kung saan kayo madalas mag-mountain climbing ni Jonas? Sabihin mo Jinri, hindi ka nga ba sinasadyang mapadpad lang dun nang naka-wedding dress?"
Natutop ko ang aking bibig. "Doon ako nadisgrasya?"
"Oo Jinri. Kaya kahit gaano kita kamahal... hindi kita magawang ipaglaban kasi... kasi natatakot ako na piliin mo ulit ang kamatayan kesa sa akin. Tama na sa akin na nabuhay ka at masaya kasama ni Jonas."
"Hindi mo na ba ako mahal Xander?"
"Kung hindi kita mahal... hindi ko gagawin ang palayain ka Jinri. Mas gugustuhin ko na lang na makita ka sa piling ni Jonas kesa sa piling ko na isa nang malamig na bangkay."
"Hindi ko mahal si Jonas! Hindi ko siya dapat mahalin!" Saad ko sa mataas na tono.
"Yan ba talaga ang nararamdaman mo Jinri? Baka naguguluhan ka lang sa ngayon. Bumalik ka na lang kapag sigurado ka nang nasa puso mo na ako."
Sinunod ko naman ang sinabi niya.
Kailangan ko munang pag-isipan... hindi ako dapat magpa-dalos-dalos gaya ng dati kasi baka matuluyan na talaga ako.
#MyThreeBoyfriendsII
BINABASA MO ANG
MY THREE BOYFRIENDS II (short story)
Teen FictionDahil nawalan ng alaala si Jinri... Nakakain na niya ang mga pagkaing hindi niya masikmura noon at hindi na rin siya takot sa mga insektong kinatatakutan niya noon... Ngunit ang pinakamahirap sa lahat ay dahil wala siyang maalala... Nagawa niyang ma...