chapter 26 of TEB

10K 182 1
                                    

SPG 18+
---------------------
NIA POV

geez akala ko katapusan ko na talaga, akala ko mawawala na ng tuluyan ang pinagkakaingatan kong kayamanan.

nong dinala niya ako dito sa unit niya at hinagis sa kama niya akala ko, akala ko lang ay gagawin na niya, nadala yata sa pagmamakaawa ko, grabe naman kasi hindi pa ako ready. buti na lang talaga tumunog ang cellphone niya, at ito kanina pa ako nagiisa sa kwarto niyang ubod ng laki na parang smokey mountain sa dami ng basura, hayyy lalaki nga naman, si Russel lang yata ang kilala kong lalaking ubod ng linis sa katawan.

habang hinintay ay napagpasyahan kong linisin kahit papaano ang kwarto niya, grabe nakakaturn off siya...

nakakalahati na ako sa mga basura niyang biglang lumagapak ang pinto na siya namang niluwa nito

"fuck, bwisit!!! wala talaga silang mga puso!! sarili lang nila ang mga iniisip nila!!!" nagsisigaw niyang sabi at napaupo sa kama.

napako naman ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siya, gusot na gusot ang mga mukha niya.. panay mura siya na akala mo kaaway niya lahat ng tao

unti-unti akong lumapit sa kanya at tumabi..

"o-kay ka lang?" tanong ko habang nakapatong ang kamay sa batok niya at minamasahe

"bakit ganon sila Nia? anak nila ako diba? pero bakit daig ko pa ang ampon na pinapahirapan ng mga tunay kong mga magulang?" naluluha niyang sabi

"oo masama ako, loko, tarantado, pilyo, babaero lahat na pero may karapatan naman akong sumaya diba?"

napakagat ako sa labi ko, at bumalik sa isip ko ang sinabi ko dati sa kanya..

napatawa ako ng pilit at iniwas ang tingin sa kanya

"kasalanan ko yata kung bakit nangyayari sa iyo ito..." nahihiya kong saad at naramdaman kong tumingin siya sa akin

"what do you mean?"

"noong panahong galit na galit ako sa iyo, sinumpa ko sa kulog at ulan na hindi ka magiging masaya... at mukhang nagiging totoo pa nga" bigla naman siyang napatawa

"mangkukulam ka pala..."

"hoi hindi ah" hahampasin ko sana siya ng pigilan niya ang kamay ko...

"Nia?" sambit niya sa pangalan ko habang seryosong nakatitig sa akin.

"b-bakit?" pilit kong binabawi ang kamay ko pero mahigpit siyang nakahawak

"malapit na yata ang kamatayan ko..."

napakunot-noo naman ako sa sinabi niya

"ano ba pinagsasabi mo diyan? anong kamatayan? hoi hindi ako ang sundo!! tsaka teka nga ano na naman ba iyang plano ng mga magulang mo?,, isa na lang talaga kakalimutan kong mga magulang mo sila dahil papatayin ko talaga sila"

"ipapakilala na nila sa akin ang babaeng ipapakasal nila sa akin..."

bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya...

"I dont want to get married with strangers Nia!! you know how it feels, parang nagsuicide na din ako..." he said desperately

"anong gagawin natin?" nagaalala kong tanong

"I dont know, but dont worry hindi naman kita iiwan sa ere" pagkasabi niya doon ay may biglang pumasok sa isip ko

tama yung plano namin!

naggagamitan nga pala kami, kaya ako ang magiging solusyon niya sa problema niyang ito...

p-pero?

The Enemy's BEDMATE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon