PAALAM(One Shot)

40 10 8
                                    


Pauwi na ako galing Eskwelahan. Ayoko sanang umuwi ng maaga ngunit 'di maaari dahil aalagaan ko pa ang aking kakambal na may sakit sa puso. Sabi ko kina mama at papa kumuha kami ng mag aalaga pero kulang daw kami sa pera lalo na at pambili ng gamot ni Christian.


"O Patrick andiyan kana pala, mabuti pa at kumain ka muna at puntahan mo na ang kakambal mo sa taas." aniya ni mama pag pasok na pag pasok ko palang sa pintuan, yan agad ang salubong niya sa akin.


"Opo Ma. Lagi naman tss." mahina kong sambit. Kumuha lang ako ng isang pirasong tasty at nag tungo na sa taas kung nasaan ang aking kambal.

Pag pasok ko sa loob, naabutan ko siyang nakahiga sa kama at may hawak na libro.

"Ikaw pala Patrick, pwede mo ba akong turuan tungkol sa pinag aaralan niyo ngayon?" tanong niya habang malawak ang ngiti sa labi.Tss. akala niya naman tututruan ko siya. taga bantay at taga pag alaga lang ako pero hindi ako teacher.


"Hindi ako teacher Christian, basahin mo lang ng basahin yan at maiintindihan mo din." sagot ko sa kanya at umupo sa upuan malapit sa kama niya. Pero natigilan ako nang may makita akong kulay asul na sobre malapit sa side table niya. Kukunin ko na dapat ito ngunit naunahan niya ako at agad na itinago sa ilalim ng kanyang unan.


"Ano iyon Christian, bakit ayaw mo ipakita sa akin?!" Tanong ko sa kanya. tinatago ang inis na nararamdaman.


"Wala lang yon Patrick, ikuha mo nalang ako ng tubig at gamot para makainom na ako." iniiwas niya ang kanyang mata pero tila kinakabahan siya na natatawa.


"Hindi kita susundin hanggat 'di mo binibigay ang sobre." May halong pag babanta sa aking boses ngunit 'di siya natinag.


"Paumanhin pero hindi ito ang tamang oras para ibigay ko ito sayo, siguro bukas." aniya.Aishhh!! naiirita na ako. bakit ba ayaw niya ibigay sa akin yon, ngayon??


"Bakit moba itinatago yan hah?!! mahalaga ba yan?! titingnan ko lang naman kung anong nakalagay diyan sa loob!!!" sigaw ko sa kanya. Tila nagulat siya sa ginawa ko miski ako ay nagulat din. Isip bata na kung isip bata.


Pero desperado na din ako na makita kung anong nasa loob kaya't hinawakan ko ang kanyang pala pulsuhan at tiningnan ng diretso sa mata.


"Patrick ano ba, bitawan mo ako.!" pag pupumiglas niya ngunit lalo ko lamang itong hinigpitan.


"Ibigay mo sa akin ang sobre ngayon na!" Mahina ngunit may diin kong sambit. Nag titimpi lang ako sa kanya.


"Nasa--saktan a--ko, Bit--awan mo a--ko." Nanghihina na sambit niya.

Shitt!!

"Fuck! diko sinasadya, sorry Christian." paghingi ko ng paumanhin.Nanlumo ako ng makita ko siyang namumutla. Bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib.

"Yung ga--mot k-o." hirap na hirap na siya sa pag sasalita.
Sa halip na kunin ang gamot ay dumiretso ako sa baba upang sabihin kina mama ang nangyari kay Christian.

Sinugod namin siya sa hospital dahil hindi na kinaya ng gamot niya ang kalagayan ng kanyang puso.

"Patrick umuwi ka muna at ikuha mo kami ng damit." mangiyak ngiyak na wika ni mama. si papa naman ay hinahagod ang kanyang likod.

Nag pasya akong umuwi muna upang ikuha sila ng damit.
Diko maiwasang sisihin ang aking sarili dahil sa nangyari. Sapagkat kung hindi ko siya kinulit at dapat binigay ko na agad ang kanyang gamot ay hindi  siya aabot sa ganito, hindi siya ma- oospital.

Pag tapos kong kumuha ng damit ni mama at papa ay dumiretso ako sa silid ng aking kambal.

Pag pasok ko sa loob, diko maiwasang maluha, bakla na kung bakla. kasalanan ko talaga kaya siya na ospital. Lumapit ako sa kama niya at kinuha ang sobre sa ilalim ng unan. 'di ko talaga mapigilang hindi ito tingnan dahil parang may nag uudyok na basahin ko ito.

Nang nakuha ko na ito ay nagulat ako ng nakita ko ang pangalan ko sa unahan ng sobre. Binuklat ko ito.

Dear Patrick,

                                 Kambal Happy Birthday sayo. Patawad kung nagiging pabigat lamang ako sayo. Diko naman ginusto na mag kasakit pero ayos lang hanggat nandito ang kambal ko alam kong hindi ako mapapahamak dahil aalagaan mo ako diba? Sorry Bro kung ito lang ang kaya kong ibigay sayo. alam mo naman ang kalagayan ko,hindi ako pwedeng lumabas. Kaya kahit sulat kamay lang ito ma appreciate mo parin. Basta lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari sa akin ikaw na ang bahala kina mama at papa alam kong 'di mo sila papabayaan. Wag ka malulungkot kapag wala na ako hah. pang-bakla lang yon. Maging masaya ka sana ngayong birthday mo, natin pala. Diko alam kung ilang birthday paba ang ma-aabutan ko. Basta ingat kayo lagi nina mama at papa. Mahal na Mahal ko kayo. Mahal na Mahal kita kambal ko. Happy Birthday. 

                                                               Love, Christian 

Diko namalayan na naka tulugan ko na pala ang pag iyak. Biglang nag vibrate ang cellphone ko at halos manghina ako sa nabasa ko.


From Mama,

                    Patrick wala na si Christian. Hindi niya kinaya ang operasyon.
                    Patay na ang kambal mo.

Napa-upo nalang ako sa sahig dahil sa nabasa. Diko akalain na diko na siya makakasama ngayong birthday naming dalawa. Na 'di ko na siya ma aalagaan. Yung ngiti niya diko na makikita tuwing aawas ako galing eskwelahan.

Unti unting umagos ang luha sa aking mga mata.

'Patawad Christian.' yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa loob ng aking isipan.

"Happy Birthday Kambal ko. PAALAM!" I said while Crying. 


End.

Napa iyak ko ba kayo??
Please Vote and Comment


Lab yu guys.
Heriancole10




PAALAM(One Shot)Where stories live. Discover now