Complicated

89 3 0
                                    

Kinaumagahan, maaga lahat gumising... ngayon na, ngayon na ang araw na aalis ang One Direction. Gustohin man naming manatili sila, hindi pwede. Kami pa ang sisihin ng mga fans kung magka-taon.

"Ready?" Tanong ni Julianne kay Harry, na halatang nalungkot ito.

"Yan, halika nga." Niyakap ni Harry si Julianne saka ito hinalikan sa noo. "Huwag ng malungkot, babalik rin naman kami e. At promise, i'll always text you. At magsa-skype din tayo. Okay?"

Tumango naman si Julianne bilang sagot.

Ang nararamdaman ni Julianne ngayon, kapareho talaga ng nararamdaman ko. Ang lungkot sobra, alam mo 'yung feeling na nasanay kana sa presence ng isang tao pero aalis din naman pala ito? Parang may mali e.

"Hey." Sabi ng kakarating lang na si Zayn, he's now really ready. Hay,

"Nalulungkot ka?" Napansin niya siguro'ng kanina pa ako hindi nagsasalita.

"Okay lang." Matipid kong sagot. Actually, i'm scared. Hindi ko talaga alam kung bakit ako natatakot e, hindi naman kami di ba?

"Here." May kinuha siya sa bulsa niya, tapos inilahad niya iyon sa kamay ko, it's a dream catcher necklace na color skyblue. Ang ganda.

"Para saan 'to?" Sabi ko.

"Remembrance?" Ngumiti siya tapos sinabihan akong tumalikod para siya ang mag lagay ng necklace sa leeg ko. Ang sweet siguro naming tingnan kung mag syota kami. Pero hindi e, siguro... panakip butas lang ako.

Pagkatapos niya'ng ilagay 'yung necklace ay iniharap niya ako sa kanya. I fake a smile.

"Bagay." Sabi niya, ngumiti nalang ako. Kahit sobrang sakit na ng dibdib ko. Gustong-gusto ko talaga'ng itanong kung ano kami, kase alam niyo 'yun? He's acting sweet towards me. Tapos bigla namang mag-bago? Ang saklap.

"Z-zayn?" Nauutal kong sabi, siguro naman walang mawawala kung itatanong ko di ba? Kase papatayin ako sa curiousity ko na 'to eh.

"Yes?" He's raising his eyebrow.

Shit. Kinakabahan ako, pero bahala na. I heaved a deep sigh bago nag salita.

"Ano tayo?"

Zayn is silent for a moment. Parang, ayaw niya'ng sagutin 'yung tanong ko. I feel dissapointed. Umaasa pa naman ako.

Then finally, he sigh. Nakaramdam ako ng maluwag sa dibdib ko. "Let's just talk about it after the tour."

Nang sabihin niya iyon ay umalis na siya. I felt like crashing down. Suddenly, naramdaman ko nalang na may tumulong luha mula sa mga mata ko. I am crying.

Bakit siya ganun? After niya'ng gawin akong panakip butas eto siya? Sasaktan ako? Sabagay, masyado ata akong nag expect... pero kahit na eh, ang sakit pa rin. Bakit pa siya nagpa-pasweet kung hindi naman niya totohanin? Oh, ako lang talaga itong assume ng assume?

"Hanky?" Dali-dali kong pinunasan ang luha ko nang marinig ang boses ni Girly. Sa lahat ng tao, siya pa talaga ang lumapit? Eh, alam naman niya'ng ayaw na ayaw ko sa kanya.

"No thanks, I am not crying." Naka-tilikod kong sabi. Ayokong makita niya'ng umiiyak ako, paniguradong pagtatawanan lang niya ako. "Maka-alis ka na." Sabi ko.

"Weh?! Umiiyak ka eh, tanggapin mo na 'to."

"Hindi nga sabi e. Ba't ba ang tigas ng ulo mo?"

"Saphire, i have a shoulder. If you need someone to cry on. I can be that someone. Kung ano man ang nararamdaman mo ngayon, nararamdaman ko rin. Hindi lang ikaw ang nasasaktan Saphire." Kahit naka-talikod ako sakanya, ramdam ko 'yung pag seryoso niya.

I sighed. "Siya kase e, noong isang araw lang sinabi niya sa 'kin na I healed his broken heart. Tapos ng tanungin ko siya kung ano kami ngayon... sasabihin niya'ng pag-usapan lang namin kung naka-balik na sila galing tour? Ginawa niya akong tanga."

Naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin. Tinabihan niya lang ako. "Hindi naman sa sinabi niya'ng nahilom mo ang sugat sa puso niya e, mahal kana niya. Minsan kase, instrumento at gamot lang tayo sa paghilom ng sugat ng nakaraan ng isang tao. At hindi ibig sabihin noon pwede na nila tayong mahalin, malay mo, napapasaya mo lang siya kaya madaling nahilom ang sugat niya."

"Pero kase eh." Naiiyak na ulit ako, parang--- ayoko'ng tanggapin na hindi niya ako kayang mahalin?

"There's always a time Saphire, let him be. Let him think first kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa 'yo." Sabi niya saka tinap ang likod ko. "Ikaw rin, pag-isipan mo kung totoo na ba talaga 'yang nararamdaman mo. Hindi minamadali ang love. Sige, alis na 'ko ha? Sasama ka ba sa airport o hindi na?"

"I'll try." I sighed.

"Sama ka na. Baka, magtataka pa 'yung isa kung bakit hindi ka sumama. Malulungkot pa 'yun." Girly chuckled.

"Hindi 'yun malulungkot." Sabi ko.

"Malay naman natin di ba?" At tuluyan ng natawa si Girly, pero umalis na ito habang naka-tawa pa rin. Adik talaga.

---

Dahil nga sa ayaw ko namang magpa-iwan ng mag-isa sa bahay ay sumama nalang ako sa paghatid sa kanila sa Airport.

Hindi kami nag-iimikan ni Zayn, simula noong nangyari kanina sa bahay, hangga'ng nakarating na kami dito sa Airport. Nagtaka na nga 'yung ibang kasama namin. Pero binaliwala ko nalang sila. Ayoko talaga'ng makipag-usap ngayon, masakit ang ulo ko at the same time. Ang puso ko.

"Goodbye love. 'Wag mag hanap ng iba ha?" Sabi ni Harry kay Julianne habang kinurot 'yung pisngi nito.

"Ako pa talaga maghanap ng iba ha? Eh, mga fans niyo nga diyan wala ng patawad e. Ang lalandi." Julianne rolled her eyes.

Napatawa naman si Harry sa inasta ng Girlfriend saka ulit ito kinurot sa pisngi. "Oo nilalandi nila ako, ikaw din naman ha? Pero 'wag kang mag-alala ikaw naman ang kaisa-isang nilalandi ko." Then he wink at her that made her blush.

"May nilalanggam oh." Sigaw ni Niall.

"Selos ka lang, kase hanggang ngayon wala ka pa ring Lovelife. Hahahaha." Pang kantyaw ni Harry. Natahimik naman si Niall saka ito bumili ng pagkain malapit lang dito sa Airport.

"Ta niyo 'yun. Pagkain lang ang nilalandi." Kumento ni Liam. Nagtawanan naman ang lahat. Maliban sa 'ming dalawa ni Zayn.


Kahit nagtatampo ako sa kanya, hindi ko pa rin tinanggal 'yung kwentas na bigay niya which he was staring right now.

When we got eye contact, pareho naman kaming napa-iwas tingin dalawa. Hanggang sa tinawag na ang flight number nila.

"Girls, we have to go." Sabi ni Louis na nakapag-kalas naman ng yakap nina Julianne at Harry, but Harry gave Julianne a quick peck on the lips. Kaya naman namula lalo si Julianne.

"Aalis na kami." Nagulat ako nang nagsalita si Zayn sa tabi ko. Hindi pa rin ako kumibo. When he suddenly grab me and hugged me.

"Mami-miss kita." He whisper's.

I feel goosebumps. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko, hindi ako maka-galaw mula sa pagkakayakap niya.

Nang tawagin ulit yung flight number nila saka siya tinawag ni Louis. "Zayn."

Kumalas siya ng yakap saka ako hinarap.

"I love you." He mouthed that made my heart skip a beat. Saka siya umalis kasama ang ibang myembro.

What the hell? Hindi naman siguro ako nagkamali ng basa sa bibig niya ano? O baka naman i hate you 'yun?

Aaahhh. Zayn, bakit ang complicated mo?

How to Heal a Broken Heart [Zayn Malik Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon