May tatlong lalaki ang nasa jeep. Ang driver na si Suho, isang guro na si Chanyeol, at si Chen na pasahero lamang.
Nawalan ng kontrol ang minamanehong sasakyan ni Suho kaya naman nahulog ang sasakyan sa bangin kasama sila.
Nang magkamalay na ang tatlo, may nakita naman silang dalawang nilalang. Isang nakaputi at isang nakaitim. Ang nakaputi ay si San Pedrong D.O at ang nakaitim ay si Satanas Sehun. Nakatayo ito sa harapan nila.
Satanas Sehun: Dahil napupuno na ang tao sa langit at di na mabilang-bilang ang rami ng pumapasok, napagkasunduan namin ni San Pedrong D.O na lilimitahan nalang ang pagpasok dito. Kung sino man sa inyo ang magtanong na hindi ko masasagutan ng tama, iyon ang karapat dapat na makakapasok sa langit. Kung masagot ko naman, diretso kayo sa impyerno. Ngayon, sinong gusto mauna?
Driver Suho: Ako, me! Ako muna!!
Satanas Sehun: Ano ang iyong katanungan?
Driver Suho: Kailan nagdebut ang kpop boy band na EXO?
Satanas Sehun: /le nag-isip ng mabuti/ Hmm.... April of 2012
Boom! Nagliyab at biglang naglaho ang driver na si Suho. Sumunod naman ang guro na si Chanyeol.
Sonsaengnim Chanyeol: Ako naman! *derp* /le nagbigay ng pagkahaba-habang math problem)
Nasagutan naman ito ng tama ni Satanas Sehun kaya gaya ng nangyari kay Driver Suho, naglaho rin ang Guro na si Chanyeol
Satanas Sehun: Ikaw naman, Chen.
Chen: Hmm.... sige kumuha ka ng upuan at butasan mo ito ng 12 na butas.
Satanas Sehun: Aba, inutusan pa ako! Hmm... pero dahil naiintriga ako sa pinapagawa mo. /le kumuha ng upuan at binutasan ng 12/
Umupo naman si Chen sa upuan at umutot.
Chen: Ang tanong ko sayo Satanas Sehun, saang butas ako umutot?
Satanas Sehun: /le pinagpawisan/ Hmm... sa ika-sampu na butas?
Chen: Mali! Syempre sa butas ng pwet ko, tanga! GO TO YOUR OWN HELL HAHA :P
San Pedrong D.O: Welcome to Heaven CHEN :)