ayoko na. naiinis na ako ha. naka-ilang graphic shop na ako, nakailang request na ako. ang dami ko nang na-edit. dapat sanay na akong nangyayari to eh. i mean, okay sige. expected kong mangyayari na to dati pa. pero nakakainis pala kapag nandon ka na sa mismong sitwasyon.
utang na loob guys, gamitin niyo naman yung inedit ko.
kahit isang araw lang, okay na. pagkatapos ilagay niyo ulit sa media section.
YAN LANG NAMAN ANG HILING KO DIBA? MAHIRAP BA?
buti nga hindi ako ka-demanding tulad ng ibang editors eh. na kailangan pa silang i-follow muna, ilagay sa reading list yung graphic shop, i-vote yung chapter, kailangan pang mag-sabi ng thank you pag nakuha na ang cover at iba pang kaekekan.
ANG AKIN LANG, APPRECIATION, DEDICATION AT CREDIT.
pero wtf bakit ang dami pa ring hindi sumusunod?
sabi ko doon sa rules, dedication muna tapos cover. pero dahil mabait ako, kahit hindi pa kayo nakakapag-dedic sa akin, ginawa ko na ang cover dahil (1) sinabi niyo yung magic word at, (2) may tiwala ako sa inyo. dahil alam ko na susundin niyo naman ang rules pagkatapos.
PERO SHUTANGINAMES DI NAMAN SINUNOD.
alam niyo kung ano ang masaklap don? wagas kung maka-thank you at makapuri doon sa gawa mo pero HINDI MAN LANG GINAMIT YUNG COVER AT HINDI MAN LANG NAG-DEDIC. OK NMN.
ano ba guys, alam ko naman na hindi sobrang bongga ng edit ko tulad ng iba. kasi diba simple edition lang naman to? pero kahit na ganun lang yon, pinaghirapan ko yon. hindi man yung sobrang paghihirap, pero pinagpaguran ko yun. inilaan ko ang oras, pagod, effort, at ideas ko para lang sa simpleng book cover na yan tapos babalewalain niyo lang?
PLEASE GUYS. dedication lang. simpleng rule lang yan diba? di naman ganun kahirap diba? in less than one minute magagawa niyo na yan.
kung hindi man kayo makapag-dedic, GAMITIN NIYO NAMAN YUNG COVER. tulad nga ng sinabi ko, kahit isang araw lang OK NA. tapos ilagay niyo na lang sa media section. GANUN LANG. TAPOS.
or kung sobrang nahihirapan na kayong gawin ang dalawang yan, MAGLAGAY MAN LANG KAYO NG CREDIT. kahit saan. kahit sa story description o kaya sa prologue OR WHATEVER. ANG IMPORTANTE, MAY CREDITS.
ito yung reason kung bakit ayaw ko nang mag-open ng graphic shop eh. kasi ang daming hindi sumusunod ng rules.
yung mga dati kong graphic shop, yun yung mga bongga ko pang edits. yung mga talagang pinagpaguran ko. ilang oras ang inilaan ko para gawin yun pero ang daming hindi sumunod sa mga simple kong rules. kaya eto, simple edition na lang ang ginawa ko.
sa totoo lang wala na dapat akong plano na gumawa ulit ng graphic shop, pero dahil mahal ko yuung mga nagrerequest sa akin at ang daming nagmamakaawa na mag-open ulit ako, ayon. nag-open ulit ako.
pero kapag ganito pa rin yung mga nagrerequest sa akin, isasara ko na to at hindi ko na itutuloy pang gawin yung mga pending requests. ayoko na. nakakapagod.
mas magiging mapili na ako sa mga requests na gagawin ko.
PS. hindi ko pinapatamaan lahat ng nagawan ko na ng covers. may mangilan-ngilan lang. sa mga sumunod ng rules, AYLABYUOL.
K. ARTE KO. BYE
BINABASA MO ANG
Red: Graphic Shop
Randomtemp. closed. gagawin ko muna yung pending requests. :-) ( as of 01.04.15)