Kabanata 8 Like

33 2 0
                                    

Lumipas Ang ilang linggo muling dumami Ang mga trabaho halos gabihin na ako sa daming paper works na dapat ayusin, naging mas nagkalapit kami ni sir dahil na din sa palagi kaming nagkasama tila nakalimutan nanamin Ang nangyari sa restaurant,pa minsan minsan kinukulit pa siya Ni Kim nalaman niya Kasi na hindi totoo Ang sa Amin Ni sir dahil nagimbestiga siya nagtanong tanong siya dahil sa kakulitan na rin Ni Kim sinabi na Ni sir Ang totoo na Hindi talaga kami.Kaya Hindi na ako masyadong naiilang Kay sir dahil sa pagamin niyang Yun na Hindi talaga kami si xian naman ay pinapanindigan niya Ang sinabi niya sa akin na gusto niya pa rin ako lagi niya akong inaantay sa labas NG kumpanya para ihatid ako paguwi pero nagpapasundo ako Kay papa dahil ayoko rin magpahatid sa kanya dahil ayoko na uli kaming magkalapit Tama na Yung isang beses na sinaktan at niloko niya ako ayoko NG maniwala pa sa kanya ayoko NG maulit Ang dating ginawa niya Tama na dahil sinabi ko na sa kanya na tapos na kami tapos na talaga kami.

6:30PM

Sa wakas ngayon Lang kami natapos NG maaga sa trabaho mukang makakuwi akong maaga nito iniligpit ko na Ang mga gamit ko at lumabas sa opisina ko pero nagulat ako NG NASA pintuan ko si sir.

"Sir ano pong ginagawa niyo diyan?tanong ko

"Ah ano Kasi"Hindi maituloy Ang sasabihin Ni sir nakasuksok Ang kaluwang kamay nito sa bulsa niya at Ang isang kamay naman ay NASA noo niya na mukhang nagiisip NG sasabihin

"Ano po Yun sir?"tanong ko muli

"Ah may gagawin ka pa ba?"tanong niya

"Ahmm Wala na po"sagot ko

"Si Lolo Kasi ah gusto Kang Makita at imbitahin para sa hapunan sa bahay"Ani niya

"Ah sige po ok Lang po sir tutal maaga pa naman po"sambit ko

"Ah sige magaayos Lang ako NG gamit"sabay turo sa opisina niya

Muli siyang pumasok sa opisina niya at inaayos Ang gamit niya NG matapos Ito ay lumabas na siya

" let's go"Yaya niya

"Let's Go"Ani ko

Sabay kami lumabas Ni sir NG kumpanya at sumakay sa kotse niya Muli siyang magdrive at

"Pasensya na sa halip na makakauwi ka NG maaga at makapagpapahinga niyaya pa Kita sa bahay"Ani niya

"Wala po Yun sir ok Lang po at saka matagal tagal na rin pi na Hindi ko nakita si Lolo"sambit ko

"Palagi ka nga niyang bukambibig"sambit Ni sir Kaya napatingin ako sa kanya

"I mean ah lagi niya akong tinatanong Kung pwede daw ba na pumunta ka sa bahay, hanapin Kita para magkita kayo, Kaya niyaya Kita ngayon dahil gusto niya na Makita at makipagkwentuhan uli sayo, Hindi siya makapunta sa inyo dahil Alam niya na busy Ang papa mo sa work at Sabi ko Kay Lolo na busy ka rin sa work mo"paliwanag Ni sir

"Hindi niyo po ba nasasabi na magka trabaho tayo?"tanong ko

Iling Lang Ang sinagot niya ibig sabihin na Hindi pa Alam Ni lolo.30 minutes bago namin narating Ang bahay nila

7:10PM

Sakto pang Ang oras para sa pagkain para sa hapunan NG nakarating kami ay bumaba na ako at sinalubong kami NG isang maid

"Sir NASA kusina po Ang Lolo niyo kanina pa po kayo inaantay"sambit NG isang maid

Tango Lang Ang naisagot Ni sir agad na kaming pumasok dalawa at sumunod Lang ako Kay sir papuntang kusina nila NG Makita na ako Ni Lolo

"Iha come, halika"masayang Yaya Ni Lolo sa akin Kaya lumapit ako agad dito at pinaupo niya ako madaming pagkain Ang nakahain mukhang masasarap at pangmayaman Ang mga pagkain dito

"Oh iha Kain ka NG marami ha wag Kang mahihiya"sabay ngiti nito

"Opo salamat po"hiya Kong sagot

"Iho dito ka maupo"Yaya Ni Lolo sa Apo niya

Pinaupo Ni Lolo si sir Josh na katapat ko Bali na sa gitna namin si Lolo nagsimula na kami NG kumaing tatlo at Maya Maya pa at nagsalita na uli si Lolo

"Ah iha may boyfriend ka na ba?"nagulat ako sa tanong Ni Lolo Hindi ko inaasahan na magtanong siya NG ganoon

"Ahmm Wala po"sagot ko

"Bakit Wala sa ganda mong Yan Wala dapat meron,ano bang katangian NG lalaki Ang gusto mo?"tanong Muli Ni Lolo bakit sa dami NG topic lovelife ko pa

"Ahmm simple Lang naman po ah mapagmahal, may respeto,mapagkakatiwalaan,malambing,may pangarap sa buhay at huli mananampalataya"sagot ko

"Ahh Alam mo may kilala ako na ganyan gusto mong nakilala?"sabay taas baba NG kilay Ni Lolo Sino naman Yung lalaki na sinasabi niya

"Sino po?"tanong ko

"Ang Apo ko si Josh"bigla na Lang napaubo si sir Josh at nasamid Ito Kaya agad na akong naglagay NG tubig sa baso at inabot ko Ito sa kanya tinanggap naman niya Ito at ininom pagkatapos niyang inumin ito ay tumingin siya sa akin at agad naman akong umiwas NG tingin sa kanya.

"Ayos ka lang ba Apo?"tanong Ni Lolo sa Apo niya

"Opo ayos Lang po ako"sagot Ni sir

"Ah ok mabalik tayo sa usapan na-"Hindi natapos Ni Lolo Ang sasabihin niya dahil nagsalita na si sir

"Lo pakainin nyo muna si Yumi"sambit Ni sir agad naman na napangiti si Lolo sa sinabi Ni sir

"Sige iha Kain ka daw muna"pangaasar Ni Lolo

"Ahmm may dapat po pala kayong malaman Lolo"bigla akong napatingin Kay sir at ganoon din siya dahil sasabihin ko na magkatrabaho kami NG Apo niya

"Ano Yun iha?"tanong Ni Lolo

"Ah Kasi po lolo Ang Apo niyo at ako ay magkatrabaho"sagot ko

"Really ,magkatrabaho kayo?"sabay tingin kay sir Josh at tingin sa akin

"Opo bale secretary po ako NG Apo niyo"dagdag ko

"Oh mabuti naman bakit Hindi mo agad sinabi sa akin Ito Apo?"tanong Ni Lolo kay sir

"Lo busy po ako Hindi ko po masabi"paliwanag niya

"It's ok, now I know na magkakilala na pala kayo at iisa Lang Ang kumpanya na pinagtatrabahuhan niyo edi Hindi na ako mahihirapan na paglapitin kayo"biglang kumunot Ang noo ko ano bang ibig sabihin Ni Lolo gusto niyang paglapitin ako ata Ang Apo niya ganoon ba?

"Yumi ,faster late na ihahatid na Kita sa inyo"sabay tayo Ni sir at umalis sa hapag

Tila tawa naman NG tawa si Lolo ano bang nangyari Kay Lolo?nagpatuloy Lang kami Ni Lolo sa pagkain at NG matapos ay lumabas kami NG sabay Ni Lolo at pumunta sa Salas para hintayin Ang pagbaba Ni sir dahil pumasok Ito sa kwarto niya

"Alam mo Yung Apo ko mabait talaga Yan masungit Lang minsan pero masipag,magmula NG nagbreak sila Ni Kim nagbago siya halos mawalan siya NG ganang mabuhay dahil Mahal na Mahal niya nga Ito at Ang masaklap pa eh kaibigan niya Yung umagaw sa Mahal niya, at nangibang bansa pa Ang mga magulang niya Kaya ako Ang naalaga sa kanya noong nagiisa siya pinagbaksyon Lang niya ako sa America para makasama ko din Ang papa niya "kwento Ni Lolo

Alam ko na Ang nangyari sa kanila Ni Kim at ni xian dahil kinuwento niya na Ito sa akin,pero Hindi ko Alam Ang sa parents niya.Nakita ko si sir na pababa na Kaya tumayo na kami Ni Lolo

"Let's go"Yaya Ni sir at lumabas na Ito

"Paano po uuwi na po ako"pamamaalam ko

"Sa susunod uli ha"sabay ngiti Ni Lolo

"Sige po bye po"sabay kaway ko at lumabas na NG bahay nakasakay na si sir sa kotse niya at sumakay na rin ako tahimik Lang kaming dalawa habang pauwi.

9PM

"Salamat napasaya mo si Lolo ngayong Gabi"sambit Ni sir

"Wala po Yun"ngiti ko

"Pasensya na sa mga sinabi Ni Lolo kanina"paghingi niya NG paumanhin

"Ok Lang po Hindi ko naman po Yun pinansin"sambit ko

"Ahh Kasi Kaya siya ganoon sayo Kasi boto siya sayo"bigla naman akong napatingin sa kanya


"I mean gusto ka niya para sa akin"

Balang Araw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon