Chapter 1: Story of Us

13 0 0
                                    

First Story ko ito so sana magustuhan niyo 😊

Nakahiga ako sa kwarto ko at iniisip kung anong purpose ko sa mundong ito.  Sa totoo lang Simpleng buhay lang ang meron ako nappalibutan ako ng mga taong nag-mamahal sakin especially yung parents and close friends ko.

So ito na nga curious  na ba kayo sa kwento ko True story ito kaya expect the unexpected hahahah. 




....

2012

"JENAAAAA GISING NAAAAA TANGHALI NA ANO DYAN KA NALANG BA!!!!" - MAMA

"Ma gising nako no kailangan tlaga parang megaphone ang boses (nag iinat pa ko at tulala pa) "

"First day mo sa college ngayon di ka ba excited ha"

"Mama excited ako pero knkabahan ako no"

Bumaba nako para maligo at mag ayos agad.  First day feels sa totoo lang kinakabahan talaga ako ng sobra dahil di naman ganon kataas ang self confidence ko kumpara sa iba.  So syempre naglagay ako ng light make up lang. 

"Ma alis nako"

"Umuwi ka agad"

"Oo na Ma"

Pagdating ko sa School natural madaming Estudyante pagandahan ng Damit at syempre ng Itsura.  Pero pag college iba na kasi patalinuhan tlaga ng bongga.  Di dapat Business Administration  ang kukunin pero yung ang gusto ng parents  ko may magagawa ba ko edi wala. 

Assual First day means Orientation day, sa sobrang daldal ng nakilala kong Girl kanina di ko alam magka klase pala kami sya yung una kong naging kaibigan si jessa.  Sobrang kalog, maingay, magaling sumayaw at matalino.  At ayun na nga natapos ang orientation at napagpasyahan naming mag Sm Marilao.  Medyo ginabi nako ng uwi nun at napagalitan na nga ako dahil napaka gala ko daw first day pa naman ng klase. 

Nakwento ko na ba sa inyo kung gaano kahigpit ang parents ko. 

Way back 2011

June

Fourth year high school  ako nun uwian na napagpasyahan namin ng dalawa kong best friend  na magpunta sa bahay nila dahil birthday nya,  at di pa uso ang cellphone nun kaya di ko nman alam na susunduin ako ng mama ko edi syempre di nya ko naabutan kaya nag init ng ulo.  Alam ko iniisip nyo na ang weird kasi 4th yr nako pero wala akong cellphone dati kasi di nman ganon kaimportante yun dhil dati walang drawing lahat pumupunta tlaga sa tamang oras or sinusundo nalang sa bawat bahay.  Edi umuwi nako ng bahay nun at medyo nanlalata ako dahil gitnang bukid ang bahay ni rose malapit lang sa amin gaano pero mainit ksi tirik na tirik ang araw kaya pagkabihis ko umidlip ako agad.  Maya maya nagulat nalang ako dahil umakyat si mama ng kwarto ko at sinampal ako ng malakas.

"SAAN KA GALING BAT NATUTULOG KA,  LASING KA SIGURO NO!! "

Di ako makapagsalita nun at nauna yung luha ko.  Bumangon ako nun.

"Ma galing lang ako kila rose at kasama ko si elaine di nman kami uminom birthday nya ngayon kaya nagpunta kami sa bahay nila"

"Wag ka na magdahilan alam ko na mga ganyang palusot ang bata bata mo pa umiinom ka na"

Di nako sumagot at tumahimik nalang ako dahil kahit anong sabihin ko di nman nya ko ppakinggan. Kaya simula nun never nakong nagsabi ng kung ano ano kaya mama kung nassaktan na ba ako,  kung kamusta yung araw ko, anong ginawa namin sa maghapon  basta umuuwi  nalang ako at kain then tulog ganon.  Ayokong mag open na nun dahil ayokong ijudge ako.  Knkimkim ko nalang yung mga gusto kong sabihin dahil alam ko sarili ko lang ang mkakaintindihi sakin at wala ng iba.  Madalas nga kong umiiyak nun ewang ang weird di ba. 

Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon