CHAPTER 2

1.8K 124 15
                                    

"Sakuragi galingan mo." pasigaw ni Haruko

"Basta sinabe mo Haruko gagalingan ko talaga wahahaha." humahalakhak na tugon ni Hanamichi habang kinikilig ito.

"Ang pangit mo magpa cute." bulong ni Rukawa.

"Tumahimik ka nagseselos ka lang dahil ako may Haruko ikaw wala. Mamatay ka sa inggit Rukawa." bulyaw ni Sakuragi habang tumatawa.

"Ang panget mo." pang aasar ni Rukawa saka ito tumakbo.

"Mas panget ka. Sige tumakbo ka lang Rukawa you will end this near." bulong ni Sakuragi habang tumatawa ng malakas.

"Sakuragi si Rukawa bantayan mo." utos ni Wezaki.

"Wag mo nga mautos utusan ang henyong to." inis na sigaw ni Sakuragi.

"Ano ba yang ginagawa mo Sakuragi bantayan mo si Rukawa." pasigaw namang utos ni Mitsui.

"Rukawa, rukawa lage na lang si Rukawa." sambit ni Sakuragi na hindi maiwasan mainis.

"Hindi pwedeng si Rukawa lang ang maging sikat palabas ko to kaya dapat ako ang bida." bulong ni Sakuragi at kinuha ang bola kay Wezaki.

Nagulat ang lahat ng mag jump shot si Sakuragi pero sablay. Tawang tawa naman sila Rekori at Wezaki sa ginawa ni Sakuragi. Hanggang sa hindi parin ito tumigil dahil paulit ulit nyang kinukuha ang bola.

"Akin parin to." sigaw ni Sakuragi..

"Akin parin to." sigaw ulit nya..

"Wala talagang kasing gung-gong yan." naiinis na sambit ni Mitsui.

"Natuto ba talaga yan para kasing hindi." napapangiti nalang si Wezaki habang nakatingin kay Sakuragi.

"Wala ko masabe ganyan talaga yan si Sakuragi." nasabe nalang ni Miyagi saka ito napabuntong hininga.

"Sakuragi tama na yan di na kami makapag laro." pasigaw ni Rekori.

"Hindi mo makukuha ang bola sakin Rukawa. Akin lang to." sabe ni Sakuragi habang nakatingin kay Rukawa.

"Maglaro ka mag isa mo." walang pakialam na sambit ni Rukawa.

"Tigilan mo na yang kagung gungan mo Sakuragi." seryosong sabe ni Mitsui.

Tumigil si Sakuragi at tumingin sa team nya. Nagulat sya ng di na naglalaro sila Wezaki, Ryota, Rekori at Mitsui samantalang si Rukawa naman natulog na lang.

"Ilugar mo yang laro mo pikang pika na kami sayo." inis na inis na turan ni Ryota.

"Isa pa wag mo subukan mag jump shot kundi mo kaya." sabe naman ni Mitsui.

"Eh kasi lage na lang si Rukawa ang napapansin. Kaya ko naman yun kaso may problema yang ring natin." sagot ni Sakuragi.

"Yung ring pa talaga may problema Sakuragi." natatawang singit ni Wezaki sa usapan.

"Bulok talaga yang jump shot mo Hanamichi." pang aasar nila Mito habang tumatawa.

"Tumahimik kayo." pasigaw na inis ni Sakuragi.

"Gusto mo ba turuan kita Sakuragi?" ngiting tanong ni Haruko.

"Talaga ba Haruko? hehehe talaga naman basta si Haruko magsabe. Napaka ganda talaga nya." namumulang bulong ni Sakuragi..

"Rukawa ikaw ang mag turo kay Sakuragi." utos ni Mitsui.

"Ayoko turuan yan." sagot ni Rukawa habang nakapikit

"Bakit ayoko rin naman magpaturo sayo hari ng yabang kala mo gwapo ka. Ang panget mo kaya wahaha." pang aasar ni Sakuragi.

"Tumigil kana Sakuragi lahat na lang ng tinuturo namin sayo binabalewala mo pagod na pagod na kami sayo." seryosong sabe ni Ryota.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon