Hey Manila. Are you ready for me?!

50 1 0
                                    

"Mantrade..! Malapit na.. Yung mga baba dyan!"

Naalimpungatan si Donnabell sa kalabit ng mamang konduktor. Nakatulog sya sa mahabang byahe mula sa kanyang probinsya. Mabuti at ginising sya ng konduktor at kung hindi ay baka mapasarap ang tulog nya at makalampas sa lugar na kanyang dapat babaan.

"Oh hija. Malapit ka na bumaba. Ang himbing ng tulog mo. Mabuti at hindi nagising ang bata sa paghihilik mo.", napatingin sya sa batang mahimbing na natutulog. 

"Ay pasensya na po."

"May dala ka bang panyo hija? ", nakangiting saad ng konduktor.

"Ay meron naman po. Bakit po manong? Wala ba kayong pamunas ng pawis nyo?

"Hindi naman sa pawis ko yan. Ayan kasing kwelyo mo eh puno ng panis na laway."

"Ay hindi po yan laway. Tears of joy po yan.. hihi.." , napapahiya pa si Donnabell habang pinupunasan ang laway nyang nanlalagkit sa kanyang kwelyo.

Bahagyang napahalakhak ang konduktor. "Ay sya baba ka na hija."

"Salamat po manong. "

Pagbaba nya ng bus ay agad nyang kinapa ang kapirasong papel sa kanyang bulsa. At binasa ang address na nakasulat dito. Itinaas nya ang kanyang noo at sabay sabing,

"Hey Manila. Are you ready for me?!" at hindi nya namalayan ang mga taong bumababa sa bus. "Aaaaayy..Grabe ka naman kuya kung makasagi ka ah. Nagmomoment ang tao eh."

Sa wakas nakarating na din sya sa gusaling kanyang destinasyon. Ang Queen Tower. Binubuo ito ng pitompong palapag. Napanganga sya sa taas at ganda ng gusali. Napaka garbo ng loob nito. Halos lahat ng nandito  ay nakabusiness attire.

Halos tatlumpung minuto na syang nagiintay na tawagin ang pangalan nya. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ito na kasi ang pinakiintay nyang araw. Ang mainterview at magkaroon ng trabaho. Ang daming pumapasok sa isip nya ng mga oras na iyon. Ang kanyang ina ang kanyang inspirasyon sa bawat sandali na sya ay nawawalan ng lakas ng loob sa nakikita. Hindi hamak na mas magaganda, matatalino, at galing pa sa magagandang unibersidad ang kanyang mga kakompetensya. Ngunit gagawin nya ito para sa kanyang ina na magisa syang pinaaral at nagbanat ng buto para makatapos sa kursong BS Mass Communication. Nagbabakasakali syang matanggap bilang reporter sa isang kilalang network sa telebisyon. Halos araw araw syang nagprepraktis para sa araw na ito. Kung anong isasagot nya at kung paano sya ngingiti sa mag iinterbyu sa kanya.

"Ms. Donnabell Dela Cruz. Please come inside."

Sa wakas. Heto na. Pinapasok na sya ng sopistikadang babae sa loob ng isang opisina. Bumungad sa kanya ang isang lalaking naka talikod at nakatingin sa bintana ng kanyang opisina. 

"Ms. Donnabell Dela Cruz. How do you want me to call you?"

Ano ba tong lalaking to. Ayaw humarap. Parang hurado lang sa The Voice . 

"Ms. Dela Cruz?"

"Im sorry. Pwede nyo po akong tawaging Deedee for short. Pero tinatawag po akong Diday ng nanay ko po."

"What a funny nickname. It is."

Pamysterious effect naman tong lalaking to. Siguro pogi. Ayieee.. Parang si Mr. Grey. Baka maging 50 Shades of Grey ang story ko sa comapny na to ah. hihi.

At biglang humarap ang lalaki na naka pink na coat at ribbon sa leeg.

Ay...5O Shades of Gay pala. Hihi

"Hi. I'm Mr. Rico Natividad. One of the managing directors of Dream Network.. Where dreams do come true." , sabay taas ng kamay na signature pose ng nasabing network.

"Please introduce yourself Deedee."

"Hi sir. My name is Donnalyn Dela Cruz. I'm 21 years old. A fresh graduate of BS Mass Communication at Santa Ana State University."

"I'm sorry?!"

"Santa Ana State University, sir. Yung nabalita sa tv nung isang araw."

"Ah, Santa Ana. Okey. Kamusta naman ang nagyaring nakawan sa school nyo?", halatang dismayado si Mr. Natividad.

"Ahhhhhmmmm.. Actually po police authorities are still fixing it."

"Ok. If reporter ka, how can you report that. Sampolan mo nga ako Ms. Dela Cruz."

"Yes, sir." , sobrang kaba ang kanyang nararamdaman. 

"Ahh..", halos nauutal sya.

...... itutuloy........

Call Center 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon