Bukol is Life

27 0 0
                                    


Ganito pala kapag may interview. 

"Ahhh..."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pano ba? 

Bahagya syang napalunok. Habang ang interviewer ay nakakunot ang nuong nakatitig sa bawat kilos nya. 

"Ms. Dela Cruz? Anything to say? ", saad ni Mr. Natividad habang nakadekwatro.

"Magrereport po?.. Ako?" , nangangatal nyang nabulalas.

"Hindi ako?! Ako?!Ako!", nakangiwing himutok ng interviewer. "Tumatakbo ang oras Deedee. Marami pa akong iinterbyuhin"

"Sige po." 

Tumayo sya at sabay hinga ng malalim. Kinuha nya sa bacpack nya ang mineral water para maging mikropono. Subalit ang nailabas nya ay remote control, na may tatak na Dream Network.

Medyo nanlaki ang mga mata ni Mr. Natividad.

"Ms. Dela Cruz?!"

Hindi nya alam gagawin nya. Hindi nya alam kung bakit napasuot ang remote control sa backpack nya. Naalala nya na nagmamadali syang pumasok sa room ni Mr. Natividad, sa halip na mineral water eh remote ang nahagip ng  kanyang mga kamay

 "Why are keeping our remoooote cooontroool in youuur beeeeg?"

"I'm sorry po sir. Akala ko po kasi yung dala kong mineral water nakuha ko sa lamesa kanina. Nagmamadali po kasi akong pumasok kanina dito sa office nyo. Hihi. Sorrry."

"Okay! Continue."

"Sige po... Ehem.."

"Andito po ako ngayon sa Santa Ana University, Bulacan .. kung saan naganap ang nakawan bandang alas tres ng hapon.. Tatlong lalaki ang hinihinalang nanloob sa nasabing paaralan.. Isang refrigerator, dalawang telebisyon, container van, dvd players, radyo at tatlong set ng Maybeline lispticks at eyeliners ang ninakaw ng mga ito..! Hanggang ngayon po ay hindi pa nahuhuli ng mga operatiba ang mga nasabing suspek! Back to you Mike!"

"Ms. Dela Cruz?! Sa kabilang network yun!"

"Ay sorry po. Hindi ko po sinasadya. Fan po kasi ako nina Mel Chonglo."

"Then why are you applying here? Dun ka sa Rainbow Network mag apply! Nyeta!"

"A-AA-Ah"

"Get out of this room! "

"Po?"

"Naaaaaaaaaw..."

================================================================================

Marahan nya hinahalo ang mango shake nyang nabili sa  foodcourt. Pinagmamasdan nya ang mga tao sa paligid. Napahalumbaba sya. 

Halos lahat ay naka porma. Napakabusy ng lugar na ito. May nagtatawanan, nagtsitsimisan at meron din namang nagiisang katulad nya. Nakatitig sya sa kawalan. Inilabas nya ang kanyang pitaka at binuklat ang katiting nyang salapi. Huminga sya ng malalim.

"Pano na kaya?"

Nawawalan sya ng lakas ng loob. Pinagmasdan ang larawan ng kanyang ina.

Muli syang huminga ng malalim at pinagsama sama ang pira piraso nyang pananaw.

"Kaya ko toh!", kanyang bulalas.

Taas noo syang tumayo kasabay ng kanyang mga pangarap. Nagalakad sya na may nag aapoy na hangarin.  Donnalyn Dela Cruz babangon ka at... booom!

Nabunggo nya ang salamin ng pinto.

"Aaaraaay!", Nakangiwi nyang hinaing.

Marahan syang tumayo. Agad na lumapit ang isang lalaki.

"Miss ok ka lang?"

Bumungad sa kanya ang isang patalastas na nakadikit sa may pinto.

"21 K to 30K salary .... pluuus allowance... Apply now. Apply now!!!!"

"Miss ok ka lang ba? " , saad ng lalaki habang itinatayo sya. "May bukol ka oh." 

Itinayo sya ng lalaking naka long sleeves na blue. May katangkaran ang lalaki at halatang may magandang posisyon sa buhay.

"Ah-Ah. Ok lang." , medyo malabo pa ang kanyang pagiisip sa pagkakabunggo sa salamin. 

"Sigurado ka? Bale, i got to go. May interview kasi ako eh. "

"Sige salamat po kuya"

Nagamamadaling umalis ang lalaki. Umupo naman sya sa lamesang malapit sa patalastas. 

Apply now.. This is it pansit. Araay.. Medyo masakit ah. Pero di bale.. Itong bukol na to.. Bukol is life! Yayaman ako dito. Hihi

Itutuloy.....









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Call Center 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon