'A coffee a day keeps a grumpy away'.
--
Kakapasok ko palang sa coffee shop na ito bilang cashier.
Mahilig ako sa kape. A day without coffee is not a day for me. Kaya naisipan kong mag apply sa ganito. Buti nga naka pasa agad ako.
"Hi goodmorning maam. May i take your order." Masayang bati ko sa costumer. Ang ganda niya.
"Hi." Bati niya saken at ngumiti ng sobrang tamis. Ang perfect ng ngipin niya. "Are you new here? Ngayon lang ata kita nakita dito. Baby." Ano daw. Tama ba rinig ko? Baby? Di ba siya marunong mag basa. Abby kaya nasa name tag ko. Tss.
"Abby po maam. Hehe." Pag kocoreect ko sakanya.
"Alam ko. Mas bagay kase sayo ang Baby."
"Hehe. Ano po order niyo maam." Pag iiba ko ng usapan. Ang harot naman nitong babae na to.
"Ikaw." Nanlaki naman mata ko sa sinabe niya.
"P-po?"
"I mean one hot macchiato coffee please."
"O-okay po. May i know your name po."
"Baby."
"Ha?"
"Baby isulat mo jan."
"Okay po maam. Wait niyo nalang po. Thankyou." Saka ko inabot ang sukli niya. Ang weird naman nun.
Matapos ang ilang minuto ay okay na yung kape niya. Nahihiya akong tawagin ang pangalan na ibinigay niya. Baby ba talaga pangalan nun? Tsk
"One hot macchiato coffee for baby." Sigaw ko para marinig ng may ari ng kape na to. Ilang sandali lang ay andito na siya sa counter.
"Thankyou baby." Sabay kindat saken saka bumalik sa upuan niya. Sino kaya yun. Ang harot harot kainis. Buti nalang cute siya.
-
Natapos na ang shift ko. Pauwe na sana ako ng may kotse na nag bubusina sakin. Agad den naman niyang binaba ang bintana ng kotse niya.
"Hi baby." Naka ngiting bati niya ulet saken. "Pauwe ka na ba? Hatid na kita."
"Kayo po pala maam. Salamat po. Kaya ko naman po. Tsaka Abby po ang name ko."
"Sabe ko nga sayo mas bagay sayo ang baby. Haha. Lika na. Hatid na kita. Di ako masamang tao. I swear."
Sumakay na ako. Mukhang mabait naman siya.
"Salamat po maam." Sabi ko pag kasakay ko ng kotse niya.
"Alie Pilones. Alie nalang. Pero pwede mo ren akong tawaging baby. Hahaha."
"Haha kayo talaga maam Alie. Palabiro kayo."
"Alie nalang. Okay." Nilahad naman niya ang kamay niya.
"Abbegael Oinuma po. Abby nalang."
Nag kwentuhan pa kame ng nag kwentuhan sa kotse niya. Mabait si Alie. Nakwento den niya na favorate coffee shop daw niya ang Coffeeta. Halos araw araw ay andun siya. Sabi pa niya. Di lang daw araw araw ang pag punta niya simula ngayon. Baka kada oras ay andun siya dahil saken. Hahaha.
"So pano ba yan. Dito na ako. Maraming salamat Alie." Pag papaalam ko sakanya.
"Penge number mo. Pati mga accounts mo sa socmed." Natawa lang ako. Bakit lahat. Haha
"Haha. Ang demanding naman po nyan." Pero binigay ko den naman agad sakanya.
"See you tom baby.. este Abby."
"Haha. See you Alie." Saka ako bumaba ng kotse niya.
--Nag tuloy tuloy ang pag kakaibigan namen ni Alie. Lagi siyang nasa shop. Baby paren ang binibigay niyang pangalan para isulat ko sa cap niya. Nag gagala, nanunuod ng sine at kumakaen paren kami sa labas.
-Ilang buwan ang lumipas. Nag tapat siya ng nararamdaman niya sakin. Na unang kita palang daw niya sakin ay nahulog na siya. Masarap daw ako kasama kaya mas nahulog siya.
Hindi ko mapag kakaila na may nararamdaman na ren ako para sakanya...
Pero hindi sapat. Hindi kumpleto. Kulang. Kulang na kulang.
Mahal ko parin ang ex ko. Masakit isipin na nasasaktan ko si Alie. Alam naman niya yun. Sabi pa nga niya ay tutulungan niya ako para maka move on na talaga ako. Akala ko kaya ko. Sa ilang buwan na naming mag kaibigan ni Alie, sa ilang buwan na namen pag sasama. Siya paren talaga. Si Gia paren talaga.
Valentines day.
Nag padala si Gia ng bulaklak at tsokolate sakin. Ayoko man sabihin kay Alie ay nasabi ko na.
Naintindihan ko kung nagalit siya saken dahil parehas kaming may nararamdaman sa isat isa pero eto ako. Tumatanggap paren ng ihahain saken ng ex ko.
Nag ayaw kame ng nag away ni Alie. Hanggang sa..
"Sorry Alie. Pero sana intindihin mo naman ako. Matagal kame ni Gia. Magkaibigan ren kame. Hindi ko pa kaya." Eto nanaman kase siya. Humihingi ng kasiguraduhan.
"Talagang panakip butas mo lang ako nuh." Nag uunahan ng tumulo ang mga luha sakanyang mga mata. "Abby. Ano pa bang gusto mo. Ginawa ko naman lahat ah. Ginawa ko lahat para sana ako naman mahalin mo. Ubos na ubos na yung pride ko para sayo. Oras at atensyon binigay ko sayo. Pero siya paren talaga. Ano pa bang kulang Abby. Bat hindi mo kayang mag let go jan sa putang inang ex mo. Bat hindi mo ko kayang mahalin katulad ng pag mamahal mo sakanya." Mahabang sagot niya sakin habang patuloy sa pag iyak.
"Im sorry Alie. Im really sorry." Yun lamang ang nasabi ko. Nakokonsenya ako. Pero anong gagawin ko. Hindi pa talaga ako handa. Sinubukan ko naman. Pero hindi ko pa talaga kaya.
"Fine. Tama na to Abby. Kung wala na ren naman papatunguhan to. Mabuti pang itigil na naten. Mali. Ititigil ko na tong kahibangan ko sayo. Tutal ako lang naman tong siksik ng siksik sayo. Ako lang naman tong pinipilit lang yung sarili sayo. Ako lang naman may gusto nito. Kaya kahit masakit... Hindi tayo pero.. M-malaya kana..."
Ako ang kailangan.. Pero di ang mahal... 🎶🎶
(Di ren pala siya ang kailangan hehe.)
-
Ayoko ng hindi happy ending. Pero nasasaktan ako sa paubaya ni Moira. Hahaha.
Happy Valentines. Ingat kayo. Ingatan niyo sarili niyo. 🙂A/N: Super short one shot lang to. Wala lang. Hehe.
⛦