After 10 minutes ay nakarating na ako sa bahay, Agad ko namang ipinarada ang sasakyan ko sa parking namin.
Matapos kong pumasok ay isinara ko ang pinto. Ipinatong ko muna sa sofa ang mga gamit ko at dumiretso sa Refrigerator sa kusina upang uminom ng tubig nauhaw ako sa init ng panahon, kahit Alasingko na ng hapon ay sobrang taas parin ng araw.
Naabutan ko ditong nagluluto ng meryenda si Nay Lucy. Sya ang katiwala namin at sya din ang madalas naming makasama sa tuwing umaalis sina mommy at daddy para sa business trip nila kong saan saang bansa.
"Nakauwe kana pala April, Kamusta naman ang mag hapon mo? tanong nya saakin habang nag luluto ng Pancakes.
"Mabuti naman Nay, Medyo nakakapagod." sagot ko habang hawak hawak ko ang baso at pinapanuod syang magluto.
"Oh sige. umakyat kana at magpalit sa kwarto mo. Pahahatiran nalang kita ng meryenda roon."
"Sige po Nay Lucy" sagot ko. at kinuha ko na ang gamit ko sa sofa. Ngunit bago pa man ako makaakyat sa hagdan ay naalala ko si Kuya Archie.
"Nay, where's kuya Akie nga pala?" tanong ko habang ang isang paa ko ay nakaapak sa unang baytang ng hagdan. at inililibot ang tingin sa paligid.
Bahagya naman siyang tumigil sa ginagawa nya at humarap saakin. "Hindi pa dumarating ang kuya Akie mo, Baka dumaan pa sa Office ng Daddy at Mommy mo."
Napakunot lamang ang noo ko at hindi nalang pinansin yon. "sige po nay, akyat na ko" hindi ko na siya hinintay sumagot at agad na akong umakyat sa kwarto ko.
Nagbihis na muna ako at habang nagpapalipas ng oras ay nag Review muna ako para sa Long Quiz bukas. 5pm palang naman at 8Pm pa ang lakad namin nila Mike mamaya, mahaba pa ang oras ko.
Habang nag rereview ako ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "ma'am april, meryenda nyo raw po" bigla naman akong nakaramdam ng gutom. tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. "Thankyou Ate Jess" Sabi ko habang inaabot sakanya ang tray na may lamang Pancakes, Iced tea at apat na pirasong strawberrys. yumuko lang sya at agad na ding umalis.
Habang kumakain ako, Nag ring naman ang cellphone ko na nakapatong sa kama ko. tumayo ako para tignan kong sino ang tumatawag dito. Si Kuya Akie.
Uminom muna ako ng Iced tea bago nagsalita. "Oh kuya, bakit?" tanong ko.
("Are you already home?") Bungad na tanong niya saakin.
"Yes kuya. why?" tanong ko habang kumakagat sa pancakes ko.
Narinig ko pa ang pag buntong hininga nya bago sumagot. ("Nothing. i just want to make sure. Did you eat your snacks?") dagdag na tanong pa niya.
"Yeah. Where Are you? You weren't home yet.) nakakunot noo ko namang tanong sakanya.
("I'm on my way home. dumaan lang ako sa office ni dad") sagot naman niya.
"Okay. Ingat then"
("okay. bye") Paalam niya at pinatay na ang call. Bababa na sana ako para ihatid ang tray na pinagkainan ko ng bigla nanamang may mag message saakin sa IG ko.
Mikee_adams: "Rank tayo."
april_psalm: "sige. invitee."
Isang laro lang at maliligo na ako. mahaba pa naman ang oras. Agad kong inaccept ang invite ni Mike at ilang minuto lang ay nag simula na ang laro. Nag open mic kami para hindi na hassle mag type kapag may sasabihin.