CHAPTER THIRTEEN

28 1 0
                                    










CHAPTER THIRTEEN:





•••
•••






Natahimik naman ako sa sigaw niya.

Um-echo ata sa buong lugar dito ang boses n'ya. Mabuti na lang nasa lugar kami na walang katao-tao—Mali, wala talagang mga tao.

Kanina, habang sinusundan ko siya, bigla siyang lumiko kaya sinundan ko siya. Hindi ako sigurado kung nasaan ako ngayon basta ang naalala ko ay lumiko lang kami, tapos papasok. Hanggang sa nandito na kami, nasa lugar na wala ng tao. Batuhan rin ang daan kaya siguro nasamid ako.

Hindi na lang ako nag-ingay. Nanahimik na lang ako. Baka kasi kapag magsalita pa ako ngayon, iiwan niya ako dito. Wala akong balak maiwan sa lugar na'to. Hindi ako familiar dito kaya hindi ako pwedeng maiwan dahil baka hindi na ako makabalik. Wala pa naman akong sense of direts'yon.

Nagtaka ako nang huminto siya sa paglalakad.

Maingat niya akong ibinaba kaya napaayos ako ng tayo. Naramdaman ko ang sakit. Pero tiniis ko. Ewan ko lang sa mukha ko kung natiis niya ba, baka napangiwi na pala ako nang hindi ko namamalayan.

"Sorry,"

Nagtaka ako sa paghingi niya ng 'sorry'.

"Po?"

"Carrying you like a sack of rice is generally inappropriate and can be dangerous specially to you. So sorry."

Prinocess ko pa ang sinabi niya. "Ow–kay?" ang tanging sinabi ko na lang.

"Huwag na kasing mahiya. Sumakay ka na lang."

Umupo siya at itinuro ang likod niya. "Please?"

Aaminin ko na nagulat ako. Hindi ko mapigilan na magulat. Sa school ang saya niya, nakangiti siyang kausap ang isang babae. Nung nakita niya kami nina Kuyang McHael ang lamig ng tingin at boses niya. Kanina nung nasalampak ako, galit na may halos inis at pag-aalala ang nakita ko. Tapos ngayon, nagmamakaawa ba siya?

"S-sige po."

Sinunod ko na lang ang gusto niya. Sumakay ako sa likod niya. Gamit ang dalawa niyang kamay, sinupportahan niya ang dalawang paa ko. Tumayo siya at pinagpatuloy ulit ang paglalakad.

"Mabigat po ba ako Kuyang Adidas?" bigla kong tanong.

Kaso wala akong nakuhang sagot sa kan'ya.

"Hmmm... Sa Ayala ka po ba nag-aaral?" tanong ko.

Kaso wala pa'rin akong nakuhang sagot.

Napabuntong hininga na lang ako at isinandal ko na lang ang ulo ko sa kaliwa niyang balikat.

Napasimangot ako. Naalala ko ang bag ko. Nag-aalala ako. Hindi 'yun pwede'ng mawala.

"Kuyang Adidas..." Napasimangot ako. Parang gusto kong umiyak. "Yung bag ko. Please pakibalikan naman po hah... Importante kasi 'yun sa'kin."

Marami akong mga gamit dun na regalo pa sa'kin nina Ate A, Ate Willow, Ate D, Ate H, Ate Queen, Mama, Papa, Kuya Phoe, Kuya Thunder and Kuya Him. Andami kong memories sa bag na'yun kaya hindi 'yun pwede'ng mawala.

MM2: DITE HURT (Aphrodite Venus Montello Montes)✓ (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon