myexandi

255 7 1
                                    

HYSTG's note:

This was written around year 2009, this has some similarities with 11ways to forget your ex-boyfriend. This is actually the original plot and I revised it to 11ways this summer 2011.

My Ex-boyfriend & I

written by HaveYouSeenThisGirL under ulap~ from CC

~?~?~?~?~?~?~?~?~

PROLOGUE

~?~?~?~?~?~?~?~?~

Nasaktan ako. Naiwan ako. Napahiya pa ako.

Ano bang malas ang meron ako? Tao lang din naman ako, nagmamahal, nasasaktan at nadadapa. Yun nga lang, mahilig ako madapa. Tanga ako eh.

"Sorry Sairyl."

Yan ang sinabi nya nung nakipagbreak sya.

"Sorry? Sorry mo mukha mo, magagawa nan? Band-aid ba yan?!" 

at matapos ko syang sampalin eh tumalikod ako. Naglakad palayo.  Straight body, chest out, stomach in, at chin up pa. Hindi ako iiyak. Sayang pride ko, eto na lang ang meron ako.

Pero... Mahal ata talaga ako ng katangahan...

*blag!*

Nadulas ako at nag-dive ako sa may putikan.

"Sai! Ayos ka lang?" 

nilapitan ako ng 

ex

 ko! Looking so worried pero if I know, nagpipigil lang syang tumawa. Sino ba naman ang hindi matatawa sa nangyari sakin? Mukha siguro kong taong-grasa, nakaputi pa ako!

"May sugat ka Sai! Ayos ka lang?"

Naiyak na ako, ansakit eh. 

Emotionally and physically.

"Heh! break na tayo diba? So wala ka ng responsibilidad sakin! ayoko ng makita ka pa!"

Tumungo sya

, "I'm really sorry Sai. Goodbye. Please, ingatan mo sarili mo lalo na ngayon at wala na ako  na mag-aalaga sayo." 

at umalis na sya. I didnt dare to look back at him dahil hindi ko kaya. Baka magmukha nanaman akong tanga at habulin sya at magmakaawang balikan nya.

Nakakainis kasi sya, alam nya namang habit ko madapa tapos iiwan nya pa ako. Sya nga ang taga-sambot ko tapos ganun...

Siguro dapat magpraktis na akong wag madapa simula ngayon... :(

CHAPTER 01:

"Brian at si... ex? 0_0"

"Sairyl! Sairyl!"

"Ano?! hindi ako bingi! Wag kang sumigaw sa may tenga ko,mababasag eardrums ko sayo e!"

"ehehe. peace."

 at nagpeace sign naman si Kyla, ang newest bestfriend ko. Napulot ko lang yang babaeng yan sa kanto, hehe. joke lang. New classmate ko sa new school na pinapasukan ko, mabait yan pag... pag.. kelan ba? XD

"Oh eh anong kelangan mo?"

"Wala naman. Na-miss lang kita Sai," 

pagpapakyut na sabi nito. Well, cute naman talaga ang loka. Mestisahin, bilog na bilog ang mga mata,matangkad tapos may bangs sa unahan, para syang manyika.

"Ang ganda mo ata ngayon, Sairyl."

"hindi ko ata gusto ang tabas ng dila mo ah Kyla, ano ba talaga ang pakay mo?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

myexandiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon