"Isabela! Mag ingat ka! Huwag!"
Malakas na tunog
Unti-unting bumagal ang bawat kilos
Bumilis ang tibok ng aking pusoSi Isabela, nakahiga sa kalsada, naliligo sa sarili nitong dugo. Nanginig ang aking kamay habang dahan dahan ko itong inabot
"Isabela" bulong ko. Takot ang bumalot sa akin nang nakita kong wala ng malay ito
Agad na dumating ang ambulansya. Sa sobrang kalituhan ay hindi na ako nakasama. Napahandusay ako sa daan at napatingala. Isabela, sana naman ay hindi ka malubha
5 days ago
"Hanna! Tara na! Gusto kong gumala. May nakita akong bagong labas na sapatos, gustong gusto ko na siyang bilihin. Halika na, bilisan mo na ang galaw at baka maubusan tayo"
"Isabela, hinay hinay lang. At ano? Sapatos nanaman? Hindi ba't kabibili lang natin ng sapatos mo kahapon?"
"Ano ba Hanna, sige na. Basta, hihintayin nalang kita sa labas ng mall ok? Tatawagin ko na si Kuya Loyd para ipagmaneho ako. See you!"Tinawag ko na si Kuya Loyd ng makapunta na ako sa mall
Si Hanna Alcazar, ang nag iisa kong kaibigan. Yes, tama kayo. Isa lang ang kaibigan ko. Bukod sa lahat ay takot makipag kaibigan sa akin, si Hanna lamang ang kayang tumapat sa yaman ng pamilya namin.Tinext ko si Hanna upang sabihing nakarating na ako.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin si Hanna"Hanna!" Sigaw ko habang ngumingiti at niyakap siya
"Isabela, ano ba. Tumigil ka nga. Magkasama lang tayo kahapon, tigil-tigilan mo ako sa kasiyahan mo riyan. Halika na't bilihin mo na 'yang sapatos na sinasabi mo"Nauna nang naglakad si Hanna papasok sa mall. Mabait si Hanna, hindi nga lang sa akin.
"Ayan, nabili mo na ang gusto mong sapatos. Umuwi na tayo" akma nang tatalikod si Hanna, ngunit sinukbit ko ang aking kamay sa kamay niya
"Hanna" malambing na tawag ko kay Hanna
"Isabela, hindi. Umuwi na tayo" iling nito
"Hanna, sige na. Minsan na nga lang tayo magkita" ngiti ko dito
"Isabela, gaya ng sabi ko. Kahapon lang tayo magkasama, anong minsan ka diyan" Binilisan ni Hanna ang lakad nito
"Hep, hep, hep. Kakain na lang Hanna, sige na. Huli na ito" ngiti sabay pikit pikit pa ng mata
"Isabela, huli na ito ha. Kakain lang" Seryoso ang tingin nito
"Oo naman" ngiting tagumpay nanaman ako.Hinila ko na siya sa paborito naming kainan
"Ma'am Isabela, Ma'am Hanna" bati ng waiter
"Hi" bati din ni Hanna
"Uhhh, Beef Steak, Chapsouy, Buffalo Wings, Buttered Chicken, Nachos, Fries and Oreo Cheesecake. Thanks" Sabi ko sabay hugot ng aking cellphone
"Carbonara at Fruit Shake" ngiti ni Hanna
"Right away ma'am" umalis na din ang waiter na kumuha ng aming order"Talaga namang napakasaya ng ganito ano Hanna" ngiti ko
"Hindi Isabela. Nakapag usap na tayo hindi ba? Huli na ito" tumingin sa ibang direksyon si Hanna
"Ano Hanna? May iba ka na bang kaibigan? Bakit hindi mo na ako pinagbibigyan? Naalala mo noong mga bata pa tayo? Muntik ka ng kagatin ng aso pero sinong sumagip sa'yo?" iniikot ikot ko ang aking buhok
"Isabela! Napakatagal na noon. Lagi mong sinasabi iyang kwento na iyan pero para sabihin ko sa'yo Isabela, wala akong maalalang ganiyang pangyayari" titig na titig ito sa aking mata
"Ahhh, wala ka palang maalala. Eh yung nangyari kailan lang? Balak mong umalis sa inyong bahay nang hindi nagpapaalam, naalala mo? Sinong umako doon? Hindi ba, sinabi ko sa mga magulang mo, na tumuloy ka dito sa bahay. Kahit na ang totoo eh nandoon ka sa bahay ng nobyo mo" tumaas na ng kusa ang aking kilayIsang malakas na buntong hininga ang narinig ko kay Hanna. Panalo na
Napakasarap ng pagkain. Talaga namang tuwang tuwa akong kumakain.
"Tara na Hanna?" Nakangiti kong tanong
"Hay, sige Isabela" Sukong sukong sagot ni HannaPumunta kami sa isang damitan at binili ng damit si Hanna. Bumili kami ng magkaparehong damit, shorts at sapatos. Gustong gusto ko talaga kapag pareho kami ng gamit.
"Sige na Hanna, ngumiti ka na" tukso ko kay Hanna
"Hay nako Isabela. Sa una kasi, sabihin mo na agad na bibili ka ng damit. Gusto ko naman yan eh" ngiti ni HannaTumawa nalang kami pareho ni Hanna.
Lumipat pa kami sa limang shops bago naisipang umuwi"Sige Hanna. Bukas baka pwedeng pumunta naman ako sa inyo bukas. Gustong gusto ko ng lumabas sa bahay eh"
"Oo naman, magdala ka na ng pagkain ha. Magluto ka ulit ng paborito kong pagkain. Oo na, masarap ka ng magluto" ngiti ni Hanna
"Sige, bukas. Babalitaan kita" ngumiti ako at sumakay na sa aming sasakyan"Kuya Loyd, daan muna tayo kila Vincent" ngiti ko
"Yes ma'am"Dumiretso na ako sa bahay ng aking nobyo na si Vincent Himenez
"Kuya Loyd, bukas mo na ako sunduin ulit. Didiretso ako kila Hanna. Tatawagan nalang kita Kuya Loyd. Alam na nila Mommy at Daddy" ngumiti ako at lumabas na ng kotse
Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Tita Armelita
"Tita, si Vince po?" Ngiti ko sabay halik sa pisngi nito
"Iha, nasa itaas sa kwarto niya. Dito ka ba ulet matutulog?" Ngiti ni Tita Armelita
"Opo tita. Didiretso din ako kila Hanna bukas. Akyat na ako Tita" hinalikan ko muli si Tita Armelita sa kaniyang pisngiBinuksan ko ang pinto ng kwarto ni Vince. Nakatayo siya sa tabi ng kama. Nakapikit at dinadama ang kanta. Sumandal ako sa pintuan at mariin siyang tinitigan. Napangiti ako sa kalmado niyang mukha. Walang pang itaas na damit si Vincent, suot nito ang paborito nitong shorts na bigay ko. Napakaswerte ko talaga sa lalaking ito
"Vince" malambing na tawag ko sa kaniya habang tinatanggal ang suot nitong earphones
"Isabela, andiyan ka pala" ngiti nito sabay hawak sa aking baywang
"Pupunta ako kila Hanna bukas, kaya dito na muna ako matutulog. Alam na ni Hanna ang gagawin" ngiti ko sabay higa sa kama nito
"Isabela, kausapin na kasi natin ang mommy at daddy mo. Nasa tamang edad na din naman na tayo, bakit hindi pa tayo magpakasal? May trabaho na din ako" wika ni Vincent habang humihiga
"Vince, h-hindi muna okay? Sa tingin ko hindi pa ako handa para diyan. Natatakot pa ako okay? S-siguro darating din ang panahon na masasabi kong handa na ako. Kaya mo bang maghintay mahal?" Tumaligid ako para tignan ang kaniyang mga mata.
Isang malakas na buntong hininga lamang ang sinagot nito
BINABASA MO ANG
Isabela Crusada
RomanceIsabela Crusada, kilalang babae sa bayan ng Kuesa. Sa hindi inaasahang pangyayari, guguho bigla ang kaniyang mundo. Malalayo ito sa kaniyang pamilya at mamumuhay ng walang naaalala. Muli pa kaya itong makabalik sa dati niyang buhay o tuluyan na iton...