Bumalik ako sa kotse ni Vince. Pinakalma ko ang aking sarili. Pinipilit pigilan ang mga nagbabadyang luha.
Kaya niya pinipilit magpakasal dahil alam niyang ayaw ko pa. Pinipilit niya ito para mapagod ako at bumitaw. Ginagawa niya ito upang palabasin na ako ang umayaw.
Vincent, hinahamon mo ako. Kung ikaw ay magloloko dapat ay mas pinagbutihan mo.
Dumating na rin si Vincent malipas ang limang minuto. Ngumiti ako.
"Mahal, saan ka nanggaling?"
"Naghanap ako ng libro, kaso hindi ko mahanap iyong gusto ko. Naubusan siguro."Natawa ako, hindi ko sinasadya. Ang pinipigilan kong tawa ay kumawala.
"Bakit mahal?" tanong nito.
"Ah, wala ito. Tara na. Umuwi na tayo."Tumingin ako sa bintana upang hindi siya makita. Kinamumuhian ko siya, pero hindi ako ang dapat na sumuko kung hindi siya. Hinding hindi ako bibitaw sa relasyon na ito upang maghirap silang dalawa.
Pagkarating sa kanilang bahay ay agad akong dumiretso sa kusina. Doon namamalagi si Tita Armelita, kaya alam kong nandoon siya.
Hinintay ko muna si Vincent at ng marinig ko na ang mga yabag niya's sinimulan ko ng magsalita.
"Tita, nakapag-isip na ako. Magpapakasal na ho kami ni Vince." nakangiti lang ako.
"Isabela!" malakas na tawag ni Vince sa akin.Bago pa man ako makalingon ay niyakap na ako ni Tita. Tuwang-tuwa ito na halos maiyak na siya.
"Salamat iha, salamat."
"Wala po ito Tita. Mahal na mahal ko po si Vince. At panahon na nga po siguro para magpakasal kami." diretso ang aking mukha. May bahid ng galit.Hindi dapat lokohin ang isang Crusada, Vince. Dapat mo iyong inisip bago mo naisiping maghanap ng ibang babae.
Kumawala na ako sa yakap ni Tita at dumiretso sa silid ni Vince. Agad akong pumasok sa kaniyang banyo at naligo. Grabe ang pagod ko ngayong araw dagdag pa ng galit na nararamdaman ko.
Pumikit ako ng panandalian at inisip lahat ng aming pinagdaanan sa loob ng dalawang taon. Lahat ng aming pinagsaluhan.
Kumatok si Vincent sa pintuan ng banyo. Tinitigan ko lamang ang pinto at hinayaan siyang pasukin ito.
"Isabela." Mahina niyang tawag sa aking pangalan.
"Mahal? Masaya ka ba? Magpapakasal na tayo." Nang-iinis na ngiti ang binigay ko.
"Papaanong nagbago ang isip mo?"Hindi na ako nagsalita pa, isang malalim na halik ang ibinigay ko sa kaniya. Tinanggal ko ang suot niyang t-shirt at hinalikan ang perpekto niyang katawan, kahit may iba na siya aaminin ko pa rin na maganda ang hubog ng katawan niya.
Umabot ako sa kaniyang pusod kaya naman agad kong tinanggal ang pang ibaba niyang damit.
Ngayon ay parehos na kaming walang saplot.
"Mahal mo ako hindi ba?" sabi ko habang tinitignan siya sa mata.
"Mahal kita Isabela." Sambit nito habang nakatitig din sa aking mata. Ngumiti ako ng mapait.Dinilaan ko ang kaniyang sandata, tila ba tinutukso ito. Napakapit siya sa aking ulo kaya naman ay sinubo ko na ito. Labas masok ang kaniyang sandata sa aking bunganga. Mababagal na galaw sa simula. Hindi nakatiis si Vincent at kusa na niyang ginagalaw ang aking ulo upang bumilis ang paglabas at pasok ng sandata nito sa bunganga ko.
"Napakasarap talaga." Nakatingin sa taas nitong banggit at mamula-mula pa ang dibdib.
Hinayaan ko siya sa gusto niya kahit na naduduwal na ako sa lalim ng pagkakabaon niya.
BINABASA MO ANG
Isabela Crusada
RomanceIsabela Crusada, kilalang babae sa bayan ng Kuesa. Sa hindi inaasahang pangyayari, guguho bigla ang kaniyang mundo. Malalayo ito sa kaniyang pamilya at mamumuhay ng walang naaalala. Muli pa kaya itong makabalik sa dati niyang buhay o tuluyan na iton...