graduation day

11 0 0
                                    

genre: tragedy, drama
language: filipino/english

Tw: Death

"Watch me accomplish my dreams."

"Eili, alam mo ba na naiinggit ako sa'yo?" I heard Lucy as we eat our lunch.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko. Sa lahat ng pwede niyang kainggitan, bakit sa 'kin pa na mahirap lang?

"Kasi ang tali-talino mo. Walang mapipintas sa 'yo, for sure ikaw rin niyan ang summa cum laude sa nursing department."

I didn't know that Lucy has her own insecurities. I mean she's beautiful, rich and talented. Hindi halatang nasa bokabolaryo niya ang salitang 'inggit'.

Pauwi na ako at nagpasyang maglakad na lang. Sayang sa pamasahe at nag-iipon pa ako para sa graduation. Naaawa na kasi ako kay nanay na walang ginawa kung hindi kumayod para lang maka-graduate ako.

"'Nay!" Tawag ko kay nanay pagkauwi ko. Sinuyod ko na yata ang buong bahay pero kahit anino niya ay hindi ko makita.

"Ano 'yon Liyah, anak?" Narinig ko na ang mahinhin na boses ni nanay.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti ngunit agad ring naglaho nang nakita ko ang madumi niyang mukha at ang pawisan niyang katawan.

"Nay! Bakit ganyan itsura niyo?" Nabibiglang tanong ko. Kahit sanay na ako ay hindi ko parin maiwasang malungkot sa tuwing nakikita ko ang pagod sa mukha niya araw araw.

"Medyo napagod lang sa pagbebenta, nak," Binaba niya ang mga bitbit niya, "Musta ang pag-aaral mo?"

"Maayos naman po. Matataas lagi ang mga nakukuha kong marka, lalo na sa mga major subjects." Tinulungan ko siya sa mga dala niya.

Ngumiti siya nang malapad, "Proud ako sa 'yo nak. Hindi bale, ginagawa lahat ni mama para makapagtapos ka ng kolehiyo. Konting tiis na lang, hihintayin ko ang oras na babangon na rin tayo sa hirap."

My heart melted by her words. I will wait for that day.

My heart won't stop beating fast as I wait for my mother. Today is my Graduation day. The most anticipated day for us. I kept on texting her but she's not replying.

"Eiliyah! Where's your guardian?" Lumapit sa akin ang adviser namin.

I smiled at her stiffly, "Wala pa po eh."

Her brows furrowed, "Ilang minuto na lang at magsisimula na. Hindi pwedeng ma-late ang mama mo." Pagpapaalala ni Ma'am Cuevas.

"Baka po na-traffic lang." I said and pinched my arm. For unknown reason, my hands kept shaking.

Hours passed and I looked up when they finally called me up on stage.

Tumango sa 'kin si Ma'am Cuevas at nagpasyang gumanap bilang guardian ko na siyang tatanggap sa diploma at mga medals ko.

I smiled even when my heart stings. I tried to stop my tears from falling.

Smile.. Just smile, Eili.

We were taking pictures when I heard my phone rang.

I almost lost my mind as I listened at the nurse speaking on the other line.

Still on my graduation suit, I hurriedly went to the hospital.

I shouted so loudly when I looked at my mother covered with white cloth.

I hugged my dead mother tightly. I embraced her as long as I could. Wishing to give her strength, wishing she would open her eyes and join me in my celebration.

But she remained stubborn. Her cold body reminded me that she already left me, all alone.

Narinig ko na naaksidente si mama habang pauwi galing sa pagtitinda. They hurriedly delivered her to the hospital.

She needed a surgery but they didn't grant her one because of our lack of money. What kind of shit is this? Ito ba ang pinapangarap kong pasukan? Tangina.

Years have passed, and I smiled widely.

"Doc, maraming maraming salamat sa inyo," Hinawakan ng batang babae ang kamay ko.

Umiling ako, "Ginawa ko lang ang makakaya ko."

Ngumiti siya habang lumuluha pa rin, "Kung hindi po dahil sa inyo, baka po wala na ngayon si Mama."

I patted her head while she's hugging me.

I learned not to brewed the seed of anger. Dahil kung nandito man si Mama, paniguradong magagalak siya sa desisyon ko.

I used my pain to grow. And look at me now.

I looked up to the sky and smiled,

'Nay, naabot ko na ang pangarap nating dalawa. Mahal na mahal po kita.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon