Luna Garcia
Ngayon ay Disyembre, taon 2018, ngayon rin ang aming ika anim na anibersaryo ni River. Matagal ko na rin siya hindi nakita at miss na miss ko na siya. Habang hinihintay ko si River ay nagluto na muna ako pagkain na makakain namin mamaya. Habang nag luluto ako ng paborito niyang kare-kare, narinig ko na ang isang taong kanina ko pa hinihintay.
"Maligayang anibersaryo sa ating dalawa, mahal ko" sambit niya at yinakap ako
"Masaya akong nakarating ka, mahal ko" sagot ko at yinakap siya pabalik
Habang niluluto ko ang paborito niya, ramdam ko ang pagyakap niya mula sa aking likod.
Ilang oras na ang lumipas simula nung makasama ko siya, mag gagabi na nga. Saya lamang ang ibinibigay niya mula kaninang umaga hanggang ngayon. Tulad ngayon, nakayakap lamang kami sa isa't isa dito sa sofa sa sala at tanaw namin ang langit at mga tala.
"Alam mo mahal? Ang saya saya ko na nakasama kita kahit ngayon lang. Alam ko kasing matagal na ulit kita makakasama kapag natapos ang oras na to" banggit niya.
"Huwag na muna natin pag usapan yan, mahal ko. Iba na muna" sabi ko sakaniya..
"Mahal, gusto ko balang araw, magkakaroon ka ng sarili mong bahay" pagbalin niya sa pinag uusapan namin kanina
"Anong sarili kong bahay? Bahay natin, mahal. Hindi naman pwedeng ako lang no dapat tayong dalawa" sagot ko
"Marami akong pangarap para satin, mahal. Tulad ng pag ikot natin sa mundo, bumuo ng sariling pamilya. Marami. Kapag tayo ikinasal na, pangako ko sayo na ituturi kitang reyna. Pagsisilbihan kita, aalagaan kita, at higit sa lahat, mamahalin kita ng sobra sobra" pag kkwento niya
Nakatitig lamang ako sakaniya habang pinag mamasdan siyang nag kkwento sa mga plano niya para sa aming dalawa.
"Ikaw anong plano mo sating dalawa?" tanong niya sakin
"Magkasama tayo hanggang sa huli" sagot ko
Nagtitigan lamang kami hanggang sa narinig namin ang paborito naming kanta.
(AN: Pakinggan niyo yung Mahal ni Rovs (https://www.youtube.com/watch?v=NIigfTR3Gak) habang binabasa yung susunod na part. Thank you)
"Maari ba kitang maisayaw?" tanong ni River sakin.
Tumango lang ako at tumayo na kami.
Pumunta kami sa gitna ng sala habang hawak niya ang bewang ko at hawak ko ang balikat niya.
"Masaya ka ba?" tanong niya sakin
Tumango lang ako at yinakap siya.
Habang yakap yakap ko siya hindi ko maiwasan na hindi isipin ang mga masasaya at malulungkot na ala ala namin.
"Mahal na mahal kita" sambit ko at tuluyan na ngang pumatak ang luha ko.
Napansin siguro ni River ang pagpatak ng luha ko kaya inangat niya ang mukha ko ngunit ibinaba ko ito at iniwas na makita niya ang aking mukha.
"Mahal, kahit anong mangyare hindi kita iiwan. Aaalagaan kita, poprotektahan kita, mamahalin kita" sambit ni River sakin habang pilit na inaangat ang ulo ko.
Yinakap ko lang siya ng mahigpit at dinadama ang kantang sinasayaw namin.
Pagkatapos ng kantang iyon, hindi pa rin ako pumipiglas sa yakap naming dalawa.
"Luna, oras na" sambit niya sakin.
"Tandaan mo, mahal na mahal kita. Aalagaan kita, poprotektahan sa lahat, hindi kita iiwan. Pasensya na kung iiwan kita ngayon, Luna" panimula niyang sabi.
"Dito ka muna" pagmamakaawa ko sakaniya.
"Pasensya na mahal, hindi ko na kaya magtagal. Hinihintay na nila ako. Isang araw lamang ang hiningi ko. Gusto lamang kita makasama sa espesyal na araw natin. Tandaan mo, mahal na mahal kita. Hihintayin kita. Hihintayin kita sa kabilang buhay, mahal. Doon nalang tayo magpakasal ha? Hindi ko na muna maitutuloy lahat ng pangarap natin dito sa mundo, asahan mo sa kabilang buhay, hindi na tayo magkakahiwalay pa. Sa ngayon, ikaw na muna gumawa ng mga pangarap natin, ha? Gagabayan ka namin ng Ama. Sige na, Luna ko. Hindi ako magpapaalam sayo. Alam kong magkikita tayo dun. Mahal na mahal kita. Dito sa mundong magulo hanggang sa kabilang buhay ikaw lang." sabi ni River.
Pumikit nalamang ako at naramdaman ko na hinalikan ako sa noo.
Pagkabukas ng mga mata ko, wala na si River. Hindi ko napansin na kanina pa pala pumapatak ang mga luha ko kaya napaupo ako dito sa sofa kung saan kami nakaupo kanina at mula dito ay tanaw na tanaw ang langit at mga tala. Ngayon ko lang naalala na heto na pala ang huling pagkakataon na makakasama ko siya dahil ika-kwarentang araw niya na pala ngayon at kailangan niya na lumisan sa mundong ito.
"Alam kong hindi pa ito ang paalam, lumipad ka ng maligaya, mahal ko. Magkikita pa tayo" sambit ko habang nakatingin sa langit at mga tala.
BINABASA MO ANG
Sayaw (One Shot Story)
FanfictionPaano niyo malalagpasan ang pagsubok kung sa mundo natin ay walang kasiguraduhan? Mapapanatili pa rin ba ang pagmamahal niyo sa isa't isa o hahayaan nalang ito hanggang mawala?