I Waste The Love He Gave

2 0 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad sa ulan ng may kumalabit sa akin. "Hi miss. Diba ikaw si Hillary Flail? Nice to meet you ako nga pala si Prime. Alam mo crush kita at ayaw kitang mabasa ng ulan kaya halika at sumilong ka sa payong ko.", sabi niya at pinayungan ako. Ebangklase....

"Huwag na. Sanay na akong nababasa sa ulan at saka i like rain.", sabi ko at ngumiti at naglakad papalayo pero sumunod siya at pinayungan parin ako. "Alam mo Hillary, ang tigas ng ulo mo. Sabing ayaw kitang mabasa sa ulan eh at saka mamahalin pa kita at sasagutin mo pa ako at matututunang mahalin pabalik. Kaya ayaw kong nagpapabasa ka sa ulan.", mahaba niyang sabi at sinabayan ako sa paglalakad. "Ano bang paki mo? Di naman kita boyfriend eh at saka di tayo close.", pagsusungit ko. "Ahm huwag ka nang mag sungit. Ganito kasi yan eh. Gusto kitang ligawan. Kahit di ka pumayag ay liligawan pa rin kita.", sabi niya habang namumula pa ang pisngi. What a cute boy. "Teka. Ano? Ikaw? Manliligaw sa akin? Nagpapatawa kaba?", sabi ko habang tinuturo ang sarili ko. "No. Im deadly serious here. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo.", matigas niyang sabi. "Hahahaha! Matanda na ako. I am already 18 at sa tingin ko ay nasa 16 or fifteen ka pa lang. Para ka lang yung bunso kong kapatid eh at hindi ako pumapatol sa bata. Baka ma child abuse ako.", sabi ko sabay tawa.

"Eh gusto kita eh tapos mahal pa kita. Kaya liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Tara hatid na kita.", sabi niya sabay ngiti. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ibang klase rin tong batang to. Ayaw patinag.

**********

"Uyy crush lunch tayo. Haggard kana eh at masyadong busy.", sabi niya. Nabigla ako ng bigla nalang siyang sumulpot. "No thanks may gagawin pa ako.", sabi ko at itinoon ang atensyon sa libro at mga graphing papers. "Kakain ka o ako ang magpapakain sayo?", tanong niya. "Sabing ayuko ngang kumain eh. Bakit kaba namimilit?", tanong ko. Kanina pa ako napipikon sa batang to ha. "Eh kasi mahal kita at concern ako sayo. Bilang manliligaw mo tungkulin kong pangalagaan ka.", sabi niya. "Anong manliligaw? Sa pagkakaalam ko ay wla akong pinayagan na manligaw sa akin.", depensa ko. "Diba nga sinabi ko na kahit di mo man gustong ligawan ka ay gagawin ko pa rin kasi mahal na mahal kita.", sabi niya at pinisil ang pisngi ko. "Okay fine! I will let you but in a way na maglalaro tayo. I want you to prove to me that you really love me. I'll give you two months para mapa fall ako sayo pero kung di mo yun magagawa sa loob ng two months ay talo ka sa game. Pero kung magawa mo yun ay sayo na ako.", sabi ko. "Talaga? Segi papayag ako sa game. I will let you fall inlove with me Ms. Hillary Flail.", sabi niya at hinila ako patungong cafeteria.

**********

"Aray ko! Ang sakit ng binti ko!", daing ko. "Hillary halika buhatin kita. Dadalhin kita sa clinic.", sabi niya sa nagaalalang boses. "Huwag na kaya ko naman.", sabi ko at ngumiti. Nagtangka akong tumayo pero natumba ako ulit. Masakit talaga eh. "Nakita ko ang buong laro at nakita ko rin ang maduming play ni Athena.", sabi niya at biglang nandilim ang kanyang awra. "Anong maduming play? Sa larong soccer meron talagang nasasaktan lalong lalo na ang goal keeper. Kasalanan ko bang di niya nakita ang bola na papalapit sa kanya? Puro kasi siya salita ng salita tungkol sa kung anong gagawin namin kaya ayan tuloy tumama sa kanyang binti ang malakas na sipa ko.", sabi ni Athena. "Alam mo naman palang di siya tumitingin eh di sana di mo nalang sinipa yun. Kitang kita ko Athena na sinadya mo yun.", diing sabi ni Prime. "Ohh so pinagdidiinan mo na sinadya ko yun? Ang sabihin mo pinagtatanggol mo lang yang babaeng yan kasi mahal mo siya. Look Prime marami pang ibang babae jan. Like me kaedad lang kita. Mas bata mas fresh di yung gurang na katulad niya.", sabi nito at tumalikod. Kinuha ni Prime ang bola ng soccer at sinipa iyon patungo kay Athena kaya natamaan ito sa mukha. "Kapal ng mukha mo para sabihin yun. Mahal ko siya at wla ka nang magagawa dun. Malinis at marangal siya na babae unlike sayo na kung sino sino nalang ang pinapatulan. Dont you dare hurt her again or else ako ang makakalaban mo", madiing sabi ni Prime saka tinalikuran siya at binuhat ako papuntang clinic.

One shot storiesWhere stories live. Discover now