WARNING: Content may not be suitable for young audiences. This is Rated SPG specifically designed to be viewed by adults and therefore may be unsuitable for children under 15. This program may contain one or more of the following: crude indecent language, explicit sexual activity, or graphic violence. Viewers discretion advised.
----------
•His Doomsday•
FOUR YEARS AGOMaulan ngayon at eto ako nagbabalot ng embotido. Natutunan ko pa ito sa mismong mama ko dahil kahit siya ay natutunan lang din ito kay lola. Hindi sa pagmamayabang pero masarap at magaling magluto ang angkan ng pamilya namin. Di man kami mayaman eh nakakakain parin naman kami ng tatlong beses sa isang araw.
Kung embotido ang paguusapan walang makakapantay sa sarap nito. Kakaiba daw kase at tunay na karne talaga. Di tulad sa maynila na puro harina na. Kami kase ay karne talaga ang gamit kaya medyo mahal ang benta at gawa. Sulit sa lasa at sulit sa laki.
"Christian, tapos muna ba iyan?" Tanong ni nanay. Tita ko. Sa ngayon kase dito ako sa probinsya nag college. Maganda daw kase mag aral ng agriculture pag sa probinsya. Oo at maganda sa Maynila ang mga kursong nais ng karamihan tulad ng Engineering, Marketing, Nurse, at iba pa pero pagdating sa agrikultura ay maganda talaga pag sa probinsya.
"Opo nanay nakasampong balot na." Sagot ko.
"Sige dalhin mo yan dun sa magiging manugang mo." Saad niya.
"Po?" Gulat kong sabi. Hindi kase hilig sa pamilya namin mag salita ng po at opo lalo na at sobrang close naman lahat. Oo nga pala ako si Christian Guevarra College students. 20 years old. Bata ko ba? Hindi naman. Binabae ang puso ko at ang binabanggit ni nanay ay yung nanay ng boyfriend kong si Pal.
"Oo tian. Siya nagorder ng embotido satin ngayon. May handaan ata sa kanila eh. Di ka ba imbitado?" Tanong niya.
"Wala pong nabanggit si Pal." Sagot ko.
"Ganon? Sige pagtapos mo jan ihatid mo yang embotido at bumalik ka din agad." Aniya.
Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
Halos tatlong taon narin kaming magkasintahan ni pal. Simula nung umuwi ako dito sa amin. Pero matagal na kaming magkakilala noon pa mang nagbabakasyon palang ako dito. Tanggap niyang bisexual ako pero ngayong jowa ko na siya ay mas naging babae na ata ang puso ko. Dahil simula nung maging kami ni pal ay tinanggap ko na ako na ang under sa amin o kung tawagin ng iba ay bottom. Hindi ko naman kinahihiya yun dahil alam ko sa sarili kong totoo yun at tanggap ko ang lahat kung ano man ang meron sakin at meron saamin ni pal.
Di lang siguro talaga ako matalak kaya ang karamihan ay napagkakamalan parin akong straight na lalaki.
"Pal?" Gulat kong sabi ng biglang sumulpot siya sa harap ko.
"Beb.. sinabi ni mama na ako daw kukuha ng embotido." Aniya tsaka ngumiti sa akin.
"Ganon ba? so hindi ko na pala dadalhin." Tingin ko sa kanya.
Naupo siya sa harap ko tsaka ngumiti ng pilit.
"Di beb sasama ka sakin. Pinapapunta ka din kase ni mama at may mga ibang dadalo dun." Sabi niya tsaka hinawakan ang bilao kung saan dito nakalagay ang halos 24 pcs na embotido.
"Eh? Sige.." ngiti ko.
Tinapos ko na nga ang embotido sa lagayan niya at nagbihis na. Simpleng pagdiriwang lang daw kase kaso may bigating dadating sabi ni beb.
"Sino ang mga yun?" Tanong ko habang naglalakad kami. Maliit lang naman ang syudad na'to kaya malapit lang.
"Kakilala ni mama eh." Aniya.
BINABASA MO ANG
THE CRIMINAL CASE SERIES 3: His Murderer Baby (BXB)
Romance~●~ Highest Ranked #1 ManXMan #1gayromance #1gayxboy WARNING: Content may not be suitable for young audiences. This is Rated SPG specifically designed to be viewed by adults and therefore may be unsuitable for children under 15. This program may con...