K-I-S-S-I-N-G

2 0 0
                                    

"Lei and Kyla sitting on the tree K-I-S-S-I-N-G. First comes love, then comes marriage, then comes a baby in a carriage."

Bigla akong napalingon sa anak ko ng marinig ko ang kinakanta niya.

"Harley," tawag ko sa anak kong babae.

"Yes po mommy."

I gestured to her na lumapit sa akin na sinunod naman niya.

"Where do you learn that song?" Tanong ko sa kaniya.

"From daddy po." Straight forward na sagot ng anak ko.

Biglang naginit ang ulo ko, siraulo talaga kahit kailan kung ano-ano ang itinuturo sa bata. Pero at the same time may naalala ako sa kantang iyon.

***

"Kyla ipasyal mo muna kapatid mo, aalis ako Kaya ikaw na bahala sa kaniya."

"Pero pa--." Uungot na sana ako pero pinanlakihan ako ng mata ni Papa.

"Oo na po."

Wala akong nagawa kun'di ipasyal ang kapatid ko.

Nang makarating kami sa malapit na park ay hinayaan ko siyang maglaro. May nakita akong na medyo malilim kaya lumapit ako.
Nakasimangot akong umupo.

"What's with the face?"

Hindi ko naiwasang mapamura dahil sa gulat ko ng may magsalita sa tabi ko, "Ay, tangina!" Agad kong natutop ang bibig ko.

Nang lingunin ko kung Sino ito ay nangapal ang pisngi ko ng makilala ko siya.

"Lei..."

Lumingon siya sa akin, "Yes, Kyla?"

Nanlaki ang mata ko ng banggitin niya ang pangalan ko.

"P-paano mo---."

"Paano ko nalaman? We're classmate noong grade nine , right?" Wala sa sariling napatango ako bilang sagot sa tanong niya.

Umiwas ako ng tingin, 'Owemji! Si crush, kachikahan ko in person!!!'

"Ahm... Ano palang ginagawa mo dito?"  Tanong ko pangpawala ng awkwardness, o baka ako Lang talaga yung nao-awkwardan.

"Binabantayan ko sister ko. Her name is Sasha."

Napatingin ako sa kaniya, "Wait, Sasha? Kapatid mo siya?" Gulat Kong tanong.

"Yes, why?" Bigla siyang lumingon sa akin Kaya napaiwas ako Ng tingin.

"Nakakalaro siya ng kapatid ko si Kyle."

"Kyle? You're his sister?"

I nod.

"Wow, what a coincidence playmate pala both siblings natin."

Tumango ako bilang pagsang-ayon, "Kaya nga."

Bumaling ulit ako kina Kyle at Sasha na naglalaro.

"Don't move." Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko ng bumulong siya at dumadampi sa pisngi ko ang mainit niya hininga.

Bigla akong napalingon sa kaniya ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking buhok.

Pero dapat sinunod ko siya na huwag akong gumalaw.

Nanlalaki ang mata ko at ganoon ding siya.

"Lei and Kyla sitting on the tree K-I-S-S-I-N-G..." Agad akong napalayo sa kaniya at napaiwas ng tingin."...First comes love, then comes marriage, then comes a baby in a carriage."

Agad kong nasapo ang pisngi ko na namumula, nakita ko naman sa gilid ng mata ko na sinisita niya sila Sasha.

'OWEMJI! We kissed, I accidentally kissed my crush!'

***

Agad naputol ang pagre-reminisce ko ng may mga brasong pumulupot sa baywang ko mula sa likod ko.

"Anong pinag-usapan ng prinsesa at asawa ko, hmm?" Nang makilala ko kung sino ito ay binaklas ko ang braso niya.

Humarap ako sa kan'ya at nawaywang, ginaya na man ako ni Harley at nawaywang rin sa daddy niya.

"Bakit mo naman itinuro sa bata 'yon?"

"Ang alin?" Pa-inosente niyang tanong habang nakakunot ang noo.

Piningot ko ang tainga niya kaya napadaing siya. " Maang-maangan ka pa, why did you teach her that song?"

"Aww... That song? Why? What's wrong with that song?" Tanong niya habang hinihimas ang tainga niya.

"Hindi mo dapat itinuturo yung ganoong kanta, paano pagnalaman niya meaning noon at gayahin?" Naka-crossed arms kong tanong sa kaniya.

"Sus masyado pa namang bata yang dalawa kaya okay lang yon."

"Hmp... Kahit na"

"Sus, 'lika nga dito kiss Kita." Bigla niyang hinigit ang beywang ko at hinalikan ako.

Nang igalaw lang ang labi niya ay napasunod ako sa galaw niya.

Napahiwalay Lang kaming dalawa sa isa't-isa ng biglang tumili si Harley.

"Kyahh! Kuya Kyver daddy's eating mommy. Daddy is a monster help mommy, kuya Kyver!"

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay natawa.

Umiling-iling siya at pinisil ang ilong ko, "Mana talaga siya sayo ang tinis ng boses." Sabi niya at pinatakan ako ng halik sa labi.

Sinundan namin si Harley baka kung ano pa ang sabihin, iba pa man din mag-isip ang batang yon.

Nangingiti kaming dalawa habang nakasunod kay Harley.

Humilig ako sa balikat ni Vier ng makita ko kung paano nagsumbong si Harley sa kuya niya.

"I love you."

"I love you too." Tugon niya at hinalikan ako ulo.

The End

K-I-S-S-I-N-GTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon