Kabanata 3

49 5 0
                                    

"Señorita baka napapagod napo kayo riyan" magalang na saad ni mang Doleng.

Kasalukuyan akong tumutulong ngayon sa paghahanda ng aming makakain sa agahan. Nakasanayan kona ang tumulong sa aming kasambahay sa pamamagitan nito tutal maaga naman akong magising. Madalas ay ganito rin ang aking ginagawa kapag kinakatamaran ko ang pagbabasa ng libro.

Halos kalahating oras na akong nagpapaypay ng apoy dito sa lutuan. Nangangalay na ang aking kamay at ramdam konarin ang sobrang init ng paligid. Ipinasa kona muna ang aking gawain kay Violeta na kasalukuyang mayroong malalim na iniisip.

"Manang iinom muna po ako ng tubig maiwan ko na po muna kayo. "

Agad naman itong pumayag kaya tumayo na ako at tumungo sa kusina. Naabutan ko roon si kuya Luis na kumukuha rin ng kanyang maiinom. Lumapit ako sa kanya at humingi rin ng tubig.

"Bakit puno ng uling ang mukha ng aking kapatid?, tila nasosobrahan yata ang iyong kasipagan."

"Nagluto lang ako ng ating agahan kuya, tinulungan ko ang mga kasambahay" pagsasadula ko.

Napansin ko ang malaking ngiti sa kanyang mukha. Unti unti na niya akong tinalikuran at nagumpisang maglakad palayo.

"Ligaya kung ikaw man ay napupusuan nararapat naman sigurong malaman ko iyon"
huli niyang buwelta bago niya ako tuluyang iwan.

Naiwan naman akong nakatulala sa aming kusina. Hawak koparin ang basong ininuman kanina. Hindi ako makapaniwala na May ganoong pagiisip ang aking kuya tungkol sa akin. Ako? Mayroong napupusuan? Ala pa naman akong lalaking kinahuhumalingan. Hindi kaya?

"Hindi maari.."

Dagli dagli kong hinabol ang aking kuya upang ipaliwanag ang katotohanan sa kanya. Marahil ay nakita niya kami ni ginoong Julian sa pagdiriwang. Mali ang kanyang iniisip. Dumiretso ako sa aming hardin upang hanapin ang aking kuya. Nakita ko siyang naglalakad sa hilera ng mga sampaguita.

"KUYA...." sigaw ko.

Dagli naman siyang lumingon sa aking kinaroroonan. Hingal na hingal akong nakarating sa kanya. Ramdam ko ang pawis na tumuutulo mula sa aking mukha. Ganito nako mula pa pagkabata, pawisin na talaga ako. Kumuha si kuya ng panyo at iniabot sa akin. Hindi ko naman na ito kinuha at nagpaliwanag na ako sa kanya.

"Kuya Mali ang iyong iniisip walang namamagitan sa amin ng ginoong iyon marahil ay nagkamali kalamang ng iyong interpretasyon."

Napansin ko ang pagkagulat sa kanyang mukha. Tila Hindi niya alam ang aking tinuturan. Kayat nagpatuloy nalang ako sa aking pagpapaliwanag.

"Hindi ba't nakita niyo kami sa pagdiriwang, sinamahan lamang ako ng ginoong iyon sa palikuran dahil Hindi ko alam kung saan walang namamagitan sa amin maniwala ka sa akin."

Muling sumilay sa kanyang mukha ang isang ngiti. Sunod naman siyang umiling at hinawakan ang aking ulo.

"Hindi ko naiintindihan ang iyong sinasabi ligaya, Hindi ko kayo nakita ng ginoong iyon ngunit ngayong nadulas na ang iyong dila ay maari ko ang malaman ang pangalan ng ginoong iyon?" Sunod niyang saad sabay hagalpak ng tawa.

Nang maintindihan ko ang mga nangyayari ay naramdaman ko bigla ang hiya. Tumakbo ako patungo sa aking silid at daling sinarado ang pinto. Ano ba ang nangyayari sa akin? Nagkamali ako kanina, Hindi talaga alam ni kuya nais niya lang akong purihin kanina sa aking kasipagan kung kayat naisingit niya ang pagibig.

Bakit koba Hindi naintindihan iyon? Nakakahiya. Siguradong tatanungin ako ng tatanungin ni kuya ukol dito. Ano na ang sasabihin ko? Wahhhhhhh!

Kakatapos kolang maligo ng tawagin ako ni Violeta. Hindi ko parin malimutan ang nangyari kanina. Hiyang hiya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon