agad naman syang umalis at ginamit ang pinto kung saan sila pumasok
umupo muna sya at naghintay ng mga ilang minuto
maya-maya ay may kumatok sa may pinto at nakita nya yung babae kinausap nya sa elevator kanina
Eya ba pangalan nun?
"Hi" pagbati ng bagong dating na may ngiti sa labi
"let me introduce myself I'm Eya Santos from HR department ako yung mag oorient sayo" pagpatuloy nya "diba ikaw yung nakasabay ko sa elevator kanina?" parang di makapaniwala nitong tanong sa kanya
"ah oo?" patanong nyang sagot rito
"Miss Fuentes, right? natutuwa ako na ikaw yung natanggap bilang sekretarya ni Mr. Smith" nakita nya naman itong napatingin sa kabuoan nya "ang ganda at sexy mo naman"
"oy hindi naman grabe sha ikaw rin naman"
"wow humble mo te" sabay sapak nito sa kanya ng mahina
tumawa lang sya rito magaan ang pakiramdam nya sa babae feel nya magkakasundo sila
"so lets start the orientation? or wag na kaya? ang boring naman kung puro dada lang ako baka malosyang beauty ko" nag iisip nitong tanong sa kanya
positive kalog rin ang isang to
"ikaw bahala?" pag sasang ayon nya naman sa kabaliwan ni Eya
"halika ituturo ko sayo kung saan yung work place mo"
sumunod naman sya sa babae palabas ng conference room
"alam mo kayo lang ni Mr. Smith dito sa top floor" at ginagalaw galaw nya yung kilay nya na para bang tinutukso sya
ipinagpatuloy naman nito ang pag chichismis "ayaw na ayaw nya sa maraming tao na paka private niyang tao misteryoso kumbaga"
naka abot na sila sa table nya at agad naman umupo si Eya sa harapan nya kung saan yong visitor's chair
habang sya naman ay pumunta sa kanyang trono which is the swivel chair at tumitingin tingin sa mga gamit habang nakikinig sa kanyang bagong kaibigan
"tinatawag dito si sir ng untouchable beast dahil walang makakalamang sa kanya, ayon sa balita na nakalap ko wala daw nakakatagal na sekretarya kay sir" pagpatuloy nito
"ang pinakamatagal ayon sa aking narinig ay dalawang buwan lamang" napa sign of the cross naman sya sa narinig nya
habang si Eya ay tumawa lang ng bonggang bongga na para bang isa syang joke sa harap nito
"kalog ka rin eh noh?" tumatawa pa ring tanong ni Eya kay Cath
"di naman masyado, nagsalita rin yung babaeng di kalog" sarcasm is evident to her voice pero pinagtawanan lang sya ni Eya
"pero seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" tanong nya sa taong nasa harapan nya
"yes naman gurl I've been here since last year at nagpapasalamat nga ako na sa HR department ako napunta kaya minsan lang magtagpo ang landas namin ni sir eh at sa loob ng isang taon na yon marami na kaming hinire para sa position mo ngayon" pag eexplain nya
patay na ba ako nito?
"pero alam kong kaya mo yan gurl idaan mo nalang sa kagandahan mo pag di mo na keri si sir" at humahalakhak pa ang gaga
nagiisip naman sya kung paano sya bibitayin ng kanong hilaw na halimaw at napasabunot nalang sya sa kanyang buhok
wag naman sana lord sabay pikit na parang nagdadasal
artlessbtch