"Itong kwintas ang simbolo ng ating pagiibigan Maria. Mahal na mahal kita."
"Mahal din kita Pedro!"
Suot ang kwintas na ibinigay mo,
Ito'y tinitigan ko.
Ika'y naalala ko,
At ang katagang sinabi mo.Bakit iniwan mo ako?
Akala ko ba magtatagal pa tayo?
Ngunit ngayo'y ito'y alaala nalang natin sinta,
Alaalang hindi na maibabalik pa."Pedro! Pedro! Anong ginagawa mo?!
Baka lumubog ang bangkang sinasakyan mo.
Umalis ka riyan,
Malakas ang ulan!""Ayos lang ito Maria, hindi naman gaano kalakasan ang ula--"
"PEDROOOO!"
Bangungot na patuloy akong dinadalaw,
Bangungot ng iyong pagpanaw.
Pangakong iyong binitiwan,
Hindi na matutupad kailanman.Itong kwintas nalang ang siyang alaala,
At patunay na tayo'y nag-ibigan,
Nawa ay masaya ka na sinta,
Kung nasaan man ang iyong kinaroroonan."Ako nga pala si Pedro binibini."
"Ako si Maria"Tayo'y nagkakilala,
Sa ilalim ng puno nang mangga,
Naging magkaibigan,
Hanggang sa naging magkasintahan.Mahal na mahal kita,
Hindi nagbago at magbabago aking nadarama,
Ngayon ay makakasama na kita,
Salamat sa paghihintay sinta.Photos not mine.
Credits from Pinterest.
BINABASA MO ANG
KWINTAS
PoetryPlagiarism is a crime. Most cases of plagiarism are considered misdemeanors, punishable by fines of anywhere between $100 and $50,000 - and up to one year in jail. Plagiarism can also be considered a felony under certain state and federal laws. Sour...