PROLOGUE

1 0 0
                                    

Pilit na tumatakbo habang nahihirapan ang isang dalaga sa kagubatan, yakap-yakap ang sugatang sarili. Nakasunod dito ang pitong mga lalaki na balot sa kulay itim na damit. Makikita mo sa kanilang mga mukha ang kagustohang patayin ang babae.

Ang dilim ng paligid ay unti-unting nabigyan ng liwanag. She stop running while catching her breath. Nakalabas na ito sa masukal na kagubatan. Luminga-linga siya sa buong paligid  upang humanap ng ibang daan ngunit huli na ng napagtanto nitong wala na siyang matakbuhan. She's trapped.

Lumabas ang pitong lalaking humahabol sa kaniya kanina pa. Bakas sa mga mukha nila ang isang ngising tagumpay habang unti-unting nilapitan ang dalaga. Tumatawa ang mga ito na parang demonyo.
"Paano ba iyan, nacorner ka na namin."-ngising saad noong isa. Napaatras ang dalaga hanggang sa wala na itong maatrasan. "Kung sumunod ka lang sana sa gusto ni boss, hindi mangyayari to. Sayang naman."-sambit noong isa sabay iling. Bigla namang napahugulgol ang babae. Isang mainit na tubig ang dumaloy sa pagod na mga mata nito. May halong kaba at takot ang nararamdaman niya ngunit mas nangibabaw ang galit at puot nito sa puso na pilit niyang pinipigilan.

Ramdam niya ang sakit mula sa sariling sugat. "Maglaro kaya muna tayo bago natin siya patayin? Sayang ang ganda niya mga pre."- tumawa ang mga ito ng naisip nila ang isa pang balak. Lalo namang kinabahan ang babae. Napuno naman ng tawa ang buong paligid.
"H-huwag kayong l-lalapit."- utal na sabi nito ngunit parang walang nakarinig sa kaniya. Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan nito. 'Am I going to die?' tanong pa nito.

Napatingin siya sa bangin sa likod niya. Malakas na alon ang tumatama sa malalaking bato sa baba. Napalunok siya sa sariling laway bago binalik ang tingin sa mga lalaki sa harap. Laking gulat niya ng lumabas ang isang taong hindi niya inaasahan na makikita ngayon. Ang taong sumira sa pagtitiwala nito. Ang taong akala niya na isang tunay na  kaibigan.

Umaatras ang mga lalaking nakaitim habang nayayuko upang bigyan siya ng daan  bago lumapit sa kaawa-awang babae. 'Why?' Tanong nito sa sarili habang gulat parin sa nakikita niya. Nakangitiang babae na pinagmasdan ang kabuohan ng dalaga. 'Poor girl'. A smirk formed in her lips. Kinakabahan at hindi makapaniwala ang mababakas sa mukha mula sa babaeng sugatan. Gusto niyang paniwalain ang sarili niyang isa lamang itong panaginip. Isang bangungot at gusto na niyang magising. Ngunit hindi. Hindi siya nananaginip. Totoo ang lahat ng nangyayari.

"You are still gorgeous even in  that state, my dear Eya."- ngising bati nito sa kaibigan. Nilakasan naman ni Eya ang loob niya habang nakatingin sa taong dumating. "Are you happy, Kate?"-puno ng emosyon na tanong nito. Ngumisi naman ito sa kaniya na para bang hindi na niya ito kailangan pang sagutin. "Not yet. Not until you're died."-sagot nito. Sarcastic and anger are visible on her voice. Naiinis siya dito dahil sa kabila ng maraming sulat na natamo ay nagawa niya paring tumakbo ng ganito kalayo.

Mapait na ngumiti siya pabalik sa kaibigan. "I-is that so?"-may halong lungkot na sabi ni Eya. Pilit niyang itinataboy ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi parin siya makapaniwalang kaya siyang lokohin nito. Kahit kailan ay hindi niya kayang saktan ang kaibigan ngunit ito mismo ang nanakit sa kaniya.

Tiningnan niya sa mga mata ang taong minsan na niyang tinuring na parang tunay na kapatid. Ang dating mapagmahal at inosenteng mata nito ay napalitan ng pagkamuhi, ingit at galit. Bahagya siyang tumingin sa likoran nito. She gulped before returning her look on them. "Then maybe after this, you'll be happy."-nakita niya na bahagyang nagulat ang kaibigan sa sinabi nito ngunit hindi na niya ito nagawang pansinin. Walang pag-aalinlangan tumalon siya sa bangin habang hawak ang sugatan nitong puso.

Ramdam niya ang lamig ng dagat na yumayakap sa duguang katawan nito. 'Will this be my end?' tanong nito sa sarili. Isang mapait na ngiti ang umukit sa kanyang mga labi habang inaalala ang lahat ng nangyari. Humalo ang luha nito sa tubig bago siya nilamon ng dilim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon