Chap. 3

12.2K 695 9
                                    

Chap. 3

  

GRAYDELLE'S POV

 Oh what a lovely day! Naging successful ang ginawa ko kanina. Yeah, talagang sinadya kong mabundol ang kotse ni Gray. Oh my God! Abot langit ang kilig ko sa lalaking 'yon. Sino ba naman ang hindi malolokang babae—Ang gwapo n'ya; mabait; matalino; responsable; at higit sa lahat MAYAMAN. Marami na akong alam tungkol sa kanya. Kung may pagkakataon lang sana na magkalapit kami..I'LL GRAB THE OPPORTUNITY..NO MATTER WHAT!

GRAYSON'S POV

Ang ganda naman ng babaeng 'yon. Sa laki ng Santa Catalina, halos ng lahat ng malalaking pamilya dito; nakilala na namin ni Kuya ang mga babaeng anak. Palibhasa, karamihan sa kanila ay naireto na sa akin. Ganun kadesperado ang mga magulang ko na makahanap ng mapapangasawa ko. Lahat sila nauwi sa wala..Iisa lang ang minahal ko..PERO HINDI PARIN NAGING AKIN. Wala sa ugali ko ang COLLECT and SELECT. Hindi naman ako pihikan. Ewan, bakit ba ang malas malas ko sa ganitong bagay?

GRAYZYL'S POV

Sumasakit talaga ang ulo ko kay PAPANG! Kung pwede lang isang pitik ko mawawala ako na parang bula..ginawa ko na paulit ulit. O di kaya lagyan ko ng permanent tape ang bunganga ni Papang para tumigil sa kakasermon sa akin. At eto pa, saklap naman ng buhay ko PAMBAYAD LANG SA UTANG! Haler, hindi ba nasasayangan ang dakilang ama ko sa FACE ko?

Mabuti pa nga sina Ate..binigyan pa ng dowry sina Papang at napakinabangan nina Ate ang pera. Ako? Advance na natanggap ni Papang. GIVE AWAY ang byuti ko!

----------------------------------------------------------

Nang marating ni Grayson ang kanyang bahay, inabutan n'yang may kausap si Neneng sa telepono.

"Jhong, h'wag kang mag-alala uuwi din si Nanay d'yan. Ano? Dumating ang Ninang Yzyl mo. Maging good boy ka parati para dalasan ni Ninang ang pagdalaw sa 'yo. Kumain ka ng marami. Nagpasalamat ka ba sa Ninang mo?"

( Opo. )

Nakamasid lamang si Grayson habang nakikitang nakikipag-usap ang katulong sa anak.

"Ehem..."

Napalingon agad si Neneng sa kanyang likuran. At nagulat nang makita si Grayson na nakatayo malapit sa kanya.

 "Sir..dumating na po pala kayo. Pasensya na po..napatawag lang sa bata." Sabay ngiti ni Neneng.

"Namiss mo s'ya? Pasensya ka na hindi kita naisama sa Santa Catalina..nagmamadali kasi ako."

 "Okay lang 'yon, Sir. Nagtatawagan naman po kami."

 "Neng iba ang pakiramdam kung makikita mo sila. Ilang buwan ka na palang hindi nakakadalaw sa bata. Dapat ka palang bigyan ng break sa trabaho."

"Eh, saka na lang ho."

"Sige, ikaw ang bahala." Sabay umalis si Grayson.

Sa pag-akyat ni Grayson sa hagdan..muling sumagi sa isip n'ya ang sinabi ni Oliver.

"May ilang mga lalaki na ayaw magpatali sa babae..so they prefer to have children through surrogacy."

Napahinto s'ya ng sandali. Tinatanong n'ya ang sarili n'ya : BAKIT HINDI? PERO PWEDE NAMAN S'YANG HUMANAP NG MAPAPANGASAWA; ANG PROBLEMA LANG AY 'YONG NARARAMDAMAN N'YA. HINDI N'YA PWEDENG LOKOHIN ANG SARILI. PERO ANG MAGKAROON NG ANAK SA KAHIT SINONG BABAE — HINDI N'YA UURUNGAN.

-------------------------------------------------------------

Pinaghandaan ni Nancy si Grayzyl ng meryenda. Alam n'yang umiinit na naman ang ulo ng dalaga matapaos ang pakikipagsagutan sa ama. Kaya gumawa s'ya ng smoothies para lumamig ang ulo ni Grayzyl.

Mr. & Ms. GrayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon