CHAPTER 2
*2 weeks passed*
June 9, 20**
Bey's POV
Haaaay.. Pasukan na naman. Well, new school, new friends :) .. Excited na ako! Madadagdagan na naman friends ko. yihiiii!
About nga pala doon sa competition namin, well obviously kami nanalo! :) hahaha Ang galing kasi namin, hindi ako nagmamayabang ah. Eh kasi totoo naman. hihihi! :)
Sabay kami ngayon ni Briks papasok. You know, nakakanerbyos kaya ang unang pasok sa bagong school. Napag-usapan namin na susunduin niya ako rito sa bahay.
Ligo
Bihis
Kain
Paganda
tsarots! Haha. Konting ayos lang and tadaa! Ready for school na si ako..
*dingdong*
Uy! Si Briks na siguro yan.
Binuksan ko ang pintuan and,
"Wow! Nagpaganda?"
Siya nga -_-
Ako: Gandang umaga rin.
Briks: Haha! Ba't ka ba nagpaganda?
Ako: Helloooo?! New school to tsong.
Briks: Tss. Eh ano namang konek dyan?
Ako: Ewan ko sayo!
Briks: Haha! Umagang-umaga Bey.
Ako: Ikaw kasi eh.
Briks: Sus! Hindi naman kailangan magpaganda.
Ako: Hindi nga ako nagpaganda! Nag-ayos lang ako! Alam kong matagal na akong maganda :)
Briks: CHE! Tara na nga!
Ako: Hahaha tara!
Naglakad lang kami ni Briks papuntang school. Mga 30 minutes din ang ang layo ng school galing sa amin kapag naglalakad.
Habang naglalakad,
Ako: Briks, bukas nlng kaya tayo pumasok?
Briks: Ha? Bakit?
Ako: Eh kinakabahan ako!
Briks: Wag ka ngang kabahan!
Ako: Eh sa kinakabahan nga ako!
Briks: Tss.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko..
Briks: Ay halata. (sabay bitaw)
Ang lamig kasi ng kamay ko. Ganyan talaga ako eh.. Eh ikaw ba?
Ako: Halata nga. Tara, uwi na tayo. (sabay hila sa kanya)
Briks: Hoy! Umayos ka nga jan. Parang kang engot!
Ako: CHE!
Briks: Huwag ka ngang kabahan. Isipin mo na lang nung first year pa tayo yung first day of class. Basta, ngayon tayo papasok!
Ako: Tss. Sige na nga. Huwag kang lalayo sa akin ha! Kundi hindi mo na makikita ang umaga!
Briks: Oh. Scary.
Ako: Briks!
Briks: Oo naman noh! Ano ka ba. Drama mo naman masyado.
Ako: Hehehehe nerbyos lang tsong.
Hindi namin namalayan na nakaabot na pala kami sa school.
Briks: Here we are.
Ako: Yeah.
