n.o.t. 1

10 0 0
                                    


Amelia POV

Tagal naman nila. Kanina pa ako naghihintay dito sa may Mcdo malapit sa school. Dumadami na din ang mga estudyante na tumatambay kaya medyo nahihiya na ako. Sabi kasi ng mga kaibigan ko ba otw na daw sila.

Otw my ass. Sanay na ako na late sila dumadating kapag naghihintayan kami. Sinasabi lang nila na otw na sila pero ang totoo, maliligo palang sila. Ganun din kasi ako minsan haha! Ang awkward talaga kapag mag-isa ka, mukhang loner tuloy ako. Kanina pa din ako chat ng chat sakanila na bilisan nila kasi mawawalan sila ng upuan. Patingin-tingin lang ako sa labas ng Mcdo nang makakita ko na ang isa sa mga kaibigan ko nabuhayan ako ng loob. Di na ko loner, charot!

Nang makapasok na si Amelia, agad niyang nakita kung saan ako naka puwesto. Nung papalapit na siya, agad kong tinuro ang upuan sa harap ko para dun siya maupo.

"Uy gago, ang tagal niyo talaga. Mukha akong walang kaibigan dito kanina." Sabi ko habang naglalabas ng pera para bumili ng pagkain. Hindi ko kasi pwede iwan basta basta ang puwesto namin, baka maagawan pa kami.

"Sorry na. Traffic kaya. Ano bibilihin mo? Iced coffee lang sakin. Tnx ghorl." Sabi nya sabay abot ng 50 pesos. kapal ng mukha.

Tumayo na ako at pumila. Hindi naman ganun kahaba ang pila kaya okay lang. Nung ako na ang oorder sinabi ko na kung ano ang mga pagkain, chicken burger at dalawang iced coffee. Sarap hays. Nang binigay na sakin ang receipt bumalik na ko sa puwesto namin at nakita ko na nandoon na ang isa ko pa na kaibigan, si Angelo.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Angelo nung maupo ako sa aking puwesto. Umiling ito at saka hinalungkat ang bag nya. Bibili din ata siya nga food niya.

"Amelia, ikaw na kumuha nung in-order ha? Para may silbe ka naman" napairap nalang siya sa sinabi ko. Ganito kami makipagusap sa isa't isa, kumbaga ito na yung lambingan namin ng mga kaibigan ko. Sa sobrang konportable namin sa isa't isa kahit na magmurahan or magkapikunan ay sama sama pa din kami. Walang titibag.

"Ano in-order ninyo?" sabay pa kami tumingin ni Amelia nung nagsalita si Angelo.

"Iced coffee sakin, pre."

"Iced coffee din and chicken burger." Ani ko sabay tingin sa counter para tignan if andun na number namin.
Nung makita ko na nasa 'preparing' palang ang order agad kong sinabi na um-order na si Angelo para hindi siya maghintay ng matagal.

Habang naghihintay ay kinuha ko ang aking cellphone sa bag. Hindi ako naglalagay ng phone sa bulsa dahil mababaw lang ito at madali madukot. Tinignan ko ang group chat naming magkakaibigan, baka sakaling may update yung iba kung nasaan na sila.

Jeremy: 'Traffic d2 mga pre.'

Peter: 'Ang aga niyo naman. Kagigising ko lang. saglit.'

Andra: 'Otw na ako'

Yan ang ilan sa mga nabasa ko. Hay nako. Pasalamat talaga sila at medyo maaga pa. 1 pm palang naman at 2:30 pm ang pasok namin.

Agad akong nagtype para sabihin kung nasaan kami, 'nasa mcdo kami mga pre. Baka gusto ninyong bilisan.'

Kung napapansin ninyo ang tawagan naming magkakaibigan ay "pre", hindi ko alam kung paano at bakit pero yan na ang nakasanayan namin. Kahit na kaming mga babae ay "pre" ang tawagan. I know ang weird. Usually for girls ang maririnig niyo is 'bes', 'sis', 'girl' or whatever it is. I think we're different- scratch that- we are different.

What I love about my friends is that hinahayaan namin ang isa't isa to do what we want and if what we want makes us happy, we support each other no matter what. If we fight, paguusapan namin. Same kapag nagkakatampuhan. Lalo na kapag usapang inuman. Once na may mag-aya, g ang lahat. Kahit wala kang ambag, iinom ka. Pero sagot mo ang sunod na session.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not Our TimeWhere stories live. Discover now