Maaga ako na gising dahil today we will be taking our second quarter test. Medjo stress pero thankfully at kinaya naman kahit papaano.
Ngayon ay nasa salas ako, medjo chill ako ngayon dahil 12:30 pa ang pasok ko. Madaming nakakalat na reviewer sa lamesa at nakaupo ako ngayon sa sahig.
"Oh, mag kape ka muna" Ani ni kuya sabay lapag ng kape sa lamesa.
"Ay? Kuya bakit ang bait mo naman ata ngayon?" Natatawang tanong ko sabay higop sa mainit na kape.
"Ulol! Mabait naman talaga akong kuya" aniya
"Lahoy! Oo nalang" asar ko
"San ka nga pala nag punta kahapon?" Sunod na tanong ni kuya na ikinakaba ko.
"Wala kuya sa bayan lang tas umuwi na din" sagot ko.
"Mag isa?" Ani ni kuya
"Oo, kaya ko naman umuwi mag isa e. Bakit ba? Ang gulo mo nag re-review ako dito e! Dami mong tanong"
"Ay sus, kahapon kase inaantay ka namin ni Iven sa may gate nag aya si Iven manood ng movie or kahit gumala daw" Pag papaliwanag ni kuya.
"Bakit? Usually tuwing pasko tayo nagala diba?" Takang tanong ko.
"Oo nga e, aalis daw siya dun siya sa mga lola niya daw mag papasko" sagot ni kuya.
"Ahhh ganon ba" ani ko.
Saglit ako natulala at nag patuloy na sa pag re-review. Nahiya ako ng konti dahil sa pagiintay sakin ni Iven at kuya naglakad lakad lang kase ako kahapon para makapagisip isip.
Bigla naman dumating si mama kasama si tita Tess, may dala silang mga plastics mukhang galing bayan.
"Oh, Ash nandyan ka pala" Bungad na bati sakin ni tita Tess.
"Hello po" ani ko sabay ngiti.
"Ash ano ba yang mga nakakalat ayusin mo yan at paupuin mo si Tess." Utos ni mama
"Opo ma,"
"Ikaw naman, okay lang Ash mukhang busy ka e pwede naman ako umupo doon sa kusin tutulungan ko din nanay mo kaya dyan ka muna." Sambit ni Tita tess habang nag iimis ako ng mga gamit.
"Ahh sige po salamat po"
Muli kong itinuon ang pansin sa aking mga reviewer habang si kuya ay tahimik at busy sa kanyang cellphone.
------
Ilang oras na ang nakalipas, tapos na rin ako sa pag re-review. Ngayon ay nag lilikom nalang ako ng aking mga gamit nang bigla namang may tumawag sa labas.
"Ash!?" Pasigaw na tinig nito
Agad akong sumilip kung sino iyon.
"Oh, Iven ano ginagawa mo dito?" Tanong ni kuya
"Ahh wala kase si mama sa bahay nag baka sakali akong nandito siya." aniya
"Ahh oo nandito si tita tess, pasok ka" sagot ko kay Iven.
Hinubad ni Iven ang kanyang tsinelas
at muling pumasok."Nag re-review ka ba?" Tanong nito sa akin.
"Oo kakatapos lang" sagot ko naman na muling itinuloy mag ayos ng gamit sa salas.
"Oh anak bakit nandito ka?" Biglang tanong ni tita tess kay Iven.
Agad naman lumapit si Iven kay tita Tess at nag usap sila patungo sa kusina.
Natapos na ako mag ayos ng mga gamit at agad na umakyat sa taas. Ipinatong ko ang mga reviewer ko sa lamesa sa kwarto at biglang humiga sa kama. Sinulyapan ko ang aking cellphone at naisipang ichat si Vince.
'Paano mo natitiis na ganito tayo? Gulong gulo na ako ano ba kase talanag problema Vince?' tipa ko sa telepono sabay send sa kanya.
Hanggang ngayon hindi pa rin niya masabi kung ano probema. Pero after what he did publicly saken I don't know what to feel for him anymore.
'Ash hindi ba obvious?' reply naman agad nito sa message ko.
'Nag seselos na ako dyan sa Ivan na yan sino ba yan?' pag dagdag nito.
Agad kong nagets kung bakit siya nanlamig saken noong ihahatid niya ako sa classroom. Pero hindi ba ang babaw naman para magalit siya agad?
'Si Iven ay matagal ko nang kaibigan.' reply ko.
Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto ko at si Iven pala.
"Ash, sabay na daw tayo pumasok si kuya Riolo daw mag hahatid satin sabi ni tita" ani ni Iven.
"Ah okay I'll get ready later" sagot ko naman.
'Kaibigan lang ba talaga?' reply ni Vince.
'Bakit ganon siya kaclose sayo? Bakit lagi siya nasatabi mo?' dagdag pa nito.
'Bakit? Nasan ka ba Vince? Boyfriend kita pero hindi ko ramdam' reply ko sa kanya.
Sobrang lala na ng away namin ng dahil lang nag seselos siya kay Iven. Pwede naman niya sabihin sakin na nagseselos siya at lalayuan ko? Pero bakit iniignore niya ako? I don't get it.
Hindi na muli nag reply si Vince sa chat ko. Natulala akong saglit at biglang bumangon upang mag ayos at pumasok. Agad akong kumilos dahil alam kong mabubungangaan ako ni mama if malate pa ako/kami nila Iven at kuya.
Everything seems so tough today. I have a test in each subject, and projects to finish at dumagdag pa tong problema namin ni Vince.
"Ash Tara na" sambit ni kuya sa ibaba.
"Pa baba na ako kuya wait lang" sagot ko.
Agad ko kinuha ang mga gamit ko at binitbit na ito gamit ang kamay. Hindi ko na maisuksok sa bag lagi kasi nag mamadali si kuya.
Nagmamadali akong bumaba sa hagdan ng sumala ang hakbang ko sa hagdan. Ang dulas kase ng hadgan tapos naka medyas pa ako. Lumipad tuloy yung mga hawak kong reviewer.
Nagulat ako ng bigla akong tulungan ni Iven. "Okay ka lang?" Pagtatanong niya.
"Muka ba akong okay!?" biglang sagot ko ng hindi namalayan na si iven pala at hindi si kuya ang kausap ko.
"Sorry, frustrated lang si kuya kase e nag mamadali. Natarayan pa tuloy kita" muling sambit ko habang dahan-dahang tumatayo.
Inalalayan niya naman ako at sinimot ni Iven ang mga reviewers ko na nasa sahig. "Okay lang ang mahalaga ay hindi ka ganon nasaktan. Sa susunod kahit gaano ka nag mamadali wag katatakbo ng naka mdeyas masyado madulas ang sahig niyo" aniya.
See what I mean kung bakit ako nainlove sa taong to for 2 years? Nag move on na ako e. bakit naman ganyan ka ngayon Iven!
"Tara na male-late tayo na- oh, ano nangyare sayo ash?" sambit ni kuya.
"Gawa mo! Pinag mamadali moko nadulas tuloy ako" sagot ko naman kay kuya ng pagalit.
Kinuha ni kuya ang dala ni Iven na bag ko at mga papel na reviewer habang Alalay naman ako ni Iven papuntang sasakyan. Binuksan ni Iven ang pinto ng sasakyan at dahan-dahan niya akong inalalayan upang makaupo sa sasakyan.
Aakto sana siyang ipagseatbelt pa ako ng pigilan ko siya. "Auhm ako na, salamat" ani ko ngumiti lamang ito at sumakay na din sa front seat.
Makailang sandali ay nasa school na din kami hindi na sana ako mag papaalalay kay iven kaso hindi ko talaga kaya at medjo malayo pa classroom ko pamula dito sa gate. Agad na tumuloy kami sa loob ng school. Ang sakit ng paa ko dahil sa pagkadulas ko kanina. Si Iven naman ay hindi ako iniwan at patuloy na inalalayan papunta sa classroom."Hindi mo na ako kailangang alalayan, Iven. Kaya ko na," sambit ko sa kanya kahit hirap pa ako sa paglalakad.
"Okay lang, Ash. Ayokong mapano ka pa lalo na't may exam pa tayo ngayon," tugon niya sabay ngiti.
Papalapit kami sa pintuan ng classroom nang biglang sumulpot si Vince. Halatang nagtataka at may halong galit ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Facebook Love Part 2 (On-going)
RomanceWill they even get through all of the challenges and obstacles that they might have to face, through the name of love. Or just give up everything? if you we're in that position Will you stay or leave? Does forever still exist? or did there love just...