ELIZA
Nakakapagod ang araw na 'to. Ang daming gagawing project sa school kaya dapat pa-chill chill lang ako with my friends. Hehe.
"Hoy wait! Samahan niyo muna ako sa NBS!" napakaingay talaga nitong si Eriz.
Nasa mall kasi kami, kakatapos lang ng klase namin saka isang sakayan lang naman ng jeep tas konting lakad lang papunta dito.
"Saan ba 'yon?" napatingin kaming dalawa ni Eriz kay Venn at sabay na nag-middle finger sa mukha niya.
"Bobo ka ba? baka nasa rooftop." ganiyan talaga kami mag-usap.
"Tanga nasa labas kasi, bobo niyo naman." sabat ko naman.
Halos araw-araw na kaming nandito pero itong si Venn, tangahin pa rin at parang first time lang nakapuntang mall. Hindi pa rin alam ang pasikot sikot at ang mga bilihan.
Amp -.-
"Kamukha mo yung mannequin don Elizabeth, Oh! HAHAHA!" ingay grabe tas lakas maka-abnormal.
"Bobo si Griselda De Poo Tah 'yan." walang kwentang sabat namam ni Venn.
Tiningnan ko yung mannequin at tiningnan si Eriz tas ngumiti ng peke sabay nag-middle finger.
Lakas ng toyo ampota, kamukha ko daw. Wala namang mukha yung mannequin. Napailing na lang ako at inisip kung paano aakitin si Bill Gates.
Pagpunta namin sa NBS, as always sure na sure akong sa impyerno talaga bagsak ng gagitang Eriz na 'to dahil ang hanap lang naman niya ay mga possessive story.
Humanap din ako ng libro na para sa akin pero puro possessive story lang naman nakikita ko dito. -.-
Medyo natagalan ako doon at saka naglibot pa para makahanap ng makakakuha ng atensyon ko na libro.
Pero matagal ng na kay Dark Chandler ang atensyon ko eh, paano 'yon?
"Ma'am 130 pesos po." sambit sa'kin ng cashier girl. Kinuha ko ang wallet ko at binayaran ito.
Huhu 100 pesos na lang pera ko.
Kinuha ko ang biniling libro at pinuntahan yung dalawang kupal. Ayon naabutan kong nakasimangot ang mukha ni Eriz at banong mukha ni Venn.
Tinaasan ko sila ng kilay. "Hindi ka ba nag-enjoy sa pagkakasala mong bumili ng mga malalaswang kwento?"
Inirapan naman niya ako at lalong gumusot ang mukha. "Sobra. Sobra akong nakonsensya kaya Bible na lang binili ko." sambit niya sabay pinakita sa'kin ang tatlong Bible na hawak niya.
O.O
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!"
Humagalpak kami ng tawa ni Venn at halos maluha luha ako habang nakatingin sa iritang Eriz.
Kaya ako natagalan kanina sa hanay ng mga possessive story dahil hinaluan ko 'yon ng mga Bible book. Akala ko hindi papansinin ni Eriz 'yon pero 'yon din pala ang binili.
Isang tawa pa.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA!
Nagpunas ako ng luha at pilit na pinipigilan ang tawa.
"Napakasama ng ugali niyo! si Venn nga ABAKADA at Alamat ng Matsing yung binili eh!" atungal pa ni Eriz kaya napatawa na naman ako ng pinakita nga ni Venn yung binili niya.
"Pota HAHAHAHAHA! Tama na gago HAHAHAHAHA!" halos pagtinginan na ako ng mga tao sa NBS kaya ayon napalabas kaming tatlo.
Pagkatapos non ay dumirecho ako sa isang shop na punong puno ng mga merchandise ng Galaxy