Chapter 4

1.6K 64 3
                                    

Akane

Napahawak ako sa aking labi ng makaalis na si Senyorito. Totoo bang hinagkan niya ako? Ibig bang sabihin niyon ay iniibig niya ako?

Ang sabi sa akin ni Ina ay kapag hinagkan ka ng isang nilalang ay nagpapahiwatig ito ng kaniyang pag-ibig. Napangiti ako sa isiping iniibig ako ni senyorito.

Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako naririto sa mundo ng mga mortal ay nawawasak ang pag-asa kong iyon. Hindi kami maari ni Denver. Ayaw kong umasa na nararapat kami para sa isa't isa.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa pag-iisip ng dahilan kung bakit niya ako hinalikan. Pero binura ko rin iyon sa aking isipan kalaunan.

Pagkatapos kong maglinis ng sarili ay agad kong tinungo ang kusina upang magluto ng agahan ni Senyorito. Labis na lamang ang aking gulat nang madatnan ko si Senyorito na natutulog sa malambot na upuan. Sofa rin marahil ang tawag doon.

Agad ko siyang nilapitan at ginising dahil papasikat na ang araw. "Senyorito," tawag ko sa kaniya. Ngunit wala akong sagot na natanggap.

Hinawakan ko ito sa balikat at marahang niyugyog. "Senyorito, gumising ka na. Hindi ba't may pasok ka isang unibersidad?" Napahinto ako. Unibersidad nga ba ang tawag doon?

Nang tanungin ko si Damon ay Unibersidad daw iyon kaya tama ako. Isang unibersidad ang kaniyang pinapasukan at isa siyang estudyante roon.

"Senyori-," Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong hilahin at nasubsob sa kaniyang dibdib.

"Akane -" nanlaki ang mga Mata ko nang marinig ang boses ni Senyorita Madeline.

Napatayo ako bigla at naitulak si Senyorito kaya naman ay bigla itong nagising. "What the fuck?!" Sigaw niya.

Nang makitang nakatingin si senyorita ay napatayo ito bigla. "Mom-"

May itinatagong ngiti si Senyorita Madeline kaya naman nagtaka ako kung bakit. "Alam mo Denver, masyado ka ng namimihasa. Go to your room and get ready for school!" Sigaw nito sa kaniya.

Napapikit pa ako dahil sa lakas ng boses niya. Nabaling ang tingin nito sa akin at abot-abot na lamang ang aking kaba. "Akane," panimula niya.

"S-Senyorita, Hindi ko po alam na gagawin iyon ni senyorito. Paumanhin," saad ko habang nakayuko.

Baka pagalitan ako ni Senyorita dahil sa nakita niya. Baka isipin niyang may namamagitan sa aming dalawa ni senyorito ngunit wala naman.

"Senyorita, kung iniisip mong may namamagitan sa amin ni Senyorito ay wala pong katotohanan iyon. Hinila niya ako kaya naman nasubsob ako sa dibdib niya-" naputol ang paliwanag ko nang humalakhak ito.

Nilapitan niya ako at kinurot ang pisngi. "Wala ka pa ring pinagbago, Akane, wala naman akong sinabi na may namamagitan sa inyo ni Denver." Sambit niya habang ngumingiti.

Bakit ko ba nasabi iyon? Kung ano-ano ang naiisip ko dahil sa kilos na Senyorito. Nalilito ako at hindi makapag-isip ng tama.

"Alam mo Akane, magluto ka na dahil may pasok kayo ng Senyorito mo, hayaan mo nalang ako. Huwag mo akong pansinin," aniya at hinawakan ako sa balikat at itinulak ng marahan papuntanh kusina.

Pagkatapos kumain ay iniligpit ko na ang mga iyon. Palabas na ako ng kusina nang magkasalubong kami ni Denver. Napakagwapo niyang tignan sa suot niyang uniporme.

"Akane, sumabay ka na sa akin papunta sa University -" Hindi niya natapos ang sasabihin at gulat itong napatingin nang ayusin ko ang nagusot niyang kwelyo.

"Hayan, ayos na," sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

"Don't smile like that, pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko," sambit niya at nag-iwas ng tingin.

My Maid Is A Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon