Pinagmasdan ko ang buong paligid, tingin ko nasa isang burol ako, nakikita ko ang mga luntiang damo at mga hayop na nagpapaaraw. Dahan dahan akong humakbang at para akong nasa probinsya dahil sa lawak ng lupa, may kubo at farm house rin akong nakikita sa di kalayuan at mga sakahan nito.
(AtengSenyora's Note: eto po ang itsura👇)
"Tabi!!!"
Hindi ko na napansin ang paparating na kabayo at dali daling umatras pero natapilok ako at bumagsak sa lupa, ang sakit ng pwet ko!
"Ayos ka lang ba binibini?"
Yung pwet ko ang masakit! Inalalayan niya akong makatayo habang hinihimas ko ang pwet ko.
"Bakit ka ba kasi paharang harang sa daan?" Tanong niya kaya inis ko syang binalingan pero natulala rin sa kanyang itsura. Shock! Ang ganda ng texture ng mukha niya! Makapal ang kilay, matangos ang ilong, clean cut ang buhok, mapula ang labi at higit sa lahat ang mga mata niya, tila ba nahihipnotismo ako doon.
"Saan ba ang masakit sayo?" Tanong nito muli at sinipat ako sa katawan
"Ahh-ehh wala, maayos naman ako. Hehe" doon lang din ako bumalik sa ulirat
"Sigurado ka ba?" May himig nitong pag-aalala
"Oo thanks." Sagot ko na lang sabay ngiti
"Ha?" sya
Kunot noo ko syang tinignan? Bakit?
"Saan ka ba nakatira?" Tanong niya ulit
"Ahmm" Saan nga ba? Eh hindi ko nga alam kung nasaan ako. Napabaling ang tingin ko doon sa may kubo tabi ng Farm house
"Ah sige mukhang doon ka nakatira, kailangan ko ng umalis binibini" sya sabay sakay ng kanyang kabayo
"Ok, pasensya na kanina take care." Biglang nangunot na naman ang kanyang noo, may mali na naman ba?
"Paalam!" Kaway nito tsaka pinatakbo ang kabayo. Hays hindi ko talaga gets ang nangyayari.
Bumaba ako ng burol papunta doon sa may farm house, baka kasi may tao roon gusto kong itanong kung nasaan ako. Ngayon ko lang din napansin ang suot kong damit, nasaan ang uniform ko?
(AtengSenyora's Note: eto po ang itsura👇)
BINABASA MO ANG
Into The Woods
FantasyWhat if mapunta ka sa ibang lugar tulad sa mga nababasa mong libro? Anong gagawin mo? Alamin natin ang adventure ng isang introvert na si Czarina sa kakaibang mundong kanyang pupuntahan. A mystery write it's own chapters and fiction comes into a re...