PROLOGUE
"Anak, I saw your father again, with his mistress." I heard mom's sobs as she explained what happened. I sighed.
"Ma, sabi ko naman sainyo diba? Dad will never change." I said. Actually, hindi na bago sa'kin ang pambababae ni Dad. Ilang beses ko na siya nahuling kasama ang babae niya, at dahil doon, I hated him. So much.
"Pero akala ko mahal niya ako? Tayo?" I heard her sniff. Naaawa nako kay Mommy, she's so soft when it comes to Dad. Kahit ilang beses na siyang niloko, pero paulit-ulit niya parin itong pinapatawad. My Mom's a certified MARUPOK.
"Niloko niya lang tayo, Ma." sabi ko at humagulhol ulit siya. Hays, she never learns her lesson.
"I know. Ang sakit-sakit. Kahit ilang beses na niya akong niloko pero ang sakit pa rin." She painfully said. Nangilid ang mga luha ko at pinipigilan ko ring umiyak, I can't be weak. It pains me knowing that my mother is hurt because of my father.
"I know, Ma. Nasasaktan din ako para sayo. Don't worry, pagdating ko jan, we will go out. Ok?"
"Okay, anak. How long will your flight take?" She asked. Her sobs were gone but I can still hear her sniffs.
"It will take 14 hours and 8 mins, Ma." I said as I looked out the window.
"Sige, I can't wait to see you, Clara." saad niya sa malambing na boses. It somehow made my heart melt. I really love my mom.
"Me too, Mom." this time, tumulo na ang luhang nagbabadya sa mga mata ko. I tried so hard not to sob, and i succeeded.
"I love you, anak."
"I love you too, Ma." I said before ending the call.
As I put down my phone, doon ako humagulhol. I hated my father for hurting my Mom and ruining our family. Kahit anong galit ko sa kaniya, hindi ko mababago ang katotohanang ama ko parin siya. At pati ako ay nasasaktan sa panloloko niya kay Mommy. I sobbed quietly, not wanting anyone to be disturbed. I wiped my tears while looking at the clouds. Ever since I found out that my father cheated, I started to hate men, I started to not believe in Love, I don't believe in happy endings anymore like what I see in fairytales. Happy Ever After happens only in fairytales, and we live in this world full of pain and chaos.
I was silently crying when I felt someone tapped my shoulder. I wiped my tears before facing him.
"Yes?" sabi ko at may inabot siya sa'king isang panyo.
"Wipe your tears." he said. His voice was cold and it brought shivers down my spine.
"T-thanks," i took the handkerchief and wiped my tears. He looked away and I managed to appreciate his features. Mahabang pilik-mata, makapal na kilay, deep blue eyes, namula-mulang pisnge, manipis na labi, at matangos na ilong. I could say that he's perfect, walang mapipintas sakanya.
"You done crying?" napaigtad ako nang bumaling siya sakin.
"Ahh y-yeah.." nahihiya kong inabot sakanya ang panyo niyang medyo nabasa sa luha ko.
"Thanks," i looked away. Hindi ko matagalan ang titig niya. He's intimidating.
I didn't hear a response, but I heard him chuckle. Ugh! Why does his chuckle sound so hot!
I just looked back at the window. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
After 14 hrs and 8 mins..
"Hey miss! Hey!" naramdaman kong may yumuyugyog sakin at pagmulat ko ay isang gwapong mukha ang tumambad sakin.
"We're here." aniya at doon ko lang narealize na nakasandal pala ako sa balikat niya! Nakakahiya ka Clara!
"Oh sorry," nahihiyang sambit ko at bumangon na para tumingin sa labas, maliwanag na at may nakikita na akong mga tao sa labas.
"Tss." rinig kong sabi niya saka tumayo na at sinabit ang kaniyang laptop holder sa balikat. Doon ko lang nakita ang kabuuan niya. Naka black sweater siya at black pants, fitted ito kaya kitang kita ang magandang hubog ng kaniyang katawan. Pati ang amoy niya ang gwapo! OMG! ano bang pinagsasabi mo Clara?!
"You're drooling." bumalik ako sa sarili nang marinig siyang magsalita. Nangunot agad ang noo ko.
"I'm not." nag-iwas ako ng tingin at inayos na ang mga gamit.
"Yeah, you're not" sarkastikong aniya. Binalot na'ko ng hiya kaya hindi na ako umimik pa. Pagtayo ko ay wala na pala siya.
Kinuha ko na ang maleta ko sa ibabaw ng inupuan namin at bumaba na. Naghintay pa'ko sa isa kong maleta nang makalabas ako ng eroplano. Biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Jaimee pala - bestfriend ko - ang tumatawag.
"Hello? Jaimee?" excited na sabi ko at narinig ko ang tili niya. I missed her.
"Clara! San kana?" masaya ding aniya.
"Andito pa'ko sa loob ng airport, hinihintay ko ang isa ko pang maleta eh. Kayo?" sabi ko habang hinahanap ang aking maleta.
"Oh, okay. Andito kami sa isang waiting shed. Jessy's so excited to see you!" she referred to my other bestfriend.
"Ako din! Its been 8 months!" when finally nakita ko ang maleta ko, kinuha ko agad ito.
"Oh sige! We'll just wait for you ok?"
"Sige, see you!" i said before ending the call. Inilagay ko ito sa aking slingbag at hinila ang dalawa kong maleta.
Habang naglalakad palabas ay nahagip ng mata ko yung lalaking katabi ko sa airplane. He was on his phone, and despite of his serious face, he still looked hot! Hindi ko namalayang nakalabas na pala ako.
"Clara!" I heard Jaimee's voice and i immediately turned to them. Nakangiti sila habang kumakaway sakin.
"Omygosh! Clara! I missed you too much!" sinalubong agad ako ng yakap ni Jessy nang makalapit ako.
"Me too, i missed you both so much!" nang kumalas ako sa yakap ni Jessy ay si Jaimiee naman ang niyakap ko.
"Oh gosh, you're so beautiful! Mas lalo ka yatang gumanda" Jessy complimented.
"Wow ha! Kayo din naman, you two look gorgeous!" I complimented back. Its true, they look so beautiful than they already are.
"Sus! Nakapunta lang ng Paris naging bolera na!" Jessy said and we all laughed.
"Ewan ko sainyo. Tara na nga!" sabi ko at tumili sila. Nang papunta na kami sa kotse namin na pina drive ni Mama kay Mang Jose ay nakita ko ulit yung katabi ko kanina sa eroplano. Nasa labas na rin siya ng Airport at mukhang may hinihintay.
I didn't get to know his name..
YOU ARE READING
Hello, Spring (Seasons Series #1)
RomanceClara Ysabelle Moñego is an independent woman. She's friendly and fun to be with, but there is one thing that she hates. Men. She does not believe in happy endings. But when Spring came, something unexpectedly happened. something that will change h...