This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-no plagiarism-
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Third Person's POV
"Jaynord! Jaynord! Jaynord!"
"Lyka! Lyka! Kaya mo yan, wag kang papatalo!"
"Kayabang mo! Akala mo kung sino ka!" nanggigigil na wika ni Lyka habang nakahawak sa buhok ni Jaynord
"Hindi mo ako kaya, mas malakas pa rin ako sayo. Lalaki ako." mahangin na wika ni Jaynord habang nakasabunot naman kay Lyka
"Ayaw mo pa ring bitawan buhok ko ha!" galit na wika ni Lyka
Wala ng maisip na paraan si Lyka kaya sinipa nya ng malakas ang 'junior' ni Jaynord.
"Aaah. Aray aray."namimilipit sa sakit na sigaw ni Jaynord
"Ayos ka lang?" tanong ng isang bata
"Magtatanong ka pa, nakikita mo na nga lang." tugon ni Jaynord
"Masyado ka kasing mayabang, kahit lalaki ka kayang kaya kita." nanginginig na sabi ni Lyka saka naglakad paalis
"Belat!" pahabol pa ni Anson na kaibigan ni Lyka saka sinundan ang kaibigan.
"Ang galing mo talaga Lyka, isang sipa mo lang tumba na siya.!" puri ni Anson sa kaibigan
"huk....huk..huhu..huk" hikbi ni Lyka
"Oh? Bakit ka umiiyak?"--Anson
"Ang sakit ng kaliwang braso ko." sagot naman ni lyka
"Naku may pasa ka. Malakas pala manuntok si Jaynord" nag-aalalang sabi ni Anson habang nakatingin at hawak ang braso nitong may pasa.
"Papagalitan ako ni Mama 'pag nalaman nyang nakipag-away ako."--Lyka
"Hmm. Alam ko na." wika ni Anson saka umalis
"Ha? Saan kaya pupunta un?" nagtatakang bulong ni Lyka sa sarili
Pagbalik ni Anson ay meron na siyang dalang panyo.
"Para saan yan?"--tanong ni Lyka
Tiniklop-tiklop ni Anson ang panyo at itinali sa braso ni Lyka na may pasa.
"Para hindi mahalata ng Mama mo ung pasa mo." sabi ni Anson habang itinatali ang panyo
"Wag kang mag-alala, nakaganti ka naman na kay Jaynord. Alam mo ba, bagong tuli kaya un!" natatawang saad ni Anson
"Talaga?!" nakangiting wika ni Lyka saka nagtawanan ng malakas ang dalawa
***
"Mama, masakit.. Huhuhu. Huk.."umiiyak na sabi ni Jaynord
"Tiisin mo, bakit kasi nakipag-away ka? Alam mo namang bagong tuli ka." sermon ng nanay ni Jaynord
"Lagot sakin un sa school bukas." matabang na wika ni Jaynord
"Wala ka talagang kadala-dala. Hayy.." bulalas naman ng ina nito
"nga pala, ung Daddy mo tumawag kanina. Kukunin ka daw nya sa states"
"Mama, ayokong pumunta dun." nakakunot noong wika ni Jaynord "Sabihin mo kay Daddy, si kuya nalang ang kunin nya." dugtong pa nito
"Hindi pwede Jay. Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ka sa States."--may diin na saad ng kanyang ina
Wala naman nagawa si Jaynord. Padabog itong nagpunta sa kanyang kwarto. Matagal na kasi syang gustong kunin ng Daddy nya sa States ngunit ayaw nito dahil ayaw nyang iwan ang kanyang ina at ganun nadin ang kanyang mga kaibigan.
"Mommy? Anong problema nun?" tanong ni Paul sa mama nito nang masalubong si Jaynord na nakasimangot
"Ayaw pa rin nyang sumama sa States." sagot naman ng ina nito
"Ako pa rin ba ang gusto nyang umalis? Mom, kailan mo ba sasabihin sakanya na magkaiba kami ng Daddy?"--litanya ni Paul
"Tsaka na anak, 'pag nasa tamang edad na sya."--matipid na sagot naman nito
Si Paul at Jaynord lang ang anak ni Belinda ngunit magkaiba sila ng ama at hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam si Jaynord tungkol dito. Magkapatid ang Daddy ni Paul at Jaynord. Ang tunay na mahal ni Belinda ay si Kent na Daddy ni Jaynord ngunit ipinagkasundo si Belinda at Kim na Daddy naman ni Paul. Walang nagawa si Belinda nang mga panahon na iyon kundi magpakasal kay Kim at nagkaroon sila ng anak which is si Paul.
Lumipas ang dalawang taon, namatay si Kim dahil sa isang car accident. Sa pangyayaring iyon, wala nang naging hadlang pa sa pagmamahalan ni Kent at Belinda. Napagdesisyonan din nila na sasabihin nila ang totoo kay Jaynord kapag nasa tamang edad na siya. Hindi nila ito inilihim kay Paul, kaya sa edad na 10 ay parang matanda na itong mag-isip. Hindi tulad ni Jaynord na tama lang sa edad nyana 8 ang kanyang pag-iisip at kilos. Napaka-isip bata at mapag-laro.