Hey.
Teka, paano ba dapat simulan to? This is not my thing kaya sana wag ka na lang magreklamo kung impormal ang pagkakasulat ha? This is not a miracle, Ellie, I’m actually writing you a letter. Believe me, kahit ako di makapaniwala na gagawin ko to. Wag ka na ring demanding kung gusto mong personal ko pang sabihin sayo ang mga ito, inaamin ko naman na naduduwag ako eh, mas malakas kase ang loob ng sulat kesa sa dila ko.
Hey you know what? Writing a letter isn’t that easy. Inabot na ata ako ng dalawang oras dito kakaisip kung paano ko uumpisahan, ang hirap pala. Dati nababaklaan ako sa mga letter-letter na yan, bigla tuloy akong nahiya sa sinabi ko. Wala kase akong masabi, andaming umiikot sa utak ko pero di ko alam kung alin uunahin ko. I wonder kung buhay lang ang ballpen at notebook na gamit ko ngayon, kanina pa siguro sila nagreklamo sa sobrang inip nila.
Ikaw ba? Naiinip ka ba kapag kasama mo ako? Di kase ako palakwentong tao. Ang alam ko lang ay umiling at tumango.
Gusto ko lang malaman. Kasi ni minsan hindi pa kita narinig na nagreklamo. Pag ba nakatalikod ako, isinusumpa mo ko? Haha pasensya na ha? Ayaw kitang pag-isipan ng ganyan pero nagtataka lang talaga ako kung paano mo nagagawang ngumiti palagi kahit na puro sigaw at panlalait lang ang naririnig mo sa akin. Sabihin mo nga ang totoo, robot ka ba?
Ayy mali. Kung robot ka, paano mo ako nagawang mahalin diba? E wala namang puso ang robot. Ang tanga ko para itanong sayo yun.
Heto na lang, bakit ako pa yung minahal mo?
Naaalala mo pa ba nung tinanong kita, 'Bakit ako?'
Mula nung sinabi mong mahal mo ko, yan ang tanong na gumugulo sa isipan ko. Bakit ako? Maraming may ayaw sa akin. Masama akong tao. I’ve never been good to you. Palagi kitang sinusungitan, palagi kitang napagsasalitaan, di makausap ng maayos, bastos. Kaya nga nagtataka ako, bakit ako?
Tatlong salita lang ang isinagot mo pero ang lakas ng epekto sakin nito. 'Bakit naman hindi?' Yan ang isinagot mo sa akin, naaalala mo pa ba?
Alam mo ba? pakiramdam ko noon parang andaming langgam na gumagapang sa puso ko. Ganun pala ang pakiramdam ng kiligin no? Tsk para tuloy akong bakla sa mga sinasabi ko. Ayoko nang burahin! Nakakailang punit na ako dito kaya kahit magtunog bakla ako bahala na.
Oyy babae! Nabasa mo yon? Ganun ako kiligin, pero di ko pinahalata sayo. Tsk you always put me in a weird situation. Good thing, I have a talent on keeping my face blank kaya di mo nahalata hehe.
Nainis ka ba noon dahil wala akong reaksyon sa sinabi mo? Pasensya na kung iniwan kita bigla ha? Di ko na kasi kayang pigilan yung tuwang naramdaman ko kaya lumayo ako para makahinga. Nahihiya ako eh. Kaya sana wag mong isipin na walang epekto sa akin ang mga sinasabi mo. Meron, malaking epekto dahil nagawa mong baguhin ang buhay ko.
Alam mo ba, kanina habang kumakain ako sa resto, biglang tumugtog yung ‘Like Only A Woman Can’ na kanta. Napapangiti ako kapag naririnig ko yan. Yan yung kinanta ng banda ko sa school fest nyo diba?
Kung hindi ka ba Student-Council President noon, sa tingin mo ba magkakakilala pa rin tayo? Di siguro no? Di kase ako naniniwala sa destiny eh.
Buti nalang pala marunong akong tumugtog. Kase kung hindi, baka sakaling di tayo nagkakilala. Buti na lang din at SC-Pres ka, kase pinilit ka nilang kumbinsihin ang banda ko na tumugtog sa school festival nyo. Natatawa nga ako habang naiisip ko yung mga pinaggagawa mo mapapayag mo lang ako.
Pinapakinggan mo parin ba ang kantang yan? O baka naman naaasar ka kapag naririnig mo yun, wag naman sana.
Noong gabing inamin mo sa akin na mahal mo ko, ano bang nararamdaman mo? Kinakabahan ka ba? Kase ako, sobra. Ewan ko, makita ko lang ang mukha mo tumatalon na ang puso ko. Nanginginig din ba yung mga kamay mo? Yung akin din eh, kapag kasi malapit ka na sa akin, di na ako mapakali. At nung sinabi mong mahal mo ako, natanga ako.