"Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan nung ako'y 'di na naging sapat
Ba't di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal""Hi babe" bati ko kay David, my long-time boyfriend. We've been together since high school and I must say kapag tinitignan ko siya nakikita ko na siya nayung makakasama ko pang hbang buhay.
I kissed him on his cheek at naupo sa tabi niya. Kapansin pansin ang pananahimik niya na ipinagtataka ko dahil kapag dadating ako ay kukulitin niya agad ako para mag kwento kung anong nangyari sa araw ko pero sa oras na ito ay napaka tahimik niya.
Hnayaan ko nalang siya at di na kinulit, baka madami lang ginawa sa work niya kaya napagod.
"Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama, pero hanap mo siya""Babe, let's eat bago pa lumamig yung niluto ko, favorite mo pa naman yun" sabi ko sakanya. Alam kong kapag malungkot o kaya naman pagod siya ay hihilingin niya na lutuin ko ang paborito niyang pagkain at viola babalik na ulit ang sigla niya.
Pero nagkamali ako sa araw na ito parang wala siyang naririnig kahit kanina pa ako salita ng salita.
"David, ano bang nangyayari sayo ilang linggo ka nang ganyan, hindi mo ko pinapansin, parang tanga akong nagsasaslita dito pero kahit konting atensiyon hindi mo ko mapagbigyan."
"Please tell me, what is happening to you?mababaliw na ako kakaisip."
"Malia, please wag ngayon wala ako sa mood makipag usap" he said at tinalikuran ako.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas, nanghihina ang mga tuhod ko, gusto ko magalit sakanya pero mas pinili kong intindihin siya.
Pinalipas ko muna ang isang oras bago sumunod sa kwarto at tangkain ulit siyang kausapin pero pagkapasok ko sa aming kwarto ay mahimbing na ang tulog niya, buti pa siya nakatulog ng ganito kami, hindi nag uusapa.
Lumapit ako at tinitigan ang maamo niyang mukha, maingat kong hinaplos ang kanyang mukha, what's in your mind babe? I'm worried.
Dahan dahan akong humiga sa tabi niya para hindi siya magising akmang yayakapin ko na siya ng may sinabi siya na hindi ko maintindihan.
"Mara" malinaw na bigkas niya sa pangalan ng taong hindi ko kilala. Gusto ko mang gisingin siya at tanungin kung sino iyun nawalan ulit ako ng lakas ng loob.
"At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya"Nagpatuloy ang malamig na pakikitungo niya saakin, It's been a month simula ng nabanggit niya ang pangalang "Mara", hindi na din ako naglakas ng loob itanong dahil natatakot ako.
Ilang beses ko siyang nahuhuli na may kausap sa phone,nagnining-ning ang mga mata. Late na din siya kung umuwi, kapag gigising naman ako kapag umaga ay wala na siya. Hindi ko na alam kung anong dapat ko maramdaman pero unti unti na din akong nasanay.
Ang daming pumpasok sa utak ko, ang dami kong naiisip namaaring dahilan. Maybe he fell out of love or worst may iba na siya ayoko mang isipin pero kusang pumapasok sa uak ko ang mga ito. Napapagod na din ako pero ayoko siyang sukuan. Pero kung meron mang iba sana ay... sana ay alagaan siya, sana ay hindi siya saktan.
"Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba't 'di mo inamin na merong iba
Ako ang kayakap, pero isip mo siya"