2: Vacant Seats

279 7 0
                                    

Yumi's POV

Hahahaha. Nakita ko si Miaka na nagbu-blush. Pwede nang ipagcompare sa kamatis yung mukha niya. Haahhahaha. Well, kahit sino naman talaga tatamaan kay Dei pero hindi kami kasali ni Athena. Kami lang ata walang crush kay Dei e. Ewan ko lang kung pati si Miaka.

After naming magpakilala, ay nagpaalam na si Ma'am at sinabi niya na may papasok na ibang subject teachers namin.

Pagkatapos ng mga subject teachers pumunta ay tumunog na yung bell. Maraming nagsigawan. Puro ' yaaahoooooo!' yung sigaw. Pero okay lang kay Ma'am. Ang bait ni Ma'am. Buti nalang Math Teacher sya. Mabait. XD

Niyaya na kami ni Miaka na lumabas na ng room. Tinanong niya kami kung may pupuntahan pa para masamahan kami. Ang bait talaga ni Miaka. Sabi namin wala kaya dumiretso na kami sa canteen para bumili ng pagkain. Halata sa mukha ni Miaka ang pagkamangha sa school namin.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Miaka's POV

Wooow. Ang ganda nung canteen nila. Pumasok na kami sa loob para maghanap ng upuan. And, unfortunately, walang bakanteng upuan except dun sa inuupuan ni Dei! Oh my g.
      
Nung nakita yun ni Athena ay pumunta na kami kaagad. "Sigurado ka ba? Dyan tayo uupo?" sunod-sunod na tanong ko habang naglalakad kami papunta doon.

"Oo, Ikaw naman yung Queen kaya pwede kang umupo sa tabi niya." ang lakas nung pagkakasabi niya kaya nagtinginan lahat nung tao sa canteen except sa deadmang si Dei. Pagkatapos nun ay pinag-uusapan na ako. Haaay. Life nga naman.

Pumunta na kami dun sa pwesto ni Dei. May babaeng uupo na sana dun tapos biglang hinarang ni Athena. "Uhmm... May nakaupo na dyan e." sabi ni Bestie. " Ah sino? Bakit parang wala naman?" sagot nung babae. Hindi papatalo si girl ah. Lalo naman tong si Athena. " Hindi pa kasi sya umuupo e. Uupo palang." sagot ni Athena. "Sino? Ako nalang ang uupo ako naman nauna e." sabi niya. "Yung QUEEN kasi ang uupo jan, para kasama niya yung  KING niya." mataray na sabi ni Athena. Grabe napanganga kaming lahat sa sinabi ni Athena except uli sa deadmatus na si Dei. "O–okay. You may have your seat. Queen." sabi nung gurl na kinakabahan. Grabe talaga 'to si Athena.
       
Nilapitan ko si Dei para tanungin. Grabe ang raming mata na nakatingin sa amin. Ang sarap pagtutusukin.
"Uhmm... May nakaupo ba dito sa tatlong vacant seats?" tanong ko. "Wala." matipid na sagot ni deadmatus. "Pwede ba kaming umupo?" mahinahong tanong ko. "Bahala ka." matipid na sagot nito.
"Okay pala e. Edi upo na tayo." sabi ni Yumi. "Thank you Dei." sabi ko naiinis na ako sa kanya.
        
5 minutes later...wala paring 'you're welcome!'
        
Confirmed! He is 100 percent...DEADMATUS.

Tapos na kaming kumain. Tiningnan ni Yumi yung wrist watch niya. "Guys, may 15 minutes pang natitira. Punta tayo sa mini park." Yaya ni Yumi. "Okay!" sabay naming sabi ni Athena.
 
Nung nasa mini park na kami ay namangha ako uli. May mga swing pa. Halos magmistulan na itong playground sa dami ng swing. Halos lahat occupied na. "Ayun! may
4 na vacant na swings. Tara punta tayo dun." Yaya ni Yumi. Wow. Mahilig din pala sya sa swing. Umupo na kami. Sinwing na namin ang swing nang sabay-sabay. 'weeeeeeee' grabe kung hindi lang nakakahiyang isigaw yan matagal ko nang sinigaw yan.

May dumating na gwapong  nilalang. Sana hindi si Deadmatus yun.
"Miss, pwedeng may nagsi-swing ba dito?" tanong nung gwapings. Tiningnan ko sya. Haay. Buti nalang hindi si Deadmatus.     
"Miss?" taning niya uli saka nagsink-in yung sinabi niya sa akin. Hahahahah. Natatawa ako. ' May nagsiswing ba dito?' yan ang paulit-ulit kong naiisip. Hanggang sa natawa na ako. "Hahahah. Hahaha. Wala. Hahahaha. Sige. Hahaha. Maupo ka na jan. Hahaha Hahahahaha." tawa ako ng tawa.     
        
Hindi ba obvious na walang nagsiswing? Nakikita naman niya siguro na hindi gumagalaw. Hahaha.
         
"Thanks. Pwede bang sumabay sa swing niyo?" sabi ni kuya gwapings. " Game!" masigla na sabi ni Athena. "Ready, Get set, Go!" sabi ni Yumi. Wooaah. ' Weeeeeee' gusto ko talaga sabihin yan. Kaso nakakahiya. Ang saya nilang kasama.
"Uhmm... ano nga pala mga names niyo?" sabi ni gwapings. 
"Ako si Keishi Athena Aishuo."
"Ako si Yumi Ayako."
Ako na... sana hindi sya magulat.
"A–ako si  Miaka Aiesh Mercado..."
Haaay. As usual, nagulat din sya.
"...Ikaw, anong name mo?"
"A–ako? A–ako nga pala si Kim Kenneth Fuentebella." alanganin niyang sagot.
"Wag kang matakot, hindi kami serial killer!" sabi ni Athena.
"Nice meeting you! Teka, bakit nag-aalangan ka nung nagpapakilala ka sa amin?" tanong ko.
" K–kasi kasama kayo sa mga pinakamayaman sa buong school. Lalo pa 'tong si Miaka, sya yung pinakamayaman sa Royal International School. Dagdag pa yung pagiging Queen niya. Buti nga at hindi na si Akira yung Queen e, kasi mapagmataas buti pa ikaw mabait at friendly." paliwanag niya.
"Hehe salamat sa papuri. Friends?" sabi ko. "Sure ka?" tanong niya. "Oo naman. O ano friends?" tanong ko uli.
"Friends!" sabi niya. And then flashed a smile. Ahhh! Ang gwapo.
"Welcome to the group!" sabi nina Athena at Yumi pati rin ako.
"Bye!" nagpaalam na si Ken.
        
Kung nagtataka kayo kung bakit 'Ken' ang tawag ko sa kanya. Kasi po sabi niya Ken daw itawag sa kanya. Edi ayun! Ken yung tawag namin. "Babush!" sabi namin.

Sakto! Pagkatayo namin tumunog na yung bell.
         
"Halika na kayo. Pasok na tayo para hindi tayo ma-late sa next subject.
"Okay!" pagsang-ayon ni nilang dalawa. Naglalakad na kami papuntang room kasi baka ma-late na kami. Whooooo. Haay salamat. Hindi kami na-late. Wala pa yung teacher namin, pero kahit ganon nagmadali parin kaming tatlo. Parang syonga lang. Tumatakbo kasi kami sa loob ng classroom. Hehehe. Di ko nga alam kung bakit kami tumatakbo e. Pinagtawanan tuloy kami. Umupo kami. Saktong pagdating ng aming teacher.

Napatingin ako sa upuan ni Deadmatus at nagtaka ako bakit wala pa sya. Nasan na kaya sya? Ano kayang ginagawa niya? Bakit sya late?
Teka nga, teka nga, bakit ko ba sya iniisip? Ano ko ba sya? Buti nga ako iniisip ko sya e sya nga deadmatus e. Walang pakialam sa mundo.

(Yumi: mukha nang nababaliw si Miaka. Hahaha. Hindi niya namamalayang may teacher sa harapan niya.)

"Ms. Mercado!" napasigaw na yung teacher. Huh? Bakit? Anong nagawa kong krimen. OA na ba? Sorry. :3
        
"M–Ma'am? Bakit po?" curious kong tanong. Huwaaatt? Si Ma'am Angeles? Bakit sya andito? "Ma'am Angeles?" tanong ko uli. "Miaka, is that you?" tanong ni Ma'am. " A–ah o–opo." sabi ko.

 Gusto niyo bang makilala kung sino si Ma'am Angeles?
        
Si Ma'am Elvyrra Elizabeth M. Angeles ay ang adviser ko nung 3rd year ako sa Sairuio High.
        
Okay na? O ayan, kilala niyo na sya.

"Nasan yung katabi mo?" tanong ni Ma'am. Oo nga eh. Kanina pa wala si Dei I mean... si Deadmatus.
Nag-aalala na ako. I mean Kami. Bakit ko ba iniisip si Deadmatus? Utak, umayos ka naman.
"Hindi ko po alam e." sabi ko. 
"Sige, pakihanap nga Miaka. Tutal ikaw naman yung Queen kaya hanapin mo yung King mo." sabi ni Ma'am tsaka ngumiti. Yung mga classmates naman namin nagsisisigaw ng 'Aaaaayiiieeeee'. My gulay. Napatingin ako kay Akira, kasi alam kong may gusto yun kay Dei e. Grabe! Ang sama talaga. Ang sama ng tingin niya sa akin halos mawala na yung eyeball niya eh. Katakooot. Nung nakita nyang nakatingin ako ay inirapan niya ako.
        
Bakit ganon, ang bait ko naman. Anong problema niya? Si Deadmatus? Edi kanyang-kanya na. "Sige na Miaka hanapin mo na." sabi ni Ma'am. Oookaaay. Sige Ma'am sabi mo e.   
         
"Okay Ma'am." sabi ko then smile.
"Sige ha. Bilisan mo." sabi uli ni Ma'am.
"Okay po!" sigaw ko.

Kailangang magmadali...Hanapin si Deadmatus.

LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon