BEST ENEMY is the right term.

63 6 0
                                    

Minsan mapapaisip ka kung tama bang pagkatiwalaan ang isang tao o hindi.

Minsan kailangan mo munang alamin kung dapat bang sabihin ang isang sikreto o isarili nalang.

Minsan bigla nalang dadako sa isip mo kung itong BESTFRIEND mo ba ay karapat-dapat sa depinisyong BESTFRIEND o baka naman BEST ENEMY?

Puro nalang MINSAN, kahit na PALAGI naman talagang nangyayari, di mo lang pinapansin.

Iniisip mo kasi na KAIBIGAN mo sya at hinding-hindi nya magagawa sayo ang mga bagay na yun.

Ako nga pala si Amber, naloko ng taong tinuring kong matalik na kaibigan, hindi nga lang yun eh, halos kapatid na talaga yung turing ko sa kanya. Dating Bestfriend pero ngayon, Best enemy na. Hindi mo talaga alam sa mundong 'to kung alin ang totoo sa peke, natural sa hindi, at mabait sa mapanakit.

"Tiffany! I admit! I admit! Gusto ko nga talaga sya. OMG! Wahh!"

"Huh? Sino na naman ba yan Amber?"

"Sino pa ba? Edi si Paul! Ui Tiffany, secret lang ah! Alam mo naman dito sa school, miski nga sa room lang eh, kayang-kayang gumawa ng chismis. Famous pa naman si Paul."

"Oo na, oo na. Pero teka, pano mo naman nagustuhan yun? Di naman sya gwapo ah?"

"Ang gwapo nya kaya. Ay naku! Magkaiba lang talaga tayo ng taste."

"Yah! Whatever!"

Ang girls, aminin man at sa hindi, hindi yan nakakatiis na sabihin sa iba kung sinong nagugustuhan nila. Ang hirap kayang sarilihin ang kilig. Muka kang tangang nangiti nalang mag-isa. PERO SANA PILIIN YUNG TAONG PAGSASABIHAN NG SIKRETO, MAMAYA IMBIS NA KAY BESRFRIEND, KAY BEST ENEMY MO NASABI.

"Ui diba yan yung desperadang may gusto kay Paul? Grabe 'no? Ang disente nya pa namang tingnan tas lumuhod lang sya sa harap ni Paul para maging sila. Tss. How Pathetic."

"Yup. Tama nga. Si Amber yan eh."

Fudge! Ako ba yung sinasabihan nila? Ang alam ko Amber ang pangalan ko, disente akong tingnan at may gusto ako kay Paul pero never kong ginawa ang lumuhod. At never kong pinagkalat na may gusto ako dun. Si Tiffany lang ang pinagsabihan ko at wala ng iba. Imposible namang ipagkalat nya yun. Bestfriend ko yun ih. Baka narinig lang nila samin pag nag-uusap kami. Aish. Hayaan na nga lang. Mga chismosa nga naman.

"OMG TIFFANY!!! Kinikilig talaga ko kay Paul! Nagkaroon kami ng moment, ohmygee!!"

"Sus, moment lang ih."

"Suportahan mo naman ako, Tiffany. Todo kilig ako oh."

"Ang babaw mo naman kasi."

"Edi ikaw na mataas! Tangkad mo kasi eh."

"Di ako matangkad, sadyang pandak ka lang."

"Aray ah! Mga salita mo masakit na."

"Haha. Eto naman. Bestfriend nga tayo diba? Anong gusto mo plastikin kita? Sabihin kong ang tangkad-tangkad mo kahit na obvious na obvious namang pandak ka?"

"Tss. Oo na. Oo na."

Mga salitang binubulag ka. Oo tama nga sya, hindi ka nya pinaplastik pero sinasaksak ka naman sa katotohanan. MALIIT NA BAGAY PERO UNTI-UNTING LUMALALA. MINSAN PA NGA SMALL BUT TERRIBLE EH.

Para saking babae, mas maganda ngang magkaroon ng lalaking kaibigan kasi kapag may gusto ka, hindi mo sya mapagseselosan. Magkakaroon ka pa ng tamang advice pero may halong kalokohan. Inaamin ko, nagseselos ako kapag nag-uusap si Tiffany at si Paul. Hindi kami masyadong close ni Paul at ganun din sila ni Tiffany. Pero napapansin ko kasing sobrang close sila kapag kasama nila ako pero pagwala naman ako, normal lang sila. Napaparanoid lang ba ko? Nagseselos lang ba ko? O tama na yung hinala ko? Hinala kong ginagawa lang akong tanga ng bestfriend ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best "FRIEND" or Best "ENEMY" ? [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon