Prologue

10 1 1
                                    

"Excuse me. Excuse me!" Saad ni Chirsa habang pilit na sumisiksik sa mga kababaehang nagkukumpolan nang makarating sa location.

'Kailangan kong makita si Seungcheol. Kailangan kong makita si Seungcheol.'
- Salitang tanging sinasabi niya sa isip niya habang pilit na nakikipag-siksikan kahit na pinagpapawisan na siya at minsan ay napapangiwi na lang kapag natatapakan ang paa niya.

'Kainis bakit kasi ang liit ko pucha.'
- isip niya habang pilit na nakikipag-siksikan at dinideadma ang mga masasamang tingin ng mga babaeng nabubungo niya.

'Bahala kayo dyan basta gusto kong makita si Seungcheol my love.'
- Isip pa niya.

"Excuse me"

"Ay! ano ba yan?"

"Sorry, Excuse me makikidaan."

"Hays, kainis ka naman."

"Sorry, sorry talaga excuse me."

Makalipas ang ilang minuto ay nakapunta rin siya sa unahan at kasabay naman non nagsidaan ang mga kotse na sinasakyan ng mga iniidulo niya.

"Waaah!!!"

"Seventeen!!!"

"Waaah!! Saranghaeyo oppa!!"

Sigawan ng mga kababaihan pero syempre hindi papatalo ang bida natin.

"Waaaah! I love you Seungcheol!! I love you seventeen!!! Aaah!!" Tili niya. Kahit di niya nakikita ang seventeen ay tudo kaway at flying kiss siya sa mga Kotseng napapadaan.

Kahit nahihirapan siyang sumigaw dahil merong time na natutulak siya ay tudo tili pa rin siya at hindi iniinda ang sakit ng tyan pati ng beywang niya na dulot ng harang para di makabanga ang mga sasakyan.

Ngunit ganon na lang ang gulat niya ng biglang may tumulak sa kaniya ng malakas at kasabay naman noon ang biglang pagkalas nong lock ng harang dahilan para matumba siya sa gitna ng dinadaanan ng mga sasakyan.

"Aww." Daing niya ng maramdaman ang sakit ng bewang at ng tyan isama na rin ang kaniyang tuhod.

*Peep! Peep!*

Agad na nanlalaki ang matang napatingin siya sa harapan niya at ganon na lang ang gulat niya ng makita ang isang sasakyan na papalapit sa kaniya.

Parang slowmo ang lahat ng pangyayari at wala sa sariling iniharang niya ang mga kamay sa kaniyang harapan at mariing napapikit ng mata.

'Ito na ba? Kataposan ko na ba? Mamatay na ba ako ng hindi manlang siya nakikita?'
- saad niya sa kaniyang isipan.

Napansin niya na natahimik bigla ang kapaligiran at makalipas ang ilang minuto ay biglang nagkaroon ng malalakas na hiyawan.

'Hala? Anong nangyari? Patay na ba ako? Agad? Walang ramdam ng kirot or sakit? Wait? Ito ba ang epekto ng kape? Namanhid na ako? Hays, ano ba itong pinagiisip mo Chersa?!'
- Isip niya habang ganon pa rin ang pwesto at naririnig parin ang malalakas na hiyawan.

Hindi nagtagal ay dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, rinig pa rin ang tuloy-tuloy na hiyawan, ngunit agad ring napapikit ng masilaw siya sa araw ng muli niya binuksan ang mata ay ganon na lang ang gulat niya. Napapalibutan siya ng mga  lalaking naka-black face mask.

Agad niyang inilibot ang paningin sa mga lalaking nakapalibot sa kaniya hangang sa matigil ang mata niya sa lalaking katapat na tinititigan siya.

"Gwaenchanh-a?" Rinig niyang saad ng katapat sa pamilyar na boses.

"Seungcheol.. oppa?"

(💯: PLAGIARISM IS A CRIME)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SVT Series 1: FAN GIRL - S.coupsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon