1: AT FAULT

10.4K 522 620
                                    

Chapter 1: At Fault

LEVY

"Levy, patulong naman sa assignment ko sa Calculus oh."

Bumaling ako sa kaibigan kong si Ehra. Nasa malawak na field ng school kami at nakatambay. Although mas mababa siya ng isang taon sa akin, naging magkaibigan kami dahil magkasabayan lamang kaming nagtransfer dito sa Athena mula sa isang state college.

I'm an irregular third year, taking up Financial management. Dati akong accountancy student ngunit nang hindi ko maipasa ang Financial accounting ay natanggal ako sa programa kaya nagtransfer ako ng ibang school at kumuha ng ibang kurso.

Kinuha ko mula sa kanya ang kanyang notebook at ilang sandaling tiningnan ang kanyang assignment. "Do it like this..." I started explaining about the topic at panay naman ang kanyang tango. After few minutes of carefully explaining and answering one item as an example ay tuwang-tuwa na kinuha niya ang kanyang notebook.

"Got it!" bulalas niya at sinumulang sagutan ang pangalawa. "Ang talino mo talaga sa math, sayang hindi mo tinuloy ag accountancy."

I smiled, mentally saying accounting is far from mathematics, contrary to what most people think. Hindi Math ang Accounting; but then I'm tired of saying it to people.

"Madali na lang 'yan since tapos na ako sa Calculus ko last sem," sagot ko na lang sa kanya.

"Wow, ngayong ikaw ang nagturo sa akin , mas naintindihan ko na. Ewan ko bakit wala akong maintindihan kay Miss Cruz. Alam mo Levy, bagay ka magteacher," nakangiting sabi niya.

I smiled again, silently remembering the time when I aspire to be a teacher. I was so into it before ngunit ngayon ay wala sa hinagap ko na maging guro. Now I am not certain of what I want to become and that's something that made my nights sleepless. I was trying to figure out what I want to become, what I want to achieve ngunit wala akong makapang sagot sa kaloob-looban ko.

I sighed, rememebring such lonely thought just made me lonelier. Napansin kong tila may tumatawag sa pangalan ko ngunit hindi ako nag-abalang makinig. I was still trying to figure out what I really wanted to be nang bigla na lamang may bagay na papalapit sa mukha ko.

One blink and I'm sure such thing would hit my face.

"Levvvvy!"

It was Ehra who's shouting.

And that flying thing towards my face is a frisbee.

Before I can blink or move a little, a hand caught the thing just a millimeter from my face.

Saka lamang ako tila nakahinga nang magsalita ang taong sumalo sa frisbee.

"Are you okay?"

I blinked, suddenly feeling the turmoil more than I felt a moment ago when I was about to get hit with the disc. That voice... that voice is enough to leave me breathless...

Mabilis akong tumayo at humarap sa kanya. "I-I'm okay! Thank y-you!"

He nodded without a smile before throwing the disc to the other players to resume their game. Saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag nang pinanuod ko siyang tumatakbo sa katirikan ng araw. His hair was bouncing, showing some of his forehead to which I never ever thought I would find so beautiful.

Kailan pa naging turn on ang noo ng isang tao para sa akin?

Ah, I know.

That's when I got to see Zywon Rocco Deltran's forehead. His hair is always down on his forehead so when it's out such as moments like this when he run around freely, that's enough for me to consider it as a good day indeed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BOULEVARD OF BROKEN DREAMS (VANDER #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon